32. Not the Best Birthday

4.3K 57 0
                                    

Chapter 32: Not the Best Birthday

Prism

Before mag-6 PM, hindi pa ako tapos tumulong kina Mama at Tita Betty maghain ng pagkain sa hapag ay sinabihan na nila akong lumabas ng bahay para hintayin ang pagdating ni Ayara. We prepared a simple dinner for my birthday. Pangkaraniwang ulam ang nakahanda, kung may nadagdag man, it's a mini birthday cake. I was excited to see Ayara. Sa sobrang excited ko, 3 PM ay nag-early prepare na ako para mahaba ang oras kong mag-isip kung anong ipoporma ko. Nakasuot ako ng sweater vest na nakapatong sa white na long sleeve polo.

I sent her a message, asking her if she's on her way but unfortunately, I received nothing in response. Ipinagtaka ko 'yon dahil madalas mabilis siyang mag-reply. It's okay. I'm just hoping she'd come.

For now, it's best to just wait.

Binabantayan ko ang pag-usad ng oras sa phone ko at tuloy lang sa paghihintay. Still, Ayara doesn't reply yet. Palagi kong tinatanaw-tanaw ang mga tricycle na nadaan at umaasang hihinto ito sa aking harapan upang magbaba ng babae. Ilang tricycle na ang dumaan, lumagpas na rin ng ilang minuto sa saktong 6 PM, ilang beses ko na ring inayos ang polo ko pero wala pa rin akong nababakas na anino niya. That's when I decided to compose again a message to her.

Prism:
Hey. Asaan ka na? Malapit ka na ba?

"Prism, ayos na mga pagkain dito, asaan na raw si Ayara?" rinig kong sigaw ni Tita Betty mula sa pinto ng bahay.

Lumingon ako sa kaniya. "Papunta na raw po," sagot ko sabay ngiti kahit wala namang sinabing ganoon si Ayara sa akin.

Hindi na ako mapakali.

There's something wrong.

It was . . . strange.

Knowing her, hindi niya makakalimutan ang promise niya sa akin, she finds way to see me. I will hold onto her words.

The darkness is started to cover the whole sky, but Ayara is not here yet. Medyo nakararamdaman na ako ng kaba pero minabuti ko pa ring maghintay at 'wag mag-isip ng kung ano-ano. Paulit-ulit kong ipinapaala sa isipan ko na darating 'yon. She's coming. I'm positive, she's coming.

I messaged her a couple of times already, I may have looked stubborn about it but I couldn't help. Kahit isa, wala pa rin akong natanggap na message pabalik. I even tried to call her but she didn't pick it up. Ibig sabihin lang no'n ay hindi niya hawak ang phone niya. If she gets my messages and she reads it, she will actually care to respond right away.

I've become worried at this point.

Minutes passed, hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Mama. "Prism, lumalamig na ang mga pagkain. We thought she's on her way na? Why isn't she here yet?" Kahit hindi niya sabihin, naiinip at nagugutom na siya.

Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga. "'Ma, sa totoo lang po ay hindi po talaga siya nagre-reply sa mga message ko. I'm not really sure if she consider to come."

"Ano bang sabi niya kanina noong huli kayo nagkita?"

"She said she would come po. Sabi pa nga po niya ay promise."

"Baka nakalimutan?" she followed up.

Umiling muna ako bago napayuko at napasimangot. Ayaw kong paniwalaan 'yong salitang 'yon. "That's impossible. She couldn't possibly forget it. I told her clearly that there's a simple celebration. I know her, 'Ma. She can't miss this, it's not her thing."

"Baka hindi pa tapos 'yong sinasabi niyang ginagawa niyang mahalaga?" tanong niya pa.

Nagkibit-balikat ako. "She should have told me," sagot ko na lang.

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon