CHAPTER 24
Space
SCARLET POV's
Pagkatapos ko sa trabaho, dumiretso ako sa bahay nina Tita. I tried to call Prince but he didn't answer my calls. I need to talk to him. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya kung bakit ko iyon nasabi kanina.
'I also want to apologize...'
Dahil alam kong mali na sinabi ko agad sa kanya. May gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya nagawa dahil naunahan ko siya.
Gusto kong malaman kung ano ang sinasabi niyang magpapasaya sa kanya. Kahit iyon man lang ang malaman ko bago ako pupunta ng California. Pagpunta sa ibang bansa ang naisip kong makakatulong sa akin na makapag move on sa lahat. At upang maibalik ang dating sarili ko.
Agad akong bumaba ng sasakyan nang makarating sa bahay nila. Pumasok ako sa loob at nakita ko si Sarah na nasa sofa.
"Hi, Sarah" bati ko sa kanya.
Tumayo siya. "Scarlet..." she hugs me. "How are you? Nung isang araw ka pa bumisita dito ah.." mahinahong sabi niya habang nakahawak sa kanyang tiyan.
I smiled. Lumalaki na ang tiyan niya.
'Her baby is healthy and I'm happy...'
Umupo ako. "I'm good and I was being busy" saad ko.
"Yeah. I understand." ngiting sabi niya. "You know, may pangalan na ako sa anak ko"
"Really?"
"His name is Steven." tumawa siya. "Pogi ba ang pangalan niya?" tanong niya sa akin.
Napangiti ako at tumango. "I'm sure, magiging good mother ka"
She smiled. "Thank you. Matagal na akong nandito sa bahay. It also feels like really my home." she sighed. "I missed my parents. Sana man lang nagawa nila akong bisitahin dito. 'Cause I do believe they knew that I'm here. Ano pa bang gagawin ko? Paano kung hindi na talaga tuluyang magpapakita ang ama ng anak ko?" malungkot niyang tanong.
Nawawalan na rin ng pag-asa si Sarah na mahanap ang ama ng anak niya.
"Sarah, I'm sorry. We failed to find him. Nangako kami na mahanap siya pero hindi namin nagawa." mahinahong sabi ko.
Hanggang ngayon di parin namin nakita ang ama ng bata. Di namin nagawa ang pangako namin ni Prince sa kanya.
She hold my hands. "He's not important now. Wala na akong pakialam. Kung hindi ako kukunin ng parents ko dito, edi dito na lang ako titira HAHAHA- ahm, kung ayos lang sa'yo?" tanong niya sa akin.
I nodded. "Hindi mo dapat ako tinatanong niyan. Atsaka, parang anak ka na rin ni Tita" saad ko.
She nods. "Sinabi mo pa! She treats me like her real daughter! She even cooked foods for me. At alam mo ba? Feeling ko, apo niya ang baby ko..." napahinto siya sa sinabi niya. "I mean, apo niya kasi para niya akong anak hehe something like that..."
Napatawa ako ng marahan. "Ano ka ba, ayos lang."
Tumawa din siya.
Dumating si Tita. "Oh Scarlet, mabuti naman nandito ka ulit" ngiting sabi niya bago nilagay sa mesa ang isang meryenda. "Here, Sarah. Kumain ka muna..." sabi niya kay Sarah.
"Yey! Thank you tita! Mabubusog na naman si baby neto hehehe!" napatawa din si tita.
Nakaramdam ako ng selos. Naalala ko kung paano ako alagaan ni tita noong buhay pa si baby.
YOU ARE READING
LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)
JugendliteraturSecrets from their past emerge, threatening to tear apart the fragile bond they are forming. Can they overcome their differences and find solace in each other's arms, or will the darkness lurking in their hearts ultimately tear them apart once and f...