13: Warm Hugs

313 57 6
                                    

CHAPTER 13

Warm Hugs

SCARLET POV's

I SLOWLY opened my eyes while yawning. My eyes were still sleepy. Matagal akong nakatulog kagabi dahil kay Lisa. Buong araw siya sa bahay kahapon kaya buong gabi rin kaming walang tulog.

Umalis na siya ng kwarto ko ngayon, siguro naliligo na siya.

Dahan-dahan akong umalis ng kama at inayos ang sarili. Nakapantulog pa ako nang makalabas ng kwarto.

"Pricarl!" pagtawag ko sa aso.

Nakiusap ako kay Lisa at Prince na dito muna si Pricarl sa bahay. Bukod sa miss ko ang asong yun, gusto ko rin iyon alagaan.

Tinawag ko ulit ang aso ngunit walang aso na lumapit. Dali-dali akong naglakad pababa ng hagdan.

"Prince!" tawag ko sa pangalan niya.

Nakita ko siya na nagva-vacuum. Naalala ko yung pagpunta ni Tyler dito sa bahay kahapon. Mabuti na lang dahil walang naging problema.

"Prince, nakita mo ba si Pricarl?" nilapitan ko siya upang magtanong.

He smiled a bit. "Nasa may pool, kasama si Lisa." tumango lang ako sa sinabi niya. Aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita. "Nga pala, magkape ka na muna. Sinabi ko kay Lisa na huwag kang gisingin dahil alam kong hindi kayo natulog kagabi" saad nito.

Tumango ulit ako. "Kung ganoon, salamat ha... Atsaka, huwag mo na ako asikasuhin kasi darating na sina manang mamaya.." wala na akong masabi.

'Ano pa bang sasabihin ko? Ang awkward kaya..'

Natahimik lang siya habang nakatayong nakatingin sa akin.

"Sige, puntahan ko lang si Lisa" ani ko bago umalis.

Tumango siya pero kita ko naman na may lungkot sa mukha niya.

'Anong problema niya?...'

Dapat nga maging masaya siya dahil tapos na ang deal nila ni Dad.

Pagdating ko sa may swimming pool, nakita ko si Lisa na nakipaglaro sa mga aso. Wala silang pasok ngayon kaya siya nandito. Sasamahan niya rin ang kuya niya pauwi. Dahil, ngayon na ang huling araw ni Prince dito sa bahay.

"Lisa..."

"Ate, pwede bang mag extend dito sa inyo ng isang araw? Hehehehe" tanong niya.

Napatawa ako ng marahan. "Kung ikaw, pwede naman..."

"Eh si Kuya? Alam mo ba, nalulungkot si kuya kanina---"

"Let's not talk about him. Okay lang ba?" she nodded.

"Ate... yung kwento ko sayo kagabi, sana sa atin lang iyon. Baka malaman ni kuya"

Tumango ako. "Oo naman" wika ko.

Nalaman ko lahat ng pinagdaanan ni Prince dahil sa kinuwento ni Lisa sa akin. At ang pinagdaanan din ng pamilya niya. It was supposed to be a privacy. Pero sinabi niya parin sa akin dahil pinagkatiwalaan niya ako. At hindi ko babalewalain ang tiwala na iyon.

Masasabi kong maswerte si Prince sa kapatid niya. Naintindihan siya ni Lisa.

Biglang may nag-doorbell sa labas ng gate.

"Ako na po ang magbubukas..." dali-dali umalis si Lisa at pumunta sa labas.

Biglang natahimik ang paligid dahil sa biglaang paglapit ni Prince sa may likuran ko.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now