30: Forgiveness

426 36 27
                                    

CHAPTER 30

Forgiveness

PRINCE POV's


I PUT our photos inside my room. Dito sa litrato, wala pa kaming problema na iniisip. Sobrang saya namin dito.

Habang nakahawak sa mga litrato, hindi ko maiwasang hindi mapaluha. I miss her - her smile, her voice, her touch. I long for the way she used to look at me, with love and adoration in her eyes. I yearn for her presence, for the warmth of her hand in mine.

'Siya kaya, iniisip niya rin kaya ako?'

Sana darating siya mamaya. Marami akong gustong sabihin sa kanya.

Biglang nag ring ang aking cellphone. Pinahiran ko muna ang aking luha bago iyon sinagot.

"Son, mag a-alas singko na. Hindi ka pa naghanda---"

I cut her off. "Nakalimutan ko. Okay na, kayo na bahala sa party organizer"

"Alright. Tatawagan ko na. Sasama na rin ako" tumango ako.

I cleared my throat. "Pupunta ba si Scarlet?" I asked.

"I'm not sure. Depende na lang raw sa kanya. Sige na, maghahanda na ako"

Tumango lang ako at pinatay ang tawag.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago naisipang lumabas ng kwarto. Sa labas ng bahay ang venue dahil malaki ang espasyo.

Naalala ko dati, sabay kaming nangarap ni Scarlet ng masayang pamilya. Pero, nabalewala lahat ng iyon dahil sa akin.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa may puno.

"Anak, pasensya na. Maraming bisita na darating mamaya, mag-iingay sila. Kasi anak, iyon lang ang paraan para hindi maging malungkot si Daddy. Sana, makapag-usap kami ng Mommy mo..."

Mahinahong sabi ko habang inaalis ang dahon sa maliit nitong lapida.

Dinaramdam ko ang malamig na hangin na bumabalot sa buong paligid. Parang naramdaman ko na rin ang anak ko. Habang buhay siyang nasa puso ko.

Ilang minuto ang nakalipas nang dumating ang mga organizer kasama si Mom. I asked her why she didn't bring Lisa.

'Kasama si Scarlet'

Iyon ang laging rason niya. Well, I don't mind. Sana makumbinsi ni Lisa si Scarlet na pupunta.

Umabot ng tatlong oras ang paghahanda. Simpleng party lang 'to. Tanging mga inimbitahan ko lang ang pupunta ngayong gabi kaya hindi na ako nagpahanda pa ng kung ano-ano. Gusto ko lang umingay ang bahay na 'to.

Ngayon, nadagdagan ang mga bisita. Mga kakilala ni Mommy ang iba na inimbitahan niya.

Nakipag-usap din ako sa mga kasama ko sa kompanya. Inimbitahan sila ni Lolo.

"Welcome back again, bro" nakangising wika ni John habang umiinom ng wine.

"Thanks again" tugon ko.

Nasa iisang mesa kaming lahat na magbabarkada noong highschool. Sobrang ingay nila, maraming mga kwentong dala. Naunang dumating kanina si Jack kasama si Missy. Noong isang buwan lang sila dumating galing Canada. Si John naman at Pauline, bumiyahe pa papunta ng Manila para lang dumalo. Pero may sariling bahay at lupa naman sila sa Manila kaya, alam kong magtatagal sila. Si Liam naman, kasama ang asawa niya. Si Lance, ewan ko na lang kung may balak pa sa buhay. Talagang focus siya sa security agency ng pamilya niya.

LET ME LOVE YOU (Hate Me Not Sequel)Where stories live. Discover now