WAKAS

208 23 51
                                    

ANG PAGTATAPOS


KLEAN GHIO AIZAWA and SHANELLE KEIS WISEMAN


Thadeo (HARI NG YHEGERRE)

Kahit malayo, tanaw na tanaw ko pa rin ang mga kaganapan sa buong Wiseman. Kitang-kita kung paanong madurog ng paunti-unti ang lugar nila. Ito na yata ang katapusan ng paghahari ni Willengham. Marami ng nawala sa mga tauhan niya, iyon ba ang pinakamakapangyarihang kaharian, mukhang nagkamali ako ng akala. Masyado lang yata mataas ang tingin ko, wala pala silang ibubuga.

Hindi manlang sila nakapaghanda para sa pagsalakay namin, marahil kahambugan lang ang alam nila. Batay sa mga naririnig kong impormasyon, hirap na rin sa pakikipaglaban ang karamihan sa mga pwersang militar. Kinakapos na sila. Ano ng gagawin ng mga iyon para abangan ang mga susunod na pag ataki.

"Haring Thadeo, kumusta ang tanawin, hindi ba't ang ganda pagmasdan? Sa isang tirahan lang, kalahati ng Wiseman ay mabilis na nabura, ano pa kaya kung gamitin natin sila ng pinakahuling armas na mayroon tayo, ano sa palagay mo?" nakangising sabi ni Reindrick na tila nagtagumpay sa laban.

"Ano bang aasahan ko, napakahusay ng iyong grupo. Ipagpatuloy mo lang iyan," puri ko sa kanya.

"Kumusta ang hanay nina Lavazor? Anong ginagawa nila?" tanong ko.

"Nasa hilaga po sila, naroon nakapuwesto ang apoy na aparato, hinihintay nalang na maayos bago gamitin," sagot niya.

"Ah sige. . .eh iyong bolang apoy kanina, sino ang may gawa no'n? Bakit tinira agad ang palasyo? Wala pa naman akong hudyat na gawin iyon," pagalit kong sabi.

Bahagyang nagkamot sa ulo si Reindrick at inosenteng tumingin sa akin. "Ano pong bolang apoy? Akala ko ho, sa inyo iyon?"

"Ha? Anong sa akin? Hindi pa ako nagpadala ng ganoong armas, akala ko ba sa inyo? Bakit bumabalik sa 'kin?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi mo na po kailangang mabagabag tungkol do'n, ang kupunan ko na mismo ang gumawa," singit sa usapan ni Hazhiah.

"Bakit mo naisipang gawin ang kalokohang iyon? Hindi pa lakip sa pagpapabagsak ang palasyo, uunahin natin ang mga tauhan nila hanggang sa malagas, bakit kumilos kayo ng walang pakundangan at permiso sa nakatataas? Alam ba ito ni Calliote?" galit kong tanong.

"Hindi na po kailangan, nangyari na, ang dapat na isipin mo ay kung papaano mananalo laban sa kanila. May nalaman ang tauhan ko, tumawag ng tulong ang Wiseman sa ibang kaharian, at ngayon ay paparating na sila rito. Dadaan ang malaking grupo nila sa unang tarangkahan ng kaharian," sabi ni Hazhiah.

"Totoo ba iyan?"

Umangat ang isang kilay niya at suminyas sa kanan, nakita ko ang ilan sa mga tauhan naming umaatras. Unti-unti na ring bumubukas ang malaking tarangkahan at iniluwa roon ang daan-daang mga mandirigma.

Wala sa oras kong napukpok ang bakod na pader na nasa harap ko at nagmadaling bumaba. "Hoy, ano pa bang itinatayo-tayo niyo riyan, harapin niyo sila, 'wag niyo silang hayaang makalapit. Kung kinakailangang gamitin ang makapinsalang armas ay gamitin!" singhal ko sa kanila.

"Masusunod, mahal na hari!" sagot ng mga ito.

"Thadeo!"

"Haring Calliote, anong balita sa iyong mga tauhan?" nakangiting tanong ko kay Calliote na papalapit sa akin sakay ng kabayo.

Hindi siya sumagot at bumaba sa kabayo. Inayos niya ang kaniyang damit at lumapit. "Darating na sila, kumusta naman kayo rito? Nasa maayos pa ba ang lahat?"

WISEMAN KINGDOM: The War (Completed)Where stories live. Discover now