08: Jealousy

381 63 27
                                    

CHAPTER 8

Jealousy

SCARLET POV's

THE RENOVATION will start tomorrow but before that, pupunta kami doon sa lugar para tingnan kung ano ang mga dapat baguhin at kung ano ang design na maganda sa labas at loob ng building.

"Scarlet, naghihintay na si Tyler sa labas" napalingon ako sa nagsalita at tumayo sa sinabi niya.

Tyler still courting me. And also, si Prince. Bahala sila sa buhay nila. Basta ako, uunahin ko kung ano ang dapat. Right now, mas importante ang Scarlet Beauty sa akin.

Habang naglalakad paalis, narinig kong umalik-ik ng tawa si Marky.

"What's wrong? Baliw ka ba?" taas kilay kong tanong sa kanya.

Napailing ito habang tumatawa parin. "Hindi lang ako makapaniwala na nililigawan ka ng dalawang iyon. Lalo na si Prince! Kaya nagulat talaga kami nung nagpa-alam ang loko na ligawan ka. Grabe, mahigit isang Linggo mo na silang hindi pinapansin." napahinto ako sa sinabi niya.

"Marky, I talked to them." wika ko.

"Well, about work naman. Hindi sa personal na usapan." he walks around me. "Alam mo, paano mo malalaman na seryoso ang isa sa kanila kung parehas mo naman silang iniiwasan?" he asked before smiling.

"I have reasons. Ayaw ko munang guluhin nila ako. At isa pa, nung gabi na pumayag akong ligawan ako ng Prince na iyon.... nakapagdesisyon ako na, sana pala hindi na ako pumayag." tugon ko.

Nang umuwi ako ng bahay sa araw na iyon, nadatnan ko si Tyler na hinihintay ako. At di ko mapigilang hindi ma-guilty. Gusto kong sabihin kay Tyler kung anong nararamdaman ko sa kanya. Pero ayaw ko namang masaktan siya.

And now, iniiwasan ko sila parehas. Baka kapag sinagot ko ang isa sa kanila, magka-gulo lang. Kaya mas mabuting sa trabaho ako magfo-focus. Hindi sa kanila. At, kung hindi nila gusto ang ipapakita kong ugali, mabuti.

"Scarlet, sincere si Prince sa'yo. He has pure intentions towards you. And, I want him for you" bigla akong napa-buntong hininga sa sinabi ni Marky.

"Marky, I want to challenge them. If ayaw nila sa ugali ko ngayon, at kung susuko sila, mas mabuti. Para hindi na ako mahirapan." biglang nag-iba ang ekspresyon ko.

Natahimik siya at di kalaunan ay nagsalita rin. "Wow! So, ibig sabihin kung sino ang susuko sa kanila, matatalo? I mean, Scarlet.. pumili ka na lang. Pinapahirapan mo lang sila" saad niya ulit.

"Tsk! Marky pwede ba, isipin mo yung mag-ina mo. Wag mo na isipin ang tungkol sa panliligaw nila. They're not kids. At kung ayaw nila sa ipapakita kong ugali, then. Mabuti." ngiting sabi ko.

"You are really smart. Nagmana ka talaga kay Lolo. Well, goodluck na lang sa kanila. Hahahha!" bigla siyang natawa sa sinabi niya.

Umiling na lang ako. "Aalis na ako. Wag mong pabayaan si Chloe. Bye!" ngiting paalam ko sa kaniya.

Pagkatapos ng kasal nina Jack at Missy, aasikasuhin naman namin ang kasal ni Marky at Chloe.

Sobrang saya ko para sa kanila. They found their home. May makakasama na sila habambuhay.

Nang nakalabas na ako ng bahay, nakita ko agad si Tyler.

"Hi---"

"Tyler, let's go" pagputol ko sa kanya bago ako lumapit sa kotse ko.

"Wait.." napahinto ako.

"Bakit ka umiiwas sa akin? Ano bang nagawa ko?" mahinahon niyang tanong.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now