3. You Cried

26.7K 290 40
                                    

Chapter 3: You Cried

Prism

The way she reacts, her answer just stuck in my head. What's going through on her mind? Nanahimik na ako bigla. Hindi ko na siya kinausap pa at alam kong ramdam niyang awkward ako. Iniisip ko na lang na meron siyang boyfriend but they are not in a good terms, complicated. If she was telling the truth, kaduda-duda kung paano niya binitawan ang salitang 'wala'. I think I have just to confirm that from her in some other time, why she reacts that way.

"Where are you going after class? Are you going home?" Napaigtad ako sa kinauupuan nang may biglang bumulong sa tainga ko sa gitna ng discussion ni Prof Em. Hindi ko namalayan ang paglapit ni Ayara sa akin. I could even feel her breathing at my back.

"Magtatrabaho," sagot ko without looking at her.

"Can I come with you?"

"May trabaho ka rin, 'di ba?" kunot-noo kong tanong.

"Maaga pa. Gabi pa trabaho ko." She made a cute pout.

"Okay. Sige, sumama ka sa akin."

"Wait. Ano bang trabaho mo?" she then asked.

"You'll see."

"Okay," she simply replied.

Hindi na siya nagtanong pa, muli na siyang nakining at nag-focus sa guro namin sa harapan. The afternoon class usually took four hours, it consist of two subjects. After ma-dismiss ang klase, I changed my shirt at agad kami nagtungo ni Ayara sa kung saan ako nagtatrabaho tuwing hapon. Hindi ito kalayuan sa school, ilang kanto lang ang layo.

"There." Itinuro ko 'yong isang vendor vehicle na nakaparada sa isang kanto.

Ayara blinked impassively. "Nagtitinda ka ng pares?" I saw a hint of shock in her face.

"Yes. Bakit parang gulat ka masyado?" takang tanong ko.

"To see your physical appearance, I was expecting something else."

My forehead creased. "Something else?" Hindi ko binitawan ang tingin ko sa kaniya at napahinto sa paglalakad.

Huminto rin siya. "I mean, 'yong mga trabahong naka-aircon. Bagay kang maging salesman, nagbibigay ng flyers, waiter sa fast food chain, mga trabaho sa mall, you know what I mean."

"Nagtatrabaho rin ako sa isang resto, waiter ako every weekend."

"Nasabi mo nga sa message mo sa akin."

"Besides, I don't see any problem being a street vendor, at least marangal." Nagpatuloy kami sa paglalakad. There was a moment of silence between us, hindi na kasi siya umimik pa. Tumigil ulit ako. "Did I disappoint you na sa ganito ako nagtatrabaho?"

Lumobo mga mata niya at kumaway-kaway. "Of course not. Why would I? Katulad mo, I don't see anothing wrong with your part time job. Hindi ko lang inasahan na sa isang katulad mo, ito ang piniling trabaho, piniling mapawisan. I'm actually proud of you. At least, marangal. You're right." She smiled reassuringly.

Marahan akong tumango as I accepted her clarification. "Okay. Kung ganoon, halika. Sasamahan mo pa ba ako?"

"Oo naman."

Kapansin-pansin, marami-rami ang bumibili ngayon. Mostly students and tricycle driver. Hindi na ako magtataka, abot-kaya ang presyo ng pares at sulit ang serving, busog panglaman tiyan.

"Kuya Carlo!" pagtawag ko sa kasamahan ko, siya ang may ari ng paresan na 'to.

Dalawa kaming nagbebenta ngunit siya ang nag-aasikaso ng lahat. Siya ang nagluluto, siya ang bumibili ng mga rekado, sa kaniya rin itong kariton at mga kagamitan namin. Ako, my only role is to help him to serve the food. Here's the story how I got here, Isang araw, while I was walking down the street, natakam ako ng amoy ng beef pares ni Kuya Carlo at nagtaka ako bakit ang daming nabili, saktong gutom na ako no'n kaya bumili ako ng isang order then I accidentally saw the paper right to his vehicle that he's hiring, I did not miss the chance. Malaki ang pasasalamat ko dahil noong oras na kailangan na kailangan ko ng pera, I saw this. Agad na rin naman niya ako piniling katulong as I told him my mother's condition and why I badly need a job. Sakto sa oras ko, tuwing hapon siya nagbebenta at ganoon naman ang awasan ko. Dito ang deretso ko pagkatapos ng dismissal.

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon