24. Beach Picnic

5.3K 77 0
                                    

Chapter 24: Beach Picnic

Prism

Hinugasan at nilagyan ko ng band aid ang mga sugat ni Ayara, idinamay ko na rin pati ang mga paso niya sa braso. We decided to stay inside the hotel room for an hour to take some rest afterwards. Tirik na tirik ang pagsikat ng araw sa labas ng ganitong oras at ayaw na naming tangkaing gumala pa. But we did not waste time, we watched movie and played board games instead.

Later that day, niyaya ako ni Ayara na lumabas para pumunta muling tabing dagat noong kumukulay kahel ang kalangitan. Hindi ko alam na dala niya pala ang art materials niya. She wanted to witness the breathtaking view while she drawing something. I like her idea. Another thing to tick the box on her bucket list. As a good friend, I'll support her and I'm excited to watch her talent in person. Muntik kong makalimutang hilig niyang mag-drawing ng clouds kaya perfect ang lugar na ito para sa inspirasyon niya.

In order for her to draw, we made our minds to experience fabulous picnic at the beach. Sa ilalim ng isang puno, we lay out the blanket to lounge, next we set up the snacks and good foods and we finally sit comfortably. Balak na rin namin na rito na maghapunan at magpaabot ng dilim. We are planning to do a star gazing.

"Ano ida-drawing mo?" I asked though I knew the answer already. It's too obvious.

"Of course, that scenery," pagtukoy niya sa harapan namin. She opened the oil pastel set and put the sketchbook on her lap. "And you better be quiet, kailangan kong bilisan as the sun goes down, before everything gets dark. Mahirap mag-drawing nang madilim."

"Okay, don't worry. I will just enjoy this food while watching you," sagot ko naman.

She started to draw the base. Katulad ng sinabi ko, wala akong ibang ginagawa kung hindi ang panoorin siya habang lumalamon ng tsitsirya. I could not help but gets fascinated and amazed the way she express her creativity through drawing. Hindi ako nabo-bore. Hindi ako nagsasawa. She was versatile, I'd must say. Hindi lang siya marunong, magaling siya. Gamay na gamay niya ang pagguhit at paghawak. Marami na siyang alam. I bet she invested so much time to learn drawing.

Tahimik lang ako the whole time hanggang mapansin kong hindi siya nakakakain nang maayos.

Napatigil siya sa ginagawa nang mapansin ang hawak kong isang piraso ng tsitsirya sa tapat ng bibig niya. She looked up to me. "Why?"

"Eat up," utos ko. Akma niya nang kukunin sa kamay ko nang pigilan ko siya. "Hindi mo kukunin. I mean susubuan kita." Nagkatinginan muna kami nang ilang segundo bago niya tuluyang kinain ang hawak ko. I suppressed a smile because of that.

Her cheeks heat. "Ang daming alam. Nakakainis," she commented but she can't deny her smile too.

Ganoon lang ang ginagawa ko, sinusubuan ko siya ng pagkain habang ginagawa niya ang art niya. Marumi na ang mga daliri niya dahil sa oil pastel na kumalat kaya hindi niya na-e-enjoy ang mga pagkain.

"Ganda," I said all of the sudden.

"Wala pa sa 50% process itong nado-drawing ko," aniya.

"What I mean is ang ganda mo." Her gaze slowly turned to me, and she received a wink. "What's wrong?" Malapad akong ngumiti. If I'm going to be honest, I stare at her a lot more than of what she drawing.

She scoffed. "Tumahimik ka na nga! Nakakainis talaga. You bugging me." I got her there. She tried not to show her smile but she failed again. "Hay nako. Ayan na naman siya sa sakit niya," she said, rolling her eyes. She continued drawing.

Tawa lamang ako nang tawa dahil sa naging reaksyon niya. Pero hindi ko babawiin 'yong sinabi ko, totoong kakaiba ang ganda niya ngayon. 'Yong gandang hindi pagsasawaan dahil kitang-kita ang pagiging masaya niya. Plus, bumabagay 'yong pagtama ng liwanag sa kulay ng buhok niya. Kung puwede nga lang na ganyan na lang hitsura niya araw-araw, 'yong magaan at maaliwalas ang awra.

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon