TCNFL; Chapter 3

11.9K 238 9
                                    

Chapter three - What she wants.

----

Jomel's Point of View

Before anything else, ako nga pala si Jomel Hyun at kakambal ko si Jonel, 'di naman kami gaanong makamukha kasi mas gwapo ako hehehe. Half Korean kami, at yes may nag iisa kaming kapatid na babae.

So ayun napag desisyunan namin ang 'BET' na kung sino ang makakapag pa-fall kay Cold Nerd , siya ang mananalo. Ang pusta ko ay ang pinakamamahal ko lang namang Ferrari, wala akong ibang maipusta, sila naman kasi pumili.

Kaming tatlo ang sumali dahil ang kj ni Jonel, ayaw daw niyang gawin yun kasi may respeto daw sya sa babae, at mahal parin daw nya yung gf nya.

Waahh ayaw ko ng kwento about sa ex-gf nya, masakit pa rin sakin yung nangyari kaya ayaw kong i kwento.

I may seem playful and cheerful pero tao lang din naman ako, and Jonel's ex is what makes me weak and sad at the same time, masakit dahil kung kaya kong ibalik ang nakaraan? Gagawin ko at hindi ko na siya ulit papakawalan.

Alex's Point of View

Nasa school ako ngayon. Ang balak ko, hanggang matapos ako ng Highschool magiging tahimik lang ang buhay ko dito pero, HINDI KO MAGAWA DAHIL SA MGA LALAKING 'TO.

It's frustrating me to be real honest, if hindi nila ako babatuhin ng papel, kakalikutin naman nila yung buhok like wtf.

Wala na ba silang magawang maganda sa buhay nila? Nakakaasar na kasi talaga!

"ANO BA?!" sigaw ko, napatigil naman ang lahat at napatingin lahat sakin.

"What?"pa inosenteng tanong nila, nakatingin naman sakin mga kaklse namin babae na parang gusto na akong patayin.

Seriously, baliw na ba talaga ang mga 'to? Ano ba nakaka amaze sa pagkausap sakin ng mga bwisit na lalaking 'to? Like wtf, pare parehas lang naman kaming mga tao ah?

"Tsk, please lang humanap kayo ng ibang pagti-tripan, hindi na naman kayo mahihirapan diba? Sa dami ng willing na magpa-trip sa inyo."sabi ko then lumayo sa kanila.

Asar.

"What do you think you're doing huh?"sabat ng babae na sobrang kapal ng make up. Uso talaga pang-clown na make up dito ano?

"Are you blind or sadyang tanga ka lang? Malamang naka upo."walang ganang sagot ko then kumuha ng libro at nagbasa, nagtawanan naman mga kaklase namin.

"Tsk, look at me! I'm still talking to you!"sabi nya, 'di pa rin ako tumitingin paki ko sa kanya? "And so? Pare- parehas lang tayong nagbabayad ng tuition dito, wag kang pa famous tanga."sabi ko na nagbabasa pa rin, lalong lumakas ang tawanan.

"Gosh, did you just called me tanga? ARE YOU FCKING SERIOUS?! YOU'RE JUST A STUPID NERD, KNOW YOUR FCKING PLACE."Sagot niya ulit sakin.

Tumingin ako sakanya at ngumiti.

"Hindi ka lang tanga, bingi at bulag ka din pala. I'm already sitting on my place, can't you see? Will you please stop degrading nerds? Pare-parehas lang tayong mga tao, maliban na lang kung HAYOP ka at gusto mong maiba? No wonder, asal aso ka."

Binalaan ko naman sila, hindi ba? I can be the most sarcastic person ever, kung pipilitin nila ako.

"UGGGHHH!"

See? I won this fcking argument. Wala naman pala siya eh.

Grant's Point of View

Naka amaze yung Nerd na yun! Palaban talaga, konting tiis lang at ma-fall din yun sakin.

Oh well, nasa Bar kami ngayon. Nagkayayaan ang mga Barkada, syempre may kasamang mga chicks, hindi manok ok? (ha-ha-ha patawa ka Grant) Ang Kj talaga ni Jonel kahit kailan, 'di siya sumama sa amin, hindi bale magsasaya na lang kami!

"Dude, ang taray talaga ng Nerd na yun noh? hahaha! Walang nagawa yung babae kanina!"Jomel

Naalala ko na naman yung kanina, natatawa talaga ako dahil wala ng masabi yung girl kanina.

"Oo nga! Kakaawa yung babae kanina!"sabat naman ni Jake.

I find her interesting pero hindi ko na lang pinansin 'tong mga mokong na 'to at itinuloy na lang ang pag inom.

Alex's Point of View

Nagaayos ako ng bahay ngayon, hindi naman ganon kagulo dahil mag isa lang ako. Hay, bakit ba kasi wala akong maalala? Mag-isa na lang ba talaga ako? May pamilya ba ako? Kung meron... hinahanap ba kaya nila ako? Or baka naman kinalimutan na talaga ako?

Two years ago, I woke up in an hospital alone... ng biglang may nag adopt sakin at sinabing waa siyang anak at gusto din naman niya akong tulungan. Ang sabi din niya sakin, tulad ko... wala din siyang alam sa totoong pagkatao ko. Siya din ang nagbigay ng name na 'Alexandra' sakin at binigay na rin sakin ang surname niya.

Hayaan na nga, masaya naman ako kahit ganito eh at kaya ko na ang sarili ko, ayaw ko ng umasa sa iba. Pero nagpapasalamat ako ng sobra sa kanya kahit iniwan nya ako, kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko makakayang tumayo mag isa ngayon at kung bakit 'Cold' ako, sinabi niya kasi sa akin noon na, 'Kung gusto kong walang makasira sa akin, kung gusto kong walang gumamit sakin... I have to be strong and distant to everyone or at least to people who could hurt me.'

Kaya heto ako... nerd na walang makakapanakit sa kanya, yan lang ang gusto ko...

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

I love you Alex, huhuhu. <3

~ m oo n

The Cold Nerd's First Love [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon