CHAPTER 22
Challenges
SCARLET POV’s
NAKARAMDAM parin ako ng hilo hanggang ngayon. Nasa itaas ng kisame lang ang aking tingin. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa tali sa magkabilang paa at kamay ko. Biglang humapdi ang sugat sa aking kamay dahil sa higpit ng pagka-tali rito.
‘Wala akong ginawang kasalanan. Bakit nangyayari sa’kin ito?...'
Magkasama kami ni Mommy na dinakip nila. Pero ako na lang ang mag-isa sa kwartong ito.
Hindi ko kilala ang mga lalakeng dumukot sa amin dahil naka-maskara silang lahat. Si yaya lang ang kilala ko. Hindi rin ako makapaniwalang magagawa niya ang bagay na ‘to. Isang buwan namin siyang nakasama sa bahay at pinagkatiwalaan ko siya.
“TULONGGG!” pagmamakaawang sigaw ko.
Walang nakarinig sa akin. Pilit kong inalis ang sarili sa kama pero hindi ko magawa.
‘Anong gagawin nila sa amin?...’
“MOMMYYYYYYY!” pagtawag ko sa kanya. “Anong ginawa niyo sa mommy kooo!” maiyak-iyak kong sigaw kahit alam kong wala silang pakialam sa akin.
Nag-sabayang tumulo ang luha at pawis ko. Kailangan kong maging matatag para sa anak ko.
Sinubukan kong abutin gamit ang aking bibig ang tali ngunit hindi ko magawa dahil bumabalik lamang ako sa pagka-higa.
‘Kailangan kong maka-takas dito…’
May narinig akong mga yapak papalapit ng kwarto. Pagkabukas ng pinto, bumungad agad ang isang babaeng may dalang pagkain.
“Pinagkatiwalaan ka namin tapos ito ang igaganti mo?!” hindi makapaniwala kong tanong rito.
Tiningnan niya lang ako bago siya umupo sa may gilid ng kama. “Kumain ka---” agad kong sinagi gamit ang aking bibig ang pagkaing isusubo niya sana.
“Bakit niyo ginagawa samin ito? Anong nagawa namin?!” pagtataas ko ng boses.
Bigla niyang inipit ang mukha ko gamit ang kanyang kamay. “Tumahimik ka at kumain na lang!” napapikit ako sa kanyang sigaw. “Kailangan mo raw maging busog bago kayo magkita ni madam HAHAH! Kaya, huwag ka nang maarte!” pagpatuloy niya pagkatapos alisin ang kamay.
“Maawa ka sa’kin. May anak ako---”
“Wala kaming pakialam. Nga-nga!” tumutulo ang luha ko habang sumunod sa sinabi niya.
Hindi ko mapigilang umiyak.
“Naging mabait kami sa iyo. Tinanggap ka namin ni Prince…” wika ko kasabay ng aking paghikbi.
Tumawa lang siya.
‘Ang sama nilang lahat…’
“Si Mommy, anong ginawa niyo sa kanya?” nanghihina kong tanong sa kanya.
Nakangisi siya. “Kinausap na siguro siya ni Madam. HAHAHAH!” humahalakhak ulit ito.
“Sino ang nasa likod nito?! Alam kong mayroong nag-utos sa inyo na gawin ‘to. Sino siya?!” sinadya kong magtaas ng boses.
“I think you’re done eating.” bigla siyang napatayo . “Good bye, ma’am HAHAHAH!” umalis ito habang tumatawa. “Huwag ma-stress, masama sa baby HAHAHAH!” pagpatuloy nito bago tuluyang lumabas ng pinto.
“Mga hayop! Ang sama-sama niyo!” pagsisigaw ko.
Natatakot na ako.
Parang bumabalik ang dating mga nangyari.
YOU ARE READING
LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)
Teen FictionSecrets from their past emerge, threatening to tear apart the fragile bond they are forming. Can they overcome their differences and find solace in each other's arms, or will the darkness lurking in their hearts ultimately tear them apart once and f...