Niickblack's short note:
Hello, everyone! Here's the last chapter of 'Heaven Has Gained an Angel,' and we're going to explore more deep, intense scene and heavy stuff. It might make you emotional, so keep tissue close to yourself just in case. Ang sunod na nito ay Epilogue kaya pakihanda na rin ang mga puso. Huwag na huwag uubusin ang tissue sa chapter na 'to, ha.I also want to sincerely thank each and every one of you for your patience and unwavering support throughout the journey of writing this story, kahit natatagalan ako sa pag-update dahil may inaaasikaso lang sa personal life. And, it's incredibly humbling to know that some of you discovered me through TikTok. It was unexpected but it was a wonderful part of this experience. It means a lot to me. Kayo ang tunay na plot twist ng story na ito. Enjoy the final chapter! Thank you!
-
Last Chapter
Prism
Madilim na ang paligid nang makarating ako sa Baguio City. I was in rush to get off the bus, paniguradong kanina pa naghihintay sa akin si Ayara.
I was greeted by the cold breeze, confirming I was indeed in Baguio City. Halos naubos ang pasensya ko sa haba ng traffic na iyon. May aksidente raw kasing naganap na kinakailangang maidala agad sa hospital ang mga nasugatan na naging dahilan ng matagal na pag-usad ng mga sasakyan. The trip was supposed to take 4 hours, but it ended up taking almost 7 hours to arrive.
My first task was to search for Ayara at the meeting spot. Up until now, I still hadn't received any messages from her. Noong nagkaroon ako ng signal, tinadtad ko na naman siya ng text at call. It's kinda confusing and I'm a bit worried. Nasa malayong lugar kami, hindi kami pamilyar pareho rito. Ang bilin ko sa kaniya ay hintayin niya ako at sabihan ako kung nandito na siya.
After minutes of searching, I couldn't find her anywhere. I messaged her over and over again but for some reason, I still got no reply. It's impossible if I were the one who came here first.
Napailing-iling ako. Naalala kong may sinabi nga pala siya sa akin na kung sakaling hindi ko siya makita rito ay dumaretso na siyang Sagada. Perhaps, nainip na siyang kahihintay sa akin kaya napagdesisyunan na nitong mauna na. Sana sinabihan niya ako. I bought some food for my dinner and queued up for the bus bound for Sagada. May binigay naman na location sa akin si Ayara kung saan siya eksaktong mag-i-stay roon kaya kampante ako.
Habang nasa loob ng bus, nagtataka talaga ako na may signal naman ako kahit papaano pero bakit hindi ako magawang reply-an ni Ayara? It's imposible she forgot about our plans.
Mahaba rin ang naging biyahe papuntang Sagada. Due to fatigue, I decided last minutes to stay at a guesthouse to rest first. Late na ako nang sobra kaya naabutan ako na bawal nang umakyat ng bundok mag-isa. I'll just wake up very early tomorrow to catch up with the tour guides in climbing the mountain to capture the sunrise. I kept checking my phone, wala pa ring reply si Ayara. Nabanggit niya sa akin na may dala siyang tent upang i-set up sa mismong bundok kaya malamang ay dumaretso na siya roon, balak niyang gumising na kung saan ang pinapangarap niyang sunrise ang sasalubong sa kaniya. As long as we're headed to the same place, I know we'll eventually meet. Nakalulungkot lang na hindi kami magkakasabay.
Nakatulog ako agad pagkahigang-pagkahiga ko sa kama. Kagaya ng aking plano, maaga akong nagising para gumayak. As I expected, wala pa ring paramdam si Ayara. Medyo hindi na nagiging maganda ang pakiramdam ko. There's something wrong I couldn't quite figure out, but I must maintain a positive mindset and have faith in possible reasons. I just thought that maybe she really doesn't have a signal at the moment because of course, she was in the top of the mountain. What can I expect? Or maybe her phone battery is drained, I'm just continuing update her on what I'm doing in case she gets to read it later.
BINABASA MO ANG
heaven has gained an angel
Teen Fiction"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024