17: Break Up

369 55 21
                                    

CHAPTER 17

Break Up



TYLER POV's

THERE IS always hindrance in my plans. Walang iba kundi ang Prince Cortes na iyon. Hindi pa siya iniiwasan ni Scarlet hanggang ngayon. Pagkauwi ni Scarlet galing Boracay, biglang may mali sa mga kinikilos niya.

I know she's pregnant. Pero iba talaga ang kinikilos niya lalo na pag gusto ko siyang yakapin. May tinatago siya sa akin.

Hindi ko matanggap ang anak na nasa sinapupunan niya. Gagawin ko ang lahat para malaman kung sino ang ama ng bata.

"Tyler" lumingon ako sa pagtawag ni Chairman.

"Yes?" nilapitan ko siya.

"Sabay na tayong pumunta sa mga Imperial" nakangiti nitong wika.

I nodded. "Gusto kong mag propose kay Scarlet ngayon." pinakita ko kay Chairman ang singsing na binili ko. "What do you think?" ngiting tanong ko.

He tapped my shoulder. "I'm proud of you. Kailangan mo na talagang mag-propose sa kanya sa lalong madaling panahon." tumango ako sa sinabi niya.

"Oo naman. Lalo na ngayong malaki ang maging papel ko sa buhay niya" ngiting sabi ko.

Sigurado akong papayag si Scarlet sa kasal. Lalo na ngayong buntis siya at kailangan ng ama ang bata.

'Kaya ko namang maging ama basta para kay Scarlet...'

"Susuportahan kita diyan, Tyler. Dahil kapag ikasal ka na, makakasal na rin si Prince at Sarah." hindi mawala ang ngiti sa mukha ni Lolo.

Mas lumawak rin ang ngiti ko.

Oo nga pala. Matutupad na yung kasunduan ni Chairman at ng mga Reyes. Ikakasal si Prince kay Sarah para matubos lahat ng utang niya sa kompanya ng mga Reyes.

Sa totoo lang, nakakatawa ang pamilyang ito. Lahat gagawin para hindi lang mapahiya sa maraming tao.

Even though I already know the truth, hindi ko pa magawang umalis dito. Dahil balak ko silang pabagsakin. Bakit pa ako aalis kung may hati ako sa yaman ng mga Mendez.

Matagal ko nang alam na hindi ako tunay na Mendez. Since highschool, alam ko na. Hahanapin ko pa ang pamilya ko sa Marikina gaya ng sabi sakin ni Natalia. Pero hindi muna ngayon. Uunahin ko muna ang mga plano ko.

Sabay na kami ni Chairman na lumabas ng bahay. Nasa backseat ako ng sasakyan habang siya ay nasa harapan katabi ng driver. Minsan naiisip ko parin kung bakit hindi niya man lang sinabi sa akin na ampon lang ako.

Nakakatawa. Talagang tinanggap nila ako bilang parte ng pamilya nila. Aaminin ko, nasasaktan din ako dahil puro lang kasinungalingan ang pagkatao ko. Kaya may dahilan ako para pabagsakin sila. Kaya pala hindi niya maibigay sa akin ang malaking porsyento ng hati. Dahil si Prince lang ang kanyang apo.

Kinawawa niya naman. Gagawin niyang pa-in para sa utang niya.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko. I checked it and I saw Natalia's message.

Napabuntong hininga ako bago iyon binasa. Bigla akong nainis sa mensahe niya.

She wants me to have a dinner date with her again. Ang babaeng iyon, simula noong nag-invest siya sa kompanya, hindi na niya ako tinatantanan. Aminado akong malaki ang naitulong niya at tinulungan niya rin ako na malaman kung nasaan ang tunay kong pamilya. Pero, hindi na dapat kami magsama.

Ayaw ko nang dagdagan ang kasalanan ko kay Scarlet. That one night is enough para hindi ko na siya makausap.

Hindi rin pwedeng sirain ni Natalia ang plano ko na magpakasal.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now