TCNFL;Chapter 18

6.5K 117 7
                                    

Chapter eighteen- Love?
-----
Grant's Point of View

Nasa hospital pa rin kami, ako at si Jomel. Hindi pa rin kasi nagigising si Alex, ang sani ng doctor baka sa sobrang pagod lang daw ang dahilan pero kailangan pa din daw ng test dahil parang may complication sa puso niya. The doctor asked me if anyone sa mga parents niya o kadugo niya ang may sakit sa puso or something pero since ako walang alam sa pamilya niya ag siya, wala kaming nasabi ni Jomel.

Natatakot ako, paano kung may sakit talaga siya? Paano kung mawala din siya? Mahal ko siya, mahal ko na siya. Ang mga katulad niya ay minamahal at hindi pinaglalaruan lang. Sana, sana hindi ko na lang siya pinaubaya kay Jonel, sana hindi ko hinayaan si Jonel na lokohin siya.

Hindi ko ata kakayanin ang magiging reaction ni Alex kung malalaman niyang niloko siya ni Jonel. 'Yun naman ang dahilan kung bakit nag-away kami ni Jonel, kung bakit ko siya sinuntok. Akala ko kasi mahal na talaga niya si Alex pero hindi, hinahanap niya pa rin si Jenny, ginagamit lang niya si Alex para ma satisfy ang longing niya kay Jenny. Na habang wala si Jenny mayroon siyang Alex na makakapitan.

Nagising ako sa malalim kong pag-iisip ng gumalaw ang kamay niyang hawak-hawak ko. Napatingin ako sakanya at tinignan siya, bakit nga ba kamukha mo siya?

"Alex!" Tawag ko sakanya at agad siyang niyakap.

Niyakap ko siya ng mahigpit para maiparating sa kanya kung gaano ko siya na miss. Kung gaano ako nag-alala at kung gaano ko siya kamahal.

"U-uy Grant, hindi ako makahinga." She stuttered and that made me panicked and quickly moved away from him.

Tumingin ako sakanya ng seryoso and cupped her cheeks. No wonder, without those glasses, without anything in her face... She does look like Jenny.

"Ok ka na ba?"

Tumango siya sa akin and showed me her priceless smile. That smile na mahal na mahal ko - namin. She often show us that smile pero kahit ilang beses na namin 'yong nakita, lagi pa rin kaming napapasaya ng ngiting 'yon.

"Yup ako pa?! Syempre malakas ako eh!" She happily said at tinaas pa ang dalawang braso niya.

Ginulo ko naman ang buhok niya. "Ikaw talaga." Ngumiti ako ng malaki sakanya at ganoon din naman siya sa akin and then her eyes found Jomel's sleeping body sa sofa.

"Jomel looks so devastated, is he ok?" She asked and tried to get up but I stopped her.

"Hindi ka pa magaling, ako na gigising sa kanya." I said at agad pinuntahan si Jomel.

"Dude... gising na si Jomel." Panggigising ko kay Jomel, agad naman itong nagmulat ng mata at hinanap si Alex.

Pinagmasdan ko siyang tumayo at agad na niyakap si Alex, heto na naman ang iyakin na si Jomel pagdating kay Alex.

"Ag! Akala ko talaga kung napano ka na, God knows kung gaano ako ka worry at kung gaano ako halos mamatay kahapon." He said burying his head sa neck ni Alex, natawa naman si Alex as she patted Jomel's back.

"Nako Alex kung alam mo lang, sobrang hindi siya mapakali kahapon at kinailangan pa namin siyang painumin ng sleeping pills para makatulog." Pag-kwento ko na ikinatawa naman ni Alex at ang dahilan ng pag pout ni Jomel.

"You're that worried eh? You know what guys, thank you. Thank you Bud, Grant sa pagbabantay sa akin, naabala ko pa tuloy kayo. Kung may pamilya lang kasi ako..." She said sadly at nakayuko.

Kitang kita sa mata niya na gustong gusto niyang magkaroon ng pamilya. This is why I fell for her, dahil sa likod ng sobrang distant niyang personality... ay nagtatago ang isang mahinang Alex, nag-iisang Alex at ang batang Alex na walang ibang gusto kung hindi ang makasama ang pamilya niya.

"Ano ka ba Ag, pamilya mo na din kami. Don't worry, hahanapin na natin sila ok?" I unconsciously said that made her light up with joy.

Cute.

"Oo nga Ag, hahanapin natin sila." Sabat naman ni Jomel at inakbayan ako. "Thank you talaga." Sabi nito at naluluha.

"Sige wait lang, bibili ako ng foods para makakain na tayong lahat."

Lumabas na ako ng room niya at nagsimula ng maglakad ng makasalubong ko siya, si Alysa.

Tumigil ako at hinila ang braso niya, napatingin naman siya sa akin at nginitian ako, nag roll naman ako ng mata sa ginawa niya.

"Ano ginagawa mo dito?" Pagalit na tanong ko sakanya habang hawak pa din ang braso niya. "Visiting a FRIEND, got a problem
with that?" She sarcastically said - emphasizing the word 'friend'.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa braso niya. "Aww! Grant let me go!" She said glaring at me pero nag smirk lang ako. "Kaibigan? As far as I remember, wala kang kaibigan. You better spare Alex from all your evil plans kung ayaw mong si Jomel mismo ang gumawa ng paraan para ilayo siya."

I said at iniwan na siya doon.

****

Alex's Point of View

Nakalabas na ako ng hospital, grabeng pasakit na talaga ang dinala ko kila Jomel huhuhu.

Anyways, hindi ko talaga gets kung bakit galit na galit 'tong si Jomel kay Alysa. Mabait naman kaya siya 'diba? Nagsisigawan kasi sila nong nasa hospital pa ako.

Ang dami talagang nagbago, si Grant sobrang bait na kasi niya sa akin. Yung mga maarte din sobrang cool na sa akin, ang weird talaga sa school.

Since malapit na nga ang school fest, ang mga kolokoy busy sa pagmamanage ng mismong school fest, nag check kung tama ba ang mga booths at ang mga gagamitin at since daw na galing ako sa sakit, they told me to stay here alone para daw hindi ako mapagod.

"Alex!"

Tumingin ako sa tumawag and found Grant running papunta sa akin. "Yeah." I answered at nilapitan siya.

"Tara labas tayo?" He asked, nabigla naman ako at pinakatitigan siya.

Is he asking me for a date?

"A-ah sige?" Hindi siguradong sagot ko, ngumiti naman siya at hinila na ako palabas ng room.

*****

Nasa may isang ilong or tulay na hindi ko ma-explain kami ngayon kung saan makikita ang sunset. Sobrang ganda dito, marami rami din ang mga tao dito pero halos couples sila.

"Ang ganda dito." I said still looking sa sunset.

May dala din nga pala kaming foods kaya lang naubos ko na, katakawan ko talaga.

"Yeah. Dito ako pumupunta tuwing may problema ako, kami. Actually ako at si Jenny lang ang may alam nito." He said habang kumakain ng chips.

Sino ba kasi Jenny? Bakit ganito sila sakanya?

"Ganito ba talaga ka importante sa inyo si Jenny?" Hindi ko mapigilang tanong, hindi pa din ako humarap sa kanya.

"Oo, sobra." He answered, napatahimik naman ako, nanahimik na lang ako. Sino ba naman ako para mag ask diba? Bagong kaibigan lang ako.

****

Nasa bahay na ako ngayon. Nag insist si Grant na ihatid ako kanina but I said no, masyado na kasi akong pabigat sa kanila, lalo na ngayong nalaman ko kung gaano ka importante si Jenny sakanila.

Mang-aagaw ba ako? Masama na ba akong nilalang? Hindi ko mapigilan, hindi ko na alam.

Ngayon ko lang naramdaman 'to, ngayon lang ako sumaya ng ganito... ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Ito na na 'yon? Ito na ba ang love?
----End of Chapter 18----

A/N: Hiii! Sana nagustuhan niyoo. :)

-m oo n

The Cold Nerd's First Love [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon