15. Wondered

7.7K 92 0
                                    

Chapter 15: Wondered

Prism

Palapit na nang palapit ang araw ng final exam namin ngayong first sem. This would be on next week. Usually, kapag ganitong mga panahon ay inilalaan ko na sa pagre-review pero sa ngayon, hindi pa ako nakapagsisimula at meron pa akong pending activities. Ang gusto ko, tapusin ko na muna 'yong mga 'yon para nakatutok na lang ang buong isip ko sa pagre-review.

"Okay na ba itong style?" I asked Ayara. She flashed her gaze at the screen of my laptop.

She nodded a little. "Okay na 'yan," sabi niya sabay balik ang paningin sa binabasa nitong textbook.

"What about the text font?" I asked next, nakatingin pa rin sa kaniya.

"Ikaw na bahala." Hindi na siya nag-abalang tumingin muli sa laptop. "Kaya mo na 'yan."

I just nodded again. I continued typing. Ayara requested me to make her PowerPoint presentation. Meron kaming report sa Theories of Personality, bukas siya naka-assign. Samantalang ako ay tapos na last week pa kaya pumayag na rin akong tulungan siya. She has a ton of works and she's not burden for me.

My attention paused. Dumaplis ang paningin ko kay Ayara. I surveyed her. Pansin kong hawak niya ang kaniyang ulo na para bang pasan niya ang buong mundo. Panay rin ito sa pagbuntong-hininga. "What's wrong?" I asked concernedly.

She pouted. "Kanina pa ako nagbabasa pero walang pumapasok sa utak ko, tinatamad na ako," halos naiiyak niyang sabi. I sensed the frustration. Isinubsob niya ang mukha sa textbook sa harapan niya.

"Sabi mo madali lang noong ipinakita ko sa 'yong ginawa kong summary. You should study this as early as possible," turan ko.

She raised her gaze at me. "Akala ko lang madali kasi mukhang maunti lang pero I was wrong. I just can't understand every single word of what I am reading."

"Nakapag-search ka na rin naman, 'di ba?"

"Kaunti," tipid niyang sagot.

"May alam ka na dapat."

"Oo pero ewan ko ba't wala ako maintindihin ngayon," she snorted.

"Ikaw pa. You can do it," I said with an encouraging smile.

She heaved a sigh. "I think I will continue this later this evening," pagsuko niya. She then closed the book.

Tinitigan ko siya. "May trabaho ka pa. Gusto mo talaga ng cramming? Bukas na 'to."

"Nakakatamad na nga kasi," she whined.

Umiling-iling ako at hindi na umimik. Ibinalik ko ang pokus ko sa laptop para matapos na 'to. Kaunti na lang naman. I'm the one who summarized all the information I gained from the textbook and internet, she just checked it out before making this PPT. Technically, nakapag-search na rin siya noon regarding dito at 'yong nasa textbook ay para makapulot pa siya ng iba ipang ideas. Kailangan niya mag-gather ng information. Hindi sapat 'yong na-search niya lang. Hindi sapat 'yong alam niya lang.

She straightened up. "Okay. I got this. I need to focus." I hid my smile upon hearing of changing her mind. She continued reading the textbook.

The textbook she was using was actually mine. I lend it to her for more insight. It's part of our course, in psych, we need to read a lot of books from different authors. We are required to do research more often, mag-visit ng iba't ibang article. Masipag dapat magbasa. Kapag hindi nagbasa, walang matututuhan.

"Saka aside sa explanation mo, alam kong magbibigay rin naman ng better further explanation 'yong prof natin kaya 'wag kang mangamba masyado. Ang mahalaga ay ma-explain mo precisely 'yan."

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon