Chapter nine - Sapilitan Date II
----Alex's Point of View
Sinunod ko ang gusto niya at nagbihis. Since hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta, I wore a simple white shirt and fitted jeans then black and white na low cut converse. Effortless, I know pero dito ako comfortable eh.
After that, nagpunta kami sa McDo upang mag almusal. Sabi kasi ni Jomel na dati hindi daw siya mahilig kumain dito pero dahil daw sa isang babae, natutunan na rin niya itong magustuhan and since then McDo became his favorite fast food.
McDo's good but I prefer Jollibee.
"Ano ba lasa nyang fries na sinawsaw sa float ?"tanong nya sakin, hindi ko alam ang isasagot ko para kasing naulit na to, Dejavu huh?"Basta masarap try mo!"sagot ko sa kanya.
I was looking at him habang nagdadalawang isip siya sa pag dip ng fries niya sa float, cute.
"Masarap nga!"sabi nya, inulit nya pa yun ng inulit. Napangiti naman ako, kahit sobrang childish niya masarap naman pala siyang kasama. Now I get it why halos lahat ng babae nagagalit or naiinis sakin. Sino ba namang babae, maliban sa akin ang a-ayaw na makasama ang isang gwapong nilalang na sikat, mayaman, magaling sa sports at matalino? Siguro yung may ayaw sakanila tulad ko ay mas naniniwala sa equality.
"Oy! Ngumiti ka? Napangiti kita?" Tuwang tuwang tanong niya.
What's so fascinating about my smile? It's just a smile from a nerd, kaya bakit?
"Oy hindi kaya." sabi ko then kumain na lang ulit. "I saw you smile! I made you smile, so lucky of me!" sabi nya na natatawa pa, habang sinusubo ang fries na dip na sa float.
"Psh, para ngiti lang eh."sabi ko, tumingin naman sya sakin, ang c-cute nya? "Swerte ako kasi ako pa lang nakakakita nyan diba?"sabi nya, sya pa lang siguro nakakita pero matagal ko na silang nginitian sa malayo o palihim, ayaw kong nakikita nila eh.
"Psh hindi rin nakikita kaya lagi ni Yoku yung ngiti ko."sabi ko sa kanya, si Yoku nga pala yung stuff na binigay niya. "Aish, nainggit naman ako kay Yoku."sabi nya sabay pout, honestly kung titignan sya ngayon ang cute nya. Oo na cute na.
"Talaga"sabi ko, napangiti naman sya at may binulong.
*
Nagpunta kami sa isang Amusement Park. Wow, ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito.
Kailan pa yun? wait,
processing... 10%
20%
30%
40%
50%
60%
70%
80%
90%
100%
Error not found.
*BATOK SA SARILI* tanga Alex! -_______________-
Sabi ng wala kang maalala sa past mo kasi nga nagising ka na lng bigla sa ospital ng hindi mo naman alam kulit ah.
"Kuha kita ng malaking stuff toy hintay ka lang diyan."sabi nya then kumuha ng baril at pinatama ang target. And wow! Siya na, sige siya na.
"Ito oh!"sabay abot nya sakin ng purple na teddy bear. Nakakailan na rin akong teddy bears sa kanya?
"Ako naman!"sabi ko sa kanya, tinututok ko yung baril sa target and shoot! Sakto din, ewan ko pero parang sanay ako sa baril? Hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
The Cold Nerd's First Love [BOOK 1 COMPLETED]
Teen FictionNerds are too mainstream; so I named her a 'Cold Nerd.' ✘No Soft copies | Completed Book 1| Book 2: Time and Fallen Leaves | Copy Right ⓒ 2013 dearpurpliexx . All rights Reserved.