11: Attention

374 67 37
                                    

CHAPTER 11

Attention

TYLER POV's

I WANT her attention. Kahit ako na ang pinili niya, hindi ko parin makuha ang kanyang atensiyon. Palagi akong may kahati. Matatanggap ko pa na trabaho niya ang maging kahati ko pero, may isang tao talaga na hindi mawala sa isip niya.

Alam kong hindi dapat ako mabahala. May tiwala naman ako kay Scarlet, pero sa Prince na iyon ay wala. Nakapagtataka lang dahil nakita ko siya sa bahay ng girlfriend ko kagabi.

'Balak niya bang agawin si Scarlet sa akin? Pftt...'

Hindi ako papayag na makuha niya ulit ang para sa akin.

Magpinsan nga kami, parehas kaming hindi nagpapatalo.

"Where are you going, Tyler?" lumingon ako kay Lolo.

"Pupuntahan ko si Scarlet sa bahay nila" ngiting saad ko.

Lumapit si Lolo sa akin at tinapik ang aking balikat.

"Masaya ako para sa'yo. Alam kong gustong-gusto mo siya." tumango-tango ako sa sinabi niya. "Dahil malaki naman na kayo, kausapin mo si Scarlet tungkol sa kasal. Malay mo, papayag siya..." ngiting pagpatuloy niya.

Napatawa ako ng marahan. "Hindi ko muna siya mamadaliin sa bagay na iyan. Marami pa siyang gustong abutin. Sasamahan ko muna siya---" he cut me off.

"Isipin mo na lang na para siyang isang ginto na maraming nagkaka-interes. Kaya ngayong nahukay mo na ang ginto, ang gagawin mo lang ay hawakan mo ng mahigpit para hindi makuha ng iba..." mahinahon ngunit seryoso nitong saad.

Di kalaunan ay napaisip ako. Tama si Lolo. Nasa akin na ang ginto ang kailangan kong gawin ay hawakan ng mahigpit para hindi maagaw ng iba.

"Nakita ko kung paano ka ngumiti, Tyler. Nagmana ka talaga sa akin." saad ni lolo sabay gulo sa buhok ko.

"Paano naman yung isa niyong apo. Alam kong gusto niya parin si Scarlet. The worst thing is, nasa bahay siya ng girlfriend ko."

"Really? Hindi ko alam na ganyan pala ang plano ni Prince." bumuntong hininga siya. "Hayaan na natin. Hindi naman siguro siya gagawa ng bagay na ikakasira ng pamilyang ito. Sige, mag-iingat ka pag-alis mo..."

Ngumiti lang ako ng bahagya sa sinabi niya. Umalis ito at naglakad papunta sa kanyang opisina.

'Kahit anong gawin ko sa pamilyang ito, si Prince parin ang paborito niyang apo...'

Pati sa paghati ng kayamanan niya, nasa akin ang maliit na porsyento. Ako ang anak ng una niyang anak. Kaya dapat sa akin ang malaking porsyento! Pero bakit napunta kay Prince!?

'Wala na akong pakialam. Mas doble ang makukuha ko pag kinasal na si Scarlet sa akin...'

Habang nasa gitna ng biyahe, tinawagan ko muna si Scarlet.

Nag-ring ang kabilang linya ngunit walang sumagot. I called her again.

"Hello, babe? Ay Scarlet pala" dali-dali kong saad sabay tawa.

Hindi siya sanay na tinatawag siya sa ganoon. Mas gusto niyang maging pormal.

Narinig ko ring napatawa siya sa kabilang linya.

'Marinig ko lang ang boses niya, kumpleto na araw ko..'

"Bakit ka napatawag? Pupunta ka ba dito?" tanong niya.

"Yes. Uhm.. What do you want? Para mabili ko agad. Rest day mo ngayon kaya diyan na tayo kakain..." ngiting sabi ko.

"Well, wait..." biglang natahimik kaya naghintay na lang ako. "Tyler sorry ha? I'm a bit busy right now. Nililinis ko ang room ko dahil wala dito yung mga kasambahay namin." narinig ko siyang napabuntong hininga.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now