TCNFL;Chapter 10

7.9K 149 6
                                    

Chapter ten - I have to.
----
Grant's Point of View

To: Alex-ko
Alex... pwede ka bukas?
Message sent

Sumandal ako malapit sa sasakyan ko at hinintay siyang magreply. Hindi naman nagtagal at nagreply nga siya.

From: Alex-ko
Hindi, pahinga ko kasi bukas. Bakit ba?

Nanlumo ako sa nabasa ko, hindi siya pumayag diba? Bakit nga ba ako umasa? Bakit ko nga ba sinubukan? Iiwasan ko na dapat siya diba? Pero kasi araw ko bukas. Gusto ko lang siyang makasama, masama ba'ng hilingin 'yon?

Siguro nga kailangan ko na talaga siyang iwasan. Ayoko din namang isipin ng mga tao na rebound lang siya dahil hindi. Gusto ko siya, gustong gusto ko siya at ayokong mapagkamalan na rebound lang. Tama naman 'tong decision ko, 'diba?

Iiwasan ko na siya habang kaya ko pa. Habang kaya ko pang iligtas siya at ang sarili ko, hanggang kaya ko pang tiisin siya.

'To na din siguro ang huling pagkakataon na ipaparamdam ko sakanya kung gaano ko siya kagusto. Heto na ang huling pagkakataon na makikita nila ang palangiting Grant.

*

Heto ako, nasa bahay and guess what? Hindi siya maalis sa isip ko. Hindi ko mapigilan na isipin siya. I'm doing the right thing naman diba? This is not for me, this is for her. Kaya kahit masakit, kahit mahirap kakayanin ko para sakanya.

Alam niyo ba yung feeling na may gusto kang tao pero hindi pwede kasi nalilito ka din. Hindi pwede kasi ayaw mong masaktan siya? Ayaw mong masabing ginagamit lang siya.

Ang hirap pero ito ang tama... 'Diba?

*Monday

Monday na naman, hayx. My birthday went well, a grand party happened but really that party didn't made me happy or satisfied at the very least. Everyone was happy aside from me, because she wasn't there. The gang was there to celebrate with me, except for her. Jomel thought na napilit ko na si Alex so he didn't asked her.

Dumating ako sa room and saw Alex na papasok din and as always she's not wearing a smile, not even the small smile I saw when she thanked Jomel.

Lumapit naman si Jomel sa kanya at kinausap ito, hindi katulad no'ng isang araw... she seems a little distant. Why?

*

Alex's Point of View

Lunch na and that means, nasa tambayan kami ng 4's J at kumakain. The gang seems ok aside from Grant. Ni ho ni hi wala akong natanggap mula sa kanya kaninang umaga and ignored me instead.

Tulad din ngayon, tahimik lang siyang kumakain. Unlike before, isa siya sa mga mangungulit sakin pero ngayon? Wala. Hayx, hayaan na nga, baka kasi may problema siya.

I may seem cold but I'm starting to treat them as my friends. Kapag may ganitong kakaiba sakanila, nag aalala ako dahil hindi ako sanay, nag aalala din naman ako kahit papaano.

Nakakabigla din ang trato sakin ni Jonel dahil nag smile siya sa akin. For the first time he did and ang mas malala pa diyan, he gave me a bracelet. Yes, you read it right. Binigyan niya ako ng bracelet.

"Kain ka pa ito oh!"Jomel

"ito rin!"Jake

Napatingin ako kay Grant and saw him eating silently, napabuntong hininga na lang ako.
*

Matapos ng lunch, pumunta na kami sa room. Though naninibago ako kay Grant, masaya ako sa pag ngiti ni Jonel. I feel his smile really soothing na para bang once na niyang inialay sakin yun, but at the same time nasasaktan ako sa pag iwas ni Grant. Para akong bestfriend niyang bigla na lang niyang hindi pinansin. I feel neglected by him.

I don't get myself, ang gulo ko. Nalilito na ako, hindi ko na alam kung ano talaga mararamdaman ko o kung ano ba talaga ako mararamdaman ko.

Jake's Point of View

Sinundan ko si Grant sa rooftop, kung hindi napansin nila Jomel ang pag-iwas ni Grant kay Alex, well ako napansin ko.

Napansin ko din kung gaano naapektuhan si Alex, mukha na siyang naguguluhan at na-frustrate sa nangyayari.

"Grant..."

I called him at napatingin naman siya sakin. "J-jake."

He stuttered. Tumabi naman ako sakanya at pinat ang balikat niya. "You're avoiding her." I bluntly said that made him look at me again.

"Am I doing it that obvious?"

"Not really, it's just that sanay na kaming kinukulit siya." I said looking at the clear blue sky. Tama naman ako, hindi ba?

"Ayaw ko lang namang matawag siyang Rebound, gusto ko Jake kapag lumapit ako sakanya, hindi na ako nalilito."sabi naman nito, napangiti naman ako ng malungkot. Ginusto namin 'to, 'diba? Kami mismo ang dahilan kung bakit naging komplikado ang lahat.

"I don't know if you're doing the right thing but let me ask you this... kakayanin mo ba?"

Grant's POV

"Kakayanin mo ba?"

Napatahimik ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Sabi ko kakayanin ko... pero ang hirap. Ang hirap hirap, ang sakit pero kailangan kong gawin 'to. I chose to be away from her kasi ayokong isipin niya na ginagamit lang siya or replacement lang siya, dahil hindi. Oo siguro nga hindi pa ako o kami nakaka move on from her pero kasi, dadaan at dadaan pa rin naman kami dito, 'diba?

Hindi naman kasi minamadali ang pagmamahal or atleast for me hindi 'to bigla na lang na boom naka move on na ako at mahal ko na siya. Mahirap lalo na kung ang babaeng kinakalimutan mo ay ang nag-iisang babaeng minahal mo sa buong buhay mo.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit.

"Hindi pero para sakanya... kakayanin ko." Lakas loob kong sagot sa kanya, napatawa naman siya ng mahina.

"Sana nga kayanin mo pare, dahil ako? Hindi ko na ata kaya. 'Wag kang mag-aalala, babantayan namin siya para sa'yo."

Kahit naman iniiwasan ko siya, hindi ko siya kayang pabayaan. Babantayan ko pa rin naman siya sa malayo at hindi hahayaan na masaktan siya... Ayoko na maulit ang nangyari noon...

Lapitin din kasi siya ng disgrasya pero ang pagkakamali ko? Hinayaan ko lang siya, pinabayaan ko siya kaya ngayon nagdudusa ako.

Hindi ko na kakayanin na mangyari ulit 'yun at kay Alex pa.

Hindi ko din dapat kino compare si Alex kay Jenny dahil magkaiba sila. Malaki ang pagkakaiba nila. Jenny was the sweetest girl you could ever meet, siya na ata ang epitome ng perfection while Alex is cold and distant but one thing na pinagkatulad nila? Parehas silang may pure na puso.

"Pero hyung, 'wag kang magpadalos dalos. You have to take things seriously... you have to mind her feelings too. Sabi mo you're doing this for her but why do I feel like you're doing this for yourself? You like her, right? Kakayanin mo ba talaga?"

Napatahimik ako lalo.

Tumayo na siya and smiled at me. Napatulala na lang ako sa kawalan. Kahit kolokoy minsan si Jake... ayos din siya magbigay ng advice.

Hindi ko naman talaga kaya, pero I have to... I have to do this.

---
I hope you enjoying every chapter of this story. :)

-m oo n

The Cold Nerd's First Love [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon