CHAPTER 26
Heal
SCARLET POV's
HINDI ko gustong isipin na panganib ang dala ng mga anak ko sa akin. Gagawin ko ang lahat para mabuhay lang sila, kahit ang kapalit ay ako. I told Layla not to talk about it anymore. Nakiusap din ako sa kanya na ilihim sa lahat ang panganib na sinasabi niya. Ayaw kong mag-alala si Mommy at baka, kunin nila ang mga anak ko sa akin.
Alam kong may konting pag-asa pa. Mabubuhay sila, pati ako.
"Scarlet, sabihan mo lang ako kung gusto mong kumain ng kung ano-ano. Para magpabili tayo kay yaya" ngumiti ako at tumango sa sinabi ni Mom.
"Alright Mom. Sa ngayon, wala muna. Hindi ko alam kung bakit, hindi ako nagca-crave ng kung ano-ano ngayon." mahinahong sabi ko.
Ibang-iba parin kapag nandito si Prince.
Lumapit si Mommy sa akin. "Oh dear, that's normal. Papasok ka ba ngayon sa work?"
I sighed. "Yes Mom. May tatapusin ako sa office" walang ganang sabi ko.
Napansin ni Mommy ang pagwala ng gana ko kaya hinawakan niya ang kamay ko.
"You missed him?" she asked worriedly.
I nodded. "It's been 5 weeks, Mom. Then next Monday will be Ber Months. Isang buwan na iyon. Hindi man lang siya nagreply sa mga messages ko. Pati ang pamilya niya, hindi niya magawang kontakin. Paano kung may nangyari sa kanya doon?" nag-alala kong wika sabay ng pagbuga ko ng hangin.
Ayaw kong mag-isip ng masama pero paano kung may nangyari sa kanya sa France? Kung busy siya, sana naisip niya man lang na may mga taong gustong malaman ang kalagayan niya.
"Do you want me to send a person there to monitor him?" natahimik ako sa tanong ni Mommy. "Don't worry, hindi niya naman malalaman." pagpatuloy niya.
Baka isipin ni Prince na wala akong tiwala sa kanya.
Napailing ako. "No need Mom. Hihintayin ko na lang siya" tanging nasabi ko.
"I understand. Alam mo anak, parte lang iyan ng relasyon niyo. Hindi talaga maiwasan mag-isip ng kung ano-ano lalo na't LDR kayo at, wala pang kontak." napahinto siya at ngumiti ng bahagya. "But the most important thing is, you know him, you trusted him. I know, Prince is faithful and loyal to you. Kaya, don't overthink too much. Okay?" she tapped my shoulder.
Alam ko sa sarili ko na tama siya. Hindi ko inisip na papalitan ako ni Prince. Ang nais ko lang ay, makausap siya.
Tumango ako sa sinabi ni Mom bago tumayo. "Mom, pupunta ka ba ng opisina ngayon?" pag-iiba ko sa usapan.
"Well, yeah. Why? Sasama ka? You can come with me."
"I can't Mom. I have plans to do now. Where's Dad by the way?" tanong ko habang tumingin-tingin sa paligid.
Dad has been busy this week kaya minsan ko lang siya nakikita sa bahay.
"Kasama niya ang tito Carlo mo. Nagtulungan sila para maitaguyod ng tito mo yung real estate nila."
"Really? May alam ba si Dad about real estate? Ang alam ko lang kasi he only knows fashion, jewelries and writing." nakangising wika ko.
Lumawak ang ngiti ni Mommy. "Kaya ko nagustuhan ang Dad mo kasi marami siyang alam. He's a writer, a fashion designer, a jewelry maker, a businessman and many more. He can be the unexpected person than you think. That's why, I loved him so much." nakapikit si Mommy at halatang ini-imagine niya si Dad.
YOU ARE READING
LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)
Teen FictionSecrets from their past emerge, threatening to tear apart the fragile bond they are forming. Can they overcome their differences and find solace in each other's arms, or will the darkness lurking in their hearts ultimately tear them apart once and f...