16: She is Back

362 51 24
                                    

CHAPTER 16

She Is Back

SCARLET POV's

NANDITO AKO ngayon sa loob ng cr. Kanina pa ako nakatingin sa hawak kong pregnancy test. It's positive. I am really pregnant. Magpapatingin ako sa private doctor namin bago ako aalis papunta ng Boracay bukas.

Bukas gaganapin ang kasal ni Jhon at Pauline. Alam kaya ni Prince na buntis ako?

Oh well, wala akong pakialam. Hindi ko na siya kinakausap simula noong araw na pumunta ako sa condo unit niya. Kaya kong buhayin itong bata na nasa sinapupunan ko. I don't need him.

Ipapaalam ko ito kay Tyler. He needs to know.

Lumabas na ako ng CR at nag-ayos ng sarili. Tinago ko ng maigi ang PT na dala ko.

'Kaya mo ito, Scarlet. You need to be strong, always...'

Hinawakan ko ang tiyan ko.

"Hindi ka pa lumalaki, huwag ka munang magpakita ha? Marami pang kailangang harapin si Mommy na problema."

Sinalubong ako ni Daddy pagbaba ng hagdan.

"Where are you going?" he asked me.

"Bibisitahin ko yung Scarlet Beauty. Tapos na ang renovation ng building." ngiting tugon ko.

Kailangan kong magsinungaling kay Dad ngayon.

Pero oo, malapit na ang opening ng Scarlet Beauty. Baka 3 days after ng kasal nila Pauline.

"By the way, nandito si Prince kanina. He brought you some mangoes." nabigla ako sa sinabi ni Dad.

Bakit siya nandito? Iniiwasan ko na siya.

But well, alam na kaya niya na buntis ako?! O baka, mas nauna niyang nalaman. The heck, Prince. Ang galing mo talaga magkunwari!

"Okay Dad. Aalis na ako." paalam ko sa kanya.

"Take care" tumango ako sa sinabi niya.

Agad kong pinaandar ang kotse ko at tuluyang umalis ng bahay.

Habang nagmamaneho, bigla kong nakita ang kotse ni Tyler na naka-park sa isang coffee shop.

Napahinto ako at bumaba ng sasakyan. Pumasok ako sa loob ng shop at bumungad kaagad sa akin si Tyler kasama si Natalia.

Sobra na ito. Palagi ko na lang sila nakikitang dalawa. Hindi ako naniniwala na investor lang si Natalia sa kompanya niya.

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanila.

"How's the coffee?" ngiting tanong ko.

Gulat silang napatingin sa akin. "Scarlet---" I cut him off.

"Huwag ka na tumayo, Tyler." kinuha ko ang kape ni Tyler. "This coffee must taste so good..." dahan-dahan ko iyong tinapon sa damit ni Natalia.

"Oh my ghad! Eww!"

"Oops, my bad. Next time kung mag-date kayo ng boyfriend ko, dapat doon sa hindi public para hindi ko kayo makita. And you, Tyler.... Akala ko, naiiba ka." mariin kong sabi sa kanya bago umalis.

"Scarlet, wait!"

"Tyler, help me here!" rinig ko pang sigaw ni Natalia.

Agad kong pinahiran ang luha na akma na sanang tutulo. Paglabas ko ng coffee shop, dali-dali akong pumunta sa kotse ko.

"Scarlet.." hinawakan niya ang kamay ko para huminto. "Mali yang iniisip mo---"

"Anong mali?! Kapag nakikita ko kayong dalawa, iyan na lang lagi ang sinabi mo. Don't worry Tyler, hindi naman masakit eh. Kirot lang. Kasi akala ko, mahal mo ako." tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now