Chapter 5: Jersey
Prism
This is what I called happy place. All the memories came rushing back. Noon pa man, ukay-ukay ang malimit kong puntahan upang bumili ng mga damit. Lalo na ngayong wala kaming uniform, isa pa 'yon sa dumadagdag kong problema. In that way, gusto kong magmukha pa ring disente at presentable kahit araw-araw akong pagod kaya madalas akong napadpad dito. Ayaw ko rin na magpaulit-ulit palagi ng susuotin. Plus, hindi mabigat sa bulsa ang presyo at mukhang brand new pa 'pag isinuot.
As I soon as we go inside, we greeted by the smell of old shirt. Maingay rin ang paligid dahil sa masayang tugtugan. Ngayon lang ulit ako nakapunta rito. At this time, walang masyadong mga tao. Malawak ang ukay-ukay na ito kung kaya't maraming pagpipilian. Tiyempuhan lang din 'pag may nakitang original at maganda.
"Kaya pala astigin kang pumorma," sambit sa akin ni Ayara.
I flashed a smile habang abala sa pagpapalipat-lipat ng hanger. Mahaba ang pasensiya ko sa ganito, kung hindi, hindi ako makahahanap ng perfect na damit. Minsan nakatago ang mga magaganda.
She spoke again. "That is actually one thing I admire about you," she complimented.
I shoot a glance at her. "Ang alin?"
Kagaya ko, she starts finding clothes between the hangers. "Ang lakas ng dating mo. Ang galing mo magdala ng damit. Ang fresh mong tingnan, 'yong tipong parang hindi ka mukhang pagod. I really like your style or maybe . . ." I feel her eyes on me and stares. ". . . given na pogi ka lang talaga."
Medyo nahiya ako. I'm not used to it. "Oh, thank you."
"Bagay na bagay sa 'yong mga baggy pants na itinerno sa mga hoodie jacket. Just like what you wearing today." Tiningnan ko suot ko, nakasuot ako ng light blue na baggy jeans with a pair of brown hoodie jacket. Malamig ngayon. Mahilig ako sa hoodie. "Saka gusto ko rin everytime you wear a plain or at least minimalist print black shirt or even white shirt. Ang guwapo mo rin kapag naka-polo na long sleeve ka, lalo na 'pag black 'yong kulay 'tapos hindi nakabutones at may shirt sa loob. You good at fashion."
I'm flattered, hearing someone admiring my style. It means a lot. "Thank you again?"
"Kaya nagtataka ako minsan, bakit mukhang ang expensive pa rin ng mga isinusuot mo knowing na hindi ka naman mapera since I'm aware na todo trabaho ka. This is the key pala that's why."
I smirked. "Now you know. Hindi ako masyado nagsusuot ng branded."
Mahilig din akong magsuot ng mga printed na t-shirt, oversized. Partner din sa cargo pants at denim jeans.
Napapadyak ito at muling nagpatuloy sa paghahanap. "Nakakainis, ang guwapo mo talaga! Tangos pa ng ilong! Ganda pa ng ngiti!"
Hindi ko alam paano magre-react. "Actually, tatay ko nagturo sa akin na pumorma," panimula ko, trying to open a topic.
She glanced at me. "Oh. May pinagmanahan naman pala."
"Iniidolo ko siya when it comes to this. I used to wear skinny jeans before, sobrang baduy ng pormahan ko." Nagkukuwento ako habang tuloy sa paniningin ng mga damit. "Hindi ako marunong kung paano magsuot nang tama. I even don't know how to fix my hair." I chucked.
I continued. "Sabi ko, magmukha lang ako tao, ayos na. Then, he teached me how to find my own style. Sabi niya, alamin ko dapat kung ano 'yong bagay sa akin na damit, kung paano ko ito i-partner sa pants ko at kung paano ko i-express 'yong sarili ko confidently. If you are lack with confidence, hindi mo makukuha 'yong porma na gusto mo. Dapat alam ko rin ang magiging color combination ng bawat isinusuot ko. Kaya nahiligan kong magsuot ng mga neutral color, eh. Siya rin nagturo sa akin na pumunta sa mga ganitong lugar. Iba rin ang kalidad ng mga damit dito. Wrong timing lang, hindi sale."
BINABASA MO ANG
heaven has gained an angel
Teen Fiction"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024