1. I Found an Angel

61.3K 567 139
                                    

Chapter 1: I Found an Angel

Prism

"How's Mama?" Kausap ko ngayon si Tita Betty over the phone, siya ang nagbabantay kay Mama sa bahay ngayon. Mapalad akong nagkaroon ako ng Tita na may mabuting puso at malasakit. Kung wala siguro siya, kahit binabalewala ko kapag dumadating ang mga oras na nahihirapan na ako ay hindi ko alam kung paano ko hahatiin pa ang sarili sa pagtatrabaho at pag-aasikaso. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya, she take care of my mother whenever I'm not around.

"Ganoon pa rin. Nanood lang ng tv maghapon. Maayos na rin kumain. Tulog na siya ngayon."

I smiled. That's good news. Marinig ko ang salita na ganoon mula kay Tita tuwing hapon, lahat ng kapaguran ko ay tumatakas sa katawan ko. 

"Ikaw, anong oras ka uuwi?" tanong niya. "May request Mama mo, gusto raw niya ng lugaw."

"Nandito po ako sa drug store, I bought some medicine. Kadi-dismiss lang po ng huling klase ko. After po ng work ko, uuwi na rin agad. Baka ten or eleven PM po," magalang kong sagot.

"Marami pang gamot ang Mama mo rito, bakit ka nandiyan?" And I accidentally sniff. "Sinisipon ka?" she asked softly with a bit of concern.

Huminga ako nang malalim. "I'm not feeling well po," pag-amin ko.

Nagkaroon ng pag-aalala sa boses niya. "Huwag ka nang pumasok kaya, umuwi ka na."

"Kaya ko po. Sayang po 'yong kikitain ngayong araw."

"Uwi na," maawtoridad niyang pagkakasabi. "Huwag pilitin kung mabigat ang pakiramdam. Araw-araw ka na lang nagtatrabaho. Sumusuko na katawan mo, you need to take a rest. Mag-excuse ka muna, may bukas pa naman. 'Wag kang makulit."

I did not respond. Gusto ko magtrabaho.

"Prism," tawag niya sa akin.

I nodded as I surrender. "Okay po, dadaan lang po akong lugawan then I'll go home. Text ko na lang si Kuya Carlo."

"Good. Ingat pauwi."

"Salamat po."

Isinilid ko sa bulsa ang phone at pinunasan mabuti ang ilalim ng ilong ko. Binuklat ko ang isang maliit na supot para kumuha ng isang tableta ng gamot at ininom ito. Baradong-barado ang ilong ko. Ang hirap huminga.

Kahit sinasabi na ng katawan kong magpahinga muna, ayaw kong magpatinag. Every seconds matter to me, I won't waste it, I don't want to regret things.

Habang umiinom ng tubig, my forehead creased as I saw a lady walking in rush right up to my place, she was sobbing while talking with someone on the phone. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makaupo siya sa tapat ko. Nasa maliit na seating area kami rito sa drug store.

Ninakawan ko siya ng sulyap. She has an angelic face. Kahit luhaan ang buong mukha niya, litaw na litaw pa rin ang ganda niya. Namumula ang mga pisngi nito, siguro dahil sa pagiging mestisa. She has a clean milk skin. Masasabi ko na maputi na ang balat ko pero kung itatabi ako sa kaniya, kaya niyang numingning.

"Magbabayad po ako bukas, promise po. Huwag niyo po kami palalayasin." I didn't mean to eavesdrop but I couldn't help. Basag ang kaniyang boses. I could tell na namomoblema siya sa pagrenta ng tirahan. "Salamat po." Then she hang up the call.

I watched her action. She hung her head low. Napahilamos siya ng mukha at pinigilan niyang humagulgol nang malakas kahit patuloy siya sa pag-iyak. I looked around, mabuti hindi niya naaagaw ang atensyon ng iba.

Iginapang niya ang kamay niya sa loob ng shoulder bag niya, sa tingin ko ay kukuha siya ng panyo. "What a worse day," I heard her irritation under her breath.

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon