25. Deep Kiss

5.8K 69 6
                                    

Chapter 25: Deep Kiss

Prism

"This is for you," I said as I handed her the small yellow flower I randomly picked while we were walking. Hindi ko alam kung anong pangalan ng bulaklak na iyon dahil first time ko lang nakita pero kaakit-akit ang hitsura.

Nagkaroon ng kunot ang noo niya. "Where did you get that?" Hinabol niya ng tingin 'yong nilagpasan namin na mga bulaklak. She barely hit me. "Huy, sira! As far as I know, bawal pumitas doon, baka mahuli ka," pag-aalala niya ngunit tinanggap pa rin 'yong bulaklak.

Bahagya akong natawa. "Hindi ako makakasuhan. Besides, wala naman nakakita, don't worry. We're safe," I assured her.

"Baliw, kahit na," aniya.

"Saka, isa lang 'yan at maliit."

"O siya, thanks." Pinaikot-ikot niya ang tangkay nito gamit ang mga daliri habang pinagmamasdan. A smile curled her lips. "You did it again. I appreciate this little things."

Naisip ko bigla, kapag may makikita akong bulaklak na pakalat-kalat sa daan 'tapos kasama ko siya, ipipitas ko siya. In that way, I can make her smile and feel loved. Seeing her smile is everything to me; the sincere feeling that my heart felt.

Ningitian ko siya at saka sinambot ang free hand niya. We walked hand and hand, samantalang nasa kabilang kamay ko naman 'yong mga gamit namin. We were walking going back to the hotel. We had a great time. Pahingang-pahinga kami sa araw na ito. Sa totoo lang, maaga pa lang ngunit medyo tinamaan na kasi ng antok si Ayara dahil pansin kong panay hikab ito hanggang yayain na niya akong bumalik.

The moon is up along with the scattered stars. We feel the cold breeze of the night. But this cold night can be warm for me as we hold each other's hand. There's a heat. Buhay na buhay rin 'yong kalsada na nilalakaran namin dahil sa mga pailaw at sa mga taong pinili ring maglakad-lakad nang ganitong oras. Ganoon pa rin, ang gaan-gaan sa pakiramdam.

As we walked while holding her hand, the winds coldly blow. Totoong nakakaantok ang hangin.

"I get shivers," biglang bulong ni Ayara na narinig ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Bilisan na natin maglakad." Pareho kaming walang dalang panglaban sa lamig, maninipis pa ang mga suot namin.

"Oo, saka ihing-ihi na rin ako."

Pagkarating namin sa hotel ay agad kong isinalansan 'yong mga kalat namin kanina sa picnic, while Ayara went straight to the bathroom. May mga left over kaming pagkain na balak kong iuwi na lang namin o bukas ng umaga kainin. Inilagay ko iyon sa ref.

Pagkalabas ni Ayara ay nagtungo ito sa sofa for comfort. "I'm going to miss this sofa, so comfy," sambit niya. Napaayos siya bigla ng upo para ituon ang paningin sa akin. "Extend kaya tayo ng vacation, what do you think?" dagdag niya.

Napahinto ako para lumingon sa kaniya. "Is that a joke?"

But her face is serious. If she's serious with it, then it's not a good idea. Her shoulder fell off. "Yeah. As if papayag ka, 'di ba?" She winced.

I continued what I am doing. "Kailangan ko na rin kasing pumasok kay Kuya Carlo, imagine, ilang araw na akong hindi nasipot sa paresan, baka galit na sa akin 'yon," I reasoned. Ang paalam ko kay Kuya Carlo ay one week akong hindi makakapunta sa kaniya dahil sa finals ko and supposedly, magpapakita na ako ngayong araw.

Her face lit up. "Speaking of pares, miss ko na rin pala pares ni Kuya Carlo! Minention mo pa kasi, nag-crave tuloy ako bigla. Isama mo 'ko, ah!" She painted a big smile on her face.

I let out a small laugh. "Sure."

"Wait, kailan ka ba pupunta roon?" sunod niyang tanong.

"As I said, maybe tomorrow if we got home early?"

heaven has gained an angelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon