Chapter seventeen- Realization.
------Alex's Point of View
Weeks passed after no'ng kidnap thingy ni Cluadette, hindi na ulit siya nagpakita. Sa totoo lang, gusto ko siyang makausap, hindi ko alam kung bakit pero ang sakit na makita siyang miserable. Gusto ko siyang tulungan.
Anyways, Alysa became my friend. She approached me 2 days after what happened to me and cried herself out telling me how worried she was. Sobrang sweet niya, sobrang bait at sobrang happy going kaya lang si Jomel, Jake at Grant sobrang distant sa kanya, they even told me to stay away from her.
Jonel naman, he became busy these past few weeks because of their family business pero hindi pa rin siya tumitigil sa panliligaw. Kanina lang may nakita ako ng bear sa upuan ko with a written note.
Nasa room ako at nanahimik although ginugulo talaga ako ng ilang classmates ko. Nakapalibot sila sa akin at nagtatanong ng kung ano-anong bagay pero nanahimik lang ako.
Nakakairita na 'to. Ayoko ng ganito, gusto kong bumalik sa tahimik kong buhay. Gusto kong bumalik sa dati.
"TSK! BAKIT BA KASI SUMIKAT YANG GLOM NA YAN? HINDI NAMAN MAGANDA, HINDI RIN MAYAMAN SO PAANO SIYA SUMIKAT? SIGURO LAHI NA TALAGA NG PAMILYA NILA ANG MAGLANDI, ANO?" Malakas na pagpaparinig ng babaeng kabilang sa mga maarte, tumingin ako sakanya at ngumiti.
Wala sana akong balak na makipag-away ngayon pero sinali niya ang pamilyang ako mismo hindi pa nakikilala. Sino siya para pagsalitaan ang pamilya ko ng ganoon? Ako nga hindi pa sila nakikilala, siya pa kaya?
Tumayo naman ang ilan sa mga nakapaligid sa akin kanina at aawayin na sana ang babaeng pero pinigilan ko sila.
"Ano ba kayo guys, hayaan niyo ng mag emote ang mga insecures." Nagtawanan ang mga kaklase namin sa sinabi ko na lalo namang nagpainit sa babae kanina.
"Ako? Insecure? Kanino, sayo? Omgs are you for real? Who are you para kainggitan ko? Like what I've said, you're not rich, not pretty even." Sagot niya, napatawa naman ako at tinignan siya sa mata.
"Yes dear, insecure ka because you don't have to say these stuffs to me to begin at kung hindi ka talaga insecure." I said smiling ear to ear at her. What now? Tama naman ako, 'diba?
"Sadyang panget ka lang talaga kaya hindi ko mapigilan ang laitin ka sa harap nila." Naasar na sagot niya, tumayo naman ako at tinitigan siya mula ulo mukhang paa este hanggang paa.
"Sana ipinagkalat mo muna kung gaano ka perfect 'yang mukha mo. Ang panget ng mata mo, ang flat ng ilong mo, ang panget ng labi mo, kababa ka rin at halatang retokada yang mukha mo, no wonder ang Perfect mo nga... Perfectly damage face."
Tumakbo siya palapit sa akin at susugurin na sana ako ng pigilan siya ng mga kaklase namin, natawa naman ako sa galit na galit niyang mukha.
"Hindi kita sasaktan physically dahil hindi ako papatol sa taong edukada nga pero asal aso naman. Sa susunod kung hindi mo kaya, 'wag kang magsisimula ng away."
Naglakad na ako palabas ng room ng biglang umakbay sa akin si Jomel.
"Sungit mo talaga Ag." Sabi niya habang tumatawa ng mahina. "Away away kasi hindi naman pala kaya."
"Hayaan mo na yon, halata namang inggit siya sa'yo eh, ganda mo kasi." Papuri niya.
Binatukan ko naman siya at tumawa. Hilig nito mambola eh.
BINABASA MO ANG
The Cold Nerd's First Love [BOOK 1 COMPLETED]
Teen FictionNerds are too mainstream; so I named her a 'Cold Nerd.' ✘No Soft copies | Completed Book 1| Book 2: Time and Fallen Leaves | Copy Right ⓒ 2013 dearpurpliexx . All rights Reserved.