23: Conflicts

302 54 17
                                    

CHAPTER 23

Conflicts


PRINCE POV's

HINDI ko kayang makita si Scarlet na ganito. Apat na araw na siyang nandito sa hospital. Ang sabi ng doctor, hindi siya makakauwi hangga't nanghihina pa siya. Kailangan niyang magpalakas.

Sobrang sakit nito para sa akin pero alam kong mas masakit ito sa kanya. Nawalan kami ng anak. At sabay na gumuho ang mundo naming dalawa.

Biglang may tumapik sa likod ko. "Makakaya niya iyan. Tingnan mo, kinakausap na niya si Lisa" mahinahon niyang wika.

Tumango ako at napasinghap.

Noong nagising si Scarlet, hindi siya nagsasalita, umiiyak lang siya. Kaya mabuti na ngayon dahil nakikipag-usap na siya kay Lisa.

"Siya nga pala, binisita ko si Veronica sa kulungan. At tama nga, nababaliw na siya. Grabeng karma ang dumating sa kanya"  mahinahong sabi ni Tyler.

"Dapat lang 'yon sa kanya." malamig kong tugon.

"Binisita ko rin si Natalia. Tinitingnan ko lang ang kalagayan niya. Salamat nga pala dahil hindi mo na siya pinakulong"

"Parang kulungan na rin sa kanya ang mental hospital kaya huwag kang magpasalamat..." tugon ko bago ulit tiningnan si Scarlet sa loob.

He tapped my shoulder again. "Sana maging maayos na si Scarlet"

I nodded and sighed. "Sana nga. Ayaw kong nakikita siya na nagkaganito" mahinang sabi ko.

"Don't worry, she's a strong woman. Matatanggap niya ang nangyari"

Huminga ako ng malalim. "I know she's strong pero nakikita mo naman, nanghihina siya kaya hindi siya maka-alis sa hospital na 'to" buntong hiningang sabi ko.

"Huwag ka ring panghinaan ng loob. Sa'yo kumukuha ng lakas si Scarlet kaya magpakatatag ka"

Grabe ang pinagbago ni Tyler. Namimigay na siya ng motibasyon ngayon.

Napangisi ako at tumango. "Oo, salamat"

"Alam ko kung anong nasa isip mo. Pati nga ako nagulat sa sarili ko. Nagawa ko nang magsalita ng ganito" he chuckles.

"I like the new Tyler." saad ko na napatawa na din.

"Kuya..." lumabas ng pintuan si Lisa. "She's fine now. Kailangan lang ni ate ng pahinga." mahinahong sabi niya pero bakas sa mukha ang lungkot.

"Tungkol saan ba ang piTungkol saannag-uusapan niyo?" tanong ko sa kanya.

She bite her lip. "Kuya kasi, gusto ni ate na umuwi ka na."

"Why?"

"Siguro dahil nag-alala siya sayo. Lalo na't nandito ka buong araw. Apat na araw ka na ding hindi umuuwi sa bahay."

Umiling ako. "Hindi ko siya pwedeng iwan." tanging nasabi ko.

Kahit buong taon pa akong nandito na kasama siya, ayos lang. Basta nababantayan ko siya.

"Kakausapin ko siya." wika ko bago pumasok sa loob.

Simula noong nagising si Scarlet, hindi niya ako kinakausap.

Pagpasok ko sa loob, nakita ko siyang agad na humiga at tumalikod sa akin. Nakita ko siyang nagpunas ng luha.

"Scarlet, why? Bakit hindi mo ako magawang kausapin?" nag-alala kong tanong sa kanya.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now