Chapter five - Bodyguard.
-----Alex's Point of View
Lagi akong kasama ng mga 4's J, outcome? Heto dinudumog ng hatred. Kung bakit kasi kailangan ko pang maging part ng group na 'to ei. Babae kaya ako, tapos... sabi ko nga last time pa ako nag rant about sa bwisit na pagsali nila sa akin sa group na 'to.
Nasa room ako ngayon, maaga ako dumating eh, wala pa akong kasama, makakatulog pa ako nito.
*
Nagising ako ng may malamig na tubig ang tinapon sakin, not again.
"Wahahaha! Gosh, basang basa siya!" Kung hindi ba tanga, binuhusan ako ng tubig tas sasabihin nila na 'basang-basa' ako? Mga tanga talaga.
"Wtf."
"'Yan ang napapala mo dahil sinaktan mo kami. And sht how the hell did you became the 5th member of 4's J? Wala ka namang 'J' sa name, hindi ka rin naman mayaman, so how?"sabi ni maarte 1, yeah sila yung sinaktan ko nung isang araw.
Ang lamig, PRAMIS.
"Oo nga! Sino ba nagsali sayo sa Gro-" 'di na tuloy ni maarte 3 ang sasabihin nya, dahil dumating si Grant.
"Ako, dahil gusto ko."sabi nya then lumapit sya sakin at nilagay ang jacket nya sakin, hindi ako nakapag salita. Natahimik lang ako, malamig kasi.
"Pero Prince James! Mahirap lang sya, can't you see? Wala rin siyang 'J' sa name nya. "sabi ni maarte 2, tahimik lang ako dahil nilalamig ako. Pag ako naka get over na lagot kayo saking mga babae kayo. Hindi lang malamig na tubig ibubuhos ko sa inyo.
"And so? You don't have the rights to hurt her. She's one of us now, hurt her or face my hell."sabi ni Grant ulit, lumapit naman si Jomel sakin at niyakap ako.
"Oyy! Wag kang mag isip ng iba, ginagawa ko to para hindi ka masyadong lamigin."sabi nya sakin, bali ang pwesto namin, nakatalikod ako habang nakayakap sya. Hindi ko nalang sya sinagot.
It felt like everyone is circling me, dancing in unison. Everything and everyone is spinning around and it's making my head hurts, aside from that, my vision is getting darker and darker... until I felt like sleeping already.
Jomel's POV
Niyakap ko na lng siya, namumutla na kasi sya sa sobrang lamig. Ikaw bang buhusan ng malamig na tubig? Tas dalawa pa ang aircon sa room?
Mayamaya bigla siyang hinimatay, "A-alex! uy!"sabi ko, tumigil naman si Grant sa pagsasalita at lumapit kaagad kay Alex.
"Alex!"sigaw nya, kaagad nyang kinuha sakin si Alex at tinakbo sa Clinic. Nang nakita ko sya, yung mata nya... puno ng pag aalala, minsan nagtataka ako ibang iba ang si Grant pagdating kay Alex. Don't get me wrong , hindi ko alam kung anong meron siya basta, maybe because na guilty siya kasi kami ang may kasalanan?
Baka nga ganoon pero kung itatanong kung ano talaga ang tingin ko sakanya?
Parang iba eh, para siyang 'siya' na hindi. I somewhat feel familiar to her touch, to her gaze, to her presence. I feel like hugging her every time like ang tagal ko na siyang hindi nakikita, na para bang kilalang kilala ko naman talaga siya.
The real reason why we let her na maging isa sa amin that is because sa kakaibang personality nya. I know madaming ibang cold nerds din dyan, but there's something that I want to know, gusto ko siyang makilala.
*
Grant's Point of View
I held her hand.
"Let her rest for a while. Na sobrahan lang siya sa lamig." Sabi ng nurse kaya ngumiti na lang ako as an answer. Tumingin ako ulit sakanya, ang peaceful ng mukha niya.
I felt guilty because ginusto kong maging part siya ng group namin. It felt right na isa siya sa amin, it felt like it was the rightest thing to do, na if nandoon siya... the longing we feel towards 'her', nawawala. I want to dig deeper kung sino siya or at least to what forced her to be different.
I like her, I just like her. Mas ok na 'to sa ngayon.
Third Person's Point of View
Nagbabantay pa din si Grant kay Alex, guilty daw 'sus kung alam ko lang crush niya si Alex eh!
Samantala ang tatlo pa ay nag sasaya sa office nila, gadget dito gadget doon. Maliban kay Jonel, hindi nya kasi alam bakit hindi sya mapakali, noong nalaman niyang nahimatay si Alex kanina. Feeling nya matagal na nyang kasama si Alex na para bang pag may nangyari ikakamatay rin niya.
'Aish! Guilty lang ako dahil kasalanan namin.' isip isip niya.
"Alis na ako!"sabi ni Jonel at umalis na. Umuwi sya sa bahay at nakita nya roon si Tita Emy ang mom ni Jenny.
"Hijo!"sabi ni Tita emy sa kanya, yumakap naman si Jonel sa kanya, hindi niya alam nya kung bakit nandito si Tita Emy. "Tita" sabi ni Jonel, nagtataka talaga siya kung bakit nandito sila, dahil sa pagkakaalam nya nasa ibang bansa ang mga ito simula ng nawala ang unica hija nila.
"Hijo, alam ko wala na si Jenny, pero may pakiusap ako sayo."sabi nya, nabigla naman si Jonel. "Ano po yun tita?"sagot naman niya and looked at the latter with confused eyes. She still looked devastated like the last time he saw her.
"Kasi, pwede mo bang alamin lahat ng tungkol kay Jenny?"sabi ng nakatatanda, she smiled weakly at him.
She's looking at him with hopeful eyes. Mahirap, mahirap maiwanan, ang mawalan. No wonder Jenny's mom is still grieving to her daughter's death, nag iisang anak lang si Jenny.
Alam niya, dahil like her - naiwanan din siya. Jenny is his girlfriend, knowing that she died made him a whole new different person pero hindi siya susuko. It may seem impossible na buhay pa si Jenny pero hindi siya pwedeng sumuko, never.
"Sige po tita."
He smiled at her and the elder hugged him.
"Sorry kung kailangan ko pa itong ipagawa sayo. Moving on is really hard lalo na kung ang nag iisang anak mo ang nawala, I can't let Jenny go. Nawalan na ako ng minsan, hindi ko kayang mawalan ulit." After ng ilang years, ngayon lang nila ito naisipan?
He has a chance and he will start sa kung sinong survivor ng accident na 'yon.
On the other hand, Alex finally woke up from her slumber.
"Buti naman gising ka na."sabi ni Grant, tumingin lang si Alex ng cold sa kanya.
"Tsk"
Tumayo naman si Alex at mabilis na naglakad paalis. Hinabol ito ni Grant at hinila palapit sa kanya, nabigla naman si Grant at napatitig sa mukha ni Alex...
Tinulak naman siya ni Alex at naglakad na ulit.
"Oyy! saan ka pupunta?!"
"May trabaho pa ako!"sabi ni Alex, napailing lang si Grant habang nakangiti.
Sinundan na lamang niya ito, habang hinahangaan ang kasipagang tinataglay ng ating bida 'Sa ngayon ako muna ang Bodyguard mo Alex.' Isip isip ni Grant at tinuloy ang pagsunod kay Alex at may ngiting sumilay sa kanyang mga labi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ayun nakapag Ud din :D
so sana nagustuhan nyo yun Chapter! :D
~ m oo n ♥
BINABASA MO ANG
The Cold Nerd's First Love [BOOK 1 COMPLETED]
Teen FictionNerds are too mainstream; so I named her a 'Cold Nerd.' ✘No Soft copies | Completed Book 1| Book 2: Time and Fallen Leaves | Copy Right ⓒ 2013 dearpurpliexx . All rights Reserved.