TCNFL;Chapter 11

7.7K 156 1
                                    

Chapter eleven - Wish.
----
Alex's Point of View

Weeks have passed and yet, iniiwasan pa rin niya ako. Na frustrate na ako sa pag iwas niya. I'm not used to his cold shoulders, so I asked Jomel about it and he answered...

Flash Back

"Jomel! May alam ka ba kung bakit ako iniiwasan ni Grant?" I asked shyly, he on the other hand smiled mischievously at me.

"Bakit affected ka?"

"Huwag mo akong sagutin ng isa pang tanong, just tell me why so I could rest without feeling guilty or something."  I answered while glaring at him.

Natawa naman siya ginulo ang buhok ko.

"Ikaw kasi, hindi mo man lang siya binisita o binati man lang nong birthday niya."

Napatahimik naman ako, na guilty naman ako bigla... hindi ko naman alam eh. Kaya ba siya asar na asar sakin? Pero parang may iba eh.

"Bukod pa ro'n?"  tanong ko ulit, hindi naman ganoon kababaw si Grant eh.

Grant is understanding, wala din namang nag inform sakin at bago ko lang silang nakasama, I feel guilty pero parang may iba...

"Ummm..."

Ilang minuto din kaming nakatayo doon habang nag-iisip siya.

"Ano na?" I asked impatiently. He looked at me and showed me his pretty smile. "Sorry hindi ko alam."

Wow, nakatulong ka Jomel. Anak ka ng tupa.

End of Flashback

At oo, ganoon ang sagot niya sakin. Tanga niya, 'diba? Kaasar.

Nasa room ako ngayon at nag drawing lang ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko. Nakakatamad naman kasi eh. Napatingin ako sa bandang right ko and found Jomel and Jake playing some hand games or something, mukhang nag enjoy naman sila eh. Pagtingin ko sa left, I found Grant writing lectures habang si Jonel naman ay nakatingin sakin. Eh?

Nag-iwas ako ng tingin, at tumingin na lang sa wrist watch ko. 5 mins na lng at dismissal na or LUNCH na.

"Class listen up, before dismissing you. May project kayong gagawin para sa subject na 'to. The project will be done by group, so grouping muna tayo and then ibibigay ko na lang 'tong mga print outs as your guide. Start na kayong bumunot ng numbers, and as usual kung sino ang katulad niyo ng number sila ang magiging ka group niyo."

Seriously? July pa lang oh. Grabe talaga. Napa roll na lang ako ng mata. Lahat nakabunot na maliban sa row namin so nagsitayuan na kami at bumunot.

"WAHH SANA SI ALEX MAKAPATNER KO!" Sigaw ni Jake na naging dahilan upang tignan nila ako ng masama, ang iba naman nag daydream pa rin sila.

bumunot na ako at kumuha ng print out. 2 ang nabunot ko at binalik ko ito kay ma'am, sinulatan naman niya ito ng pangalan ko at pinaupo na.

Tumikhim ang prof namin at nag start na sa paga-announce ng mga groupings.

"So the group 1 would be Mr. Jake, Ms. Francisco and Mr. Jomel"

Nagreact naman ang mga kababaihan at ilang kalalakihan, even Jake and Jomel reacted.

The Cold Nerd's First Love [BOOK 1 COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon