19: Nightmare

434 60 11
                                    

CHAPTER 19

Nightmare

SCARLET POV's




ONE WEEK LATER.

MINSAN TALAGA masasabi kong kakaiba ang tadhana. Gumagawa ito nang paraan para malungkot ang tao at gawin itong masaya. Kagaya nang nararamdaman ko ngayon.

Aaminin ko, nalungkot ako sa pag-alis ni Tyler. Hindi na siya nagpakita sa amin simula noong araw na iyon. Umalis siya at lumayo. Gusto kong pumasok sa kompanya niya pero hindi ko magawa dahil bigla na lang itong nagsara. Walang magawa si chairman Mendez kundi ang hayaan itong magsara. Dahil, hindi na sa kanya ang kompanya at wala na rin siyang karapatan dito. 

Naghirap si Tyler para sa kompanya na iyon pero nagawa niyang iwan.

Kung nagawa ko lang sanang sundan si Tyler noong gabing iyon, hindi sana siya aalis ng ganito. Wala na akong kontak sa kanya simula noong umalis siya.

Kinalimutan ko na ang ginawa niya sa akin. At napatawad ko na siya. Siguro, sapat na ang nangyaring ito para makalimutan iyon.

Nalulungkot lang ako dahil nawalan ako ng kaibigan. Naalala ko ang sinabi niya sa akin.

"Sana, hindi tayo maging magkalaban pag magkita tayo ulit..."

Hindi ko alam kung bakit niya naisip na maging magkalaban kaming dalawa. Sana ngayon, kasama na niya ang tunay niyang pamilya. Sana, masaya siya.

"Scarlet, bakit ka nandito sa labas?" lumapit sa akin si tita Dahlia.

Nandito ako sa bahay nila ngayon. Dumiretso ako dito pagkatapos ko sa SB. Wala akong kasama sa bahay dahil nasa business trip si Mom at Dad. Kaya, dito ko agad naisipang mamalagi.

"Nagpapahangin lang tita" ngiting sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. "Iniisip mo parin ba ang nangyayari noong family dinner?" nag-alala niyang tanong.

Sobrang maalaga ang mga magulang ni Prince. Inaalagaan nila ako sa tuwing nandito ako sa kanila. Sila lang ang nakakaalam na buntis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi alam ng pamilya ko.

Bumuntong hininga ako sa tanong niya. "Hindi na, tita. To be honest, si Tyler ang iniisip ko." malungkot kong wika.

"Lahat tayo, nag-alala sa kanya. Ang batang iyon, napamahal na siya sa amin lalo na kay Dad. Pero, iniisip niya na niloloko namin siya" may halong lungkot din sa kanyang boses.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ang totoo niyan, alam namin ni Prince kung nasaan ang tunay niyang pamilya. Nakausap namin sila at sobrang, karespe-respeto ng pamilya niya..." wika ko.

"Pa-paano?" hindi makapaniwala niyang tanong.

"Noong nasa Marikina kami, tita" mahinahong sabi ko. "Nalaman ko kasi ang tungkol kay Tyler noong bumisita ako sa bahay ampunan kung saan, doon nakita ni Mom si Marky---" magsasalita pa sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Naalala ko rin ang bahay ampunan na iyon. I'm with Dad and my brother that time. Kasama nila ako noong inampon nila si Tyler. Sobrang saya ni kuya noon dahil may ituturing na siyang anak..." ramdam ko ang pagkalungkot ni tita.

Their family really loves Tyler. I hope Tyler can feel that love too. At sana ma-realize niya na maraming nagmamahal sa kanya.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now