14: Symptoms

371 59 32
                                    

CHAPTER 14

Symptoms


SCARLET POV's

HINDI AKO makapag-focus dahil sa dalawang tao na kasama ko ngayon. Mamayang gabi na gaganapin ang auction event. At nandito kami sa isang restaurant. Ime-meet namin si Mr. Sanchez na isa sa maging bisita mamaya sa auction.

Mr. Sanchez was also my business partner in Scarlet Beauty. Their company produced very famous fashion models in industry and that's why he is one of my important asset in my company.

"Pwede niyo na ako iwan dito. Si Mr. Sanchez lang ang ka-meeting ko." ngiting sabi ko sa dalawa.

Umiling sila pareho.

"After this meeting, didiretso na tayo sa Marikina. At hindi ka pwedeng mawala sa paningin ko. Sa akin ka pinabantay ni Tito Lee." diretsong saad ni Prince.

"Come on, I can handle myself. Samahan mo si Samantha, Prince." wika ko.

"Tama si Scarlet. Si Samantha dapat priority mo, Prince kasi partner mo siya sa event. Mauna na kayo sa Marikina. Magkita-kita na lang tayong lahat sa hotel." tugon ni Tyler sa kanya.

"Sige, sa parking lot lang ako. Baka dumating na si Samantha. Bye" paalam nito bago umalis.

"Scarlet, sinabi mo sa akin na magkaibigan na kayo ni Prince. Papaano? And now, he acts like he is your boyfriend." nagtatampong saad ni Tyler.

I chuckled softly. "Kahit hindi pa kami magkaibigan, ganyan talaga siya umasta."

"Anong ibig mong sabihin!?"

"Hayaan na natin. Magkaibigan lang kaming dalawa, okay?" ngiting sabi ko sa kanya.

Tumango lang siya.

Gusto kong tanungin si Tyler kung may kakilala ba siya sa Marikina. Pero natatakot ako baka, malaman niya na hindi siya totoong Mendez.

Mahanap ko kaya ang pamilya niya sa Marikina? Sana. Sana mahanap ko.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, nakarating na si Mr. Sanchez at nag-usap kami tungkol sa negosyo at trabaho.

"Thank you, Mr. Sanchez." ngiting sabi ko bago nakipag handshake.

"I am looking forward to work with you, Miss Imperial." tumango ako at ngumiti sa kanya.

Sabay na kaming lumabas ng restaurant. Kasama ko parin si Tyler na nakipag-usap din kay Mr. Sanchez.

Pagdating namin sa parking lot, nakita namin si Prince at Samantha na nag-uusap.

"Kailan ba liligawan ni Prince yang si Samantha? Dapat ligawan na niya agad" bulong na sabi sa akin ni Tyler.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

May chemistry silang dalawa ni Sam.

Nagsimula na kaming bumyahe papuntang Marikina. 44 minutes ang biyahe bago makarating doon sa pupuntahan namin.

Nasa kotse ako ni Tyler sumakay kaya kaming dalawa lang dito.

My phone suddenly rang.

"Hello, Lisa. Bakit ka napatawag?" pauna kong tanong.

"Nasa Marikina na ba kayo, ate?"

"Not yet. Bakit?"

"Pakibantayan lang si kuya ate. Baka kung anong mangyari sa kanya diyan. Mag-iingat kayo ate."

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now