Chapter 17: She was Drunk
Prism
Today is the second day of final exam for this first sem. Dalawang subject ulit iyon at unfortunately, magkasunod ngayong umaga. Minabuti kong mag-aral buong magdamag dahil ayaw kong maulit ang nangyari kahapon. I'm not quite satisfied with what I did, I wasn't expecting something great for the result of it. Madalas na nasa dulo ng dila ko ang sagot kung kaya't naging unsure ang kinalabasan ng mga sagot ko. I had to admit, nagkulang ako sa review.
Yet, upon seeing Ayara's face, wala siyang bahid ng pagkadismaya at hindi ko na siya kailangan pang kumustahin tungkol sa exam niya.
Ngayon, paikot-ikot sa upuan, sa relo, sa pintuan ng klasrum kung paano ko itapon ang aking pansin dahil malapit nang pumasok ang prof namin, and Ayara wasn't here yet. Nakapagtataka ang bagay na iyon. This was the second time I arrived to school early than her. Samantalang ang mga kaklase ko naman ay busy sa pagbabasa ng kanilang mga notes last minutes.
I texted her countless times already but I received nothing in response. I'm worried about her. Bukod tanging siya lang ang wala.
Some time later, nabahala ako nang pumasok na nang tuluyan ang prof namin, may dalang bugkos na mga papel. Mayamaya ay napabuntong-hininga na lang ako.
"Are you ready for your final exam?" panimula niya habang nakangiti. Everyone said 'yes'. They are all ready, while I'm not.
She starts distribute the test paper. I bit my lower lip as we started. For the last time, tinanaw ko ulit ang pintuang nakasarado, umaasang makahahabol si Ayara. She shouldn't just miss this exam, this is an important part of our grade, 40% to be specified. I wondered where she was at right now?
I couldn't focus. Hindi mapakali ang buong sistema ko. Hindi ko magawang umusad sa mga item questionnaire, binabasa ko pa ito nang paulit-ulit upang mas maintindihan dahil hindi ko matamo sa isang basa lang. Ayara was running through my mind. Tingin pa rin ako nang tingin sa suot kong relo, maaga pa naman, kahit ma-late lang siya nang kaunti ay siguradong kaya niya pang makapagsagot nang maayos.
Ang huling message niya sa akin ay kagabi pa, sabi niya ay nagre-review siya. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Nahuli ba siya ng paggising? Tulog pa? Nakalimutan? Emergency? Imposible. I have this feeling there's something wrong.
I glanced over the vacant seat next to me, I reserved this for her.
Sa gitna ng pagiging tahimik ng silid, may kumatok sa pintuan na walang kasing bilis nang inangat ko ang aking paningin. Umatras ang pagkabuhay ng dugo ko. I was expecting it was Ayara but no. Napailing ako. "Excuse me po." Isang guard.
"Yes po?" pag-approach ng prof namin na nasa may bandang harapan at nakaupo sa teacher's table.
"Sorry po sa abala. Excuse po kay Mr. Estrada."
Nagkunot-noo ako dahil sa pagtataka. I felt the gaze of my classmates turned at my direction. Wala akong ideya kung ano ang kailangan niya sa akin, lalo na sa mga oras na ito.
"Puwedeng mamaya na lang 'yan? Mr. Estrada was currently taking his final exam."
"Hindi po puwede. Emergency po."
Lalo ako napakunot. Emergency?
"Gaano ba kahalaga 'yan?"
"Nasa gate po si Ms. Zamora at hindi po namin pinapasok dahil lasing na lasing po siya. Wala po sa ayos ang kaniyang pag-iisip. Hinahanap niya po si Mr. Estrada," may urgency sa boses niya.
I gulped. "Lasing?" I whispered. That got me worried.
Bago pa man makapagsalita ang prof namin ay napatayo agad ako sa kinauupuan ko. Hindi lang ako ang nagulat pati na rin ang mga kaklase ko, I heard them murmuring. At that moment, I failed to fight my urge. A split-second decision, nakita ko na lang ang sarili na kusang gumalaw ang mga paa ko, dala ang bag ko. I left my test paper and green book. I didn't bother to wait if our prof will allow me to leave, I pass through her, walking out from the room.
BINABASA MO ANG
heaven has gained an angel
Teen Fiction"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024