CHAPTER 2

141 4 0
                                    

At the open ground of Preso Toreros, many prisoners were gathered to witness a monthly match of Zone 5 inmates. Mapapatalsik sa Zone 5 ang siyang matalo, iyon ang naging pinakauna at huling kondisyon nila.
 
Ngayong araw doble ang dumog sa kanila nang malamang isa sa mga haharap ay walang iba kun’di ang binansagang Heneral ng Preso Toreros na si Kaziel. Heneral ang naging alyas ni Kaziel sa loob ng Preso Toreros matapos malaman ng mga ito ang pinagmulan niya. Halos sambahin siya ng mga preso roon. Takot na makabangga siya at hindi rin malapitan upang kaibiganin, maliban na lamang sa pagtitiyaga ni Marlo na buntutan siya sa tuwina.
 
Ang mga magtutunggali ay nasa loob ng nakapalibot na fence. Sa labas nito ang mga nanonood at sa itaas na bahagi ang mga nakabantay na pulis, hawak ang kanilang mga baril. Lumakas pa ang ingay nang tahakin na ni Kaziel ang daan. Sa likod niya’y si Marlo at iba pang preso ng Zone 5. Samantala nasa loob na ng fence ang makakalaban niya.
 
“Heneral! Heneral! Heneral!”
 
Dumiretso si Kaziel sa isang sulok. Huhubarin na sana niya ang kanyang T-shirt nang may magtangkang tumulong sa kanya. Tumigil siya saka tinapik ang kamay nito.  Umurong naman ang lalaki. Kaziel stripped off his thin shirt. His dark artistic tattooes were revealed. Some whistled upon witnessing his lean and muscular body. He never lacked exercise.
 
“Ano, ready ka na Heneral?” tanong ni Marlo sa kanya habang minamasa-masahe ang balikat niya
 
“Get off.”
 
“Tsk. Ang pikon lang pala na Boss Grey ang makakatapat mo e. Hindi ko na kailangang mag-alala.”
 
Tiningnan ito ni Kaziel.
 
“Hindi mo yata alam na ako ang rason kung bakit hindi ka pa makakakain sa sunod na araw.”
 
Nanlaki ang mga mata ni Marlo. Medyo napalayo ito sa kanya.
 
“Ikaw?! Ikaw ang nagsumbong sa’kin? Hindi ba ikaw din ang nag-utos no’n?!”
 
“Kaya sabi ko sa’yo huwag kang basta-basta naniniwala.”
 
Tinapik-tapik ni Kaziel ang lalaki.
 
“Tsk. Pupusta na nga ako kay Boss Grey.”
 
Nakangising pumunta sa gitna si Kaziel. Lumapit na rin sa kanya si Boss Grey na agad siyang pinakitaan ng angas ng mukha.
 
“Boss Grey! Boss Grey!”
 
“Heneral! Heneral!”
 
Mas malaki ang katawan ni Boss Grey kung titingnan pero wala lang iyon para kay Kaziel.
 
“‘Yung sugat na ginawa mo,” tinuro ni Boss Grey ang mahabang guhit sa mukha niya. “Doble ang ibabalik ko sa katawan mo,” saka dinuro ang dibdib ni Kaziel
 
Hindi umimik si Kaziel.
 
“Simulan na natin! Tandaan, mayroon lang tayong isang kondisyon. Ang matalo ay aalis ng Zone 5, babagsak siya sa pinakamaliit at magulong selda. Ngayon, handa na ba kayo?!”
 
“Wooooooo!”
 
Nangibabaw ulit ang ingay sa loob ng Preso Toreros. Nagsimula ang patutuos nina Kaziel at Boss Grey. Suntok lang nang suntok si Boss Grey ngunit lahat ng ito’y naiilagan ni Kaziel. Hanggang sa sumunod na suntok ng lalaki, umikot si Kaziel saka sinipa ang mukha nito.
 
“Heneral! Heneral!”
 
Agad namang nakabawi si Boss Grey. Lumapit ito kay Kaziel pero bago pa man ito makasuntok ay nauna na itong sapakin ni Kaziel. Sunod-sunod niyang pinatamaan ang ilong nito na ngayo’y nagdurugo na.
 
“Heneral! Heneral!”
 
Nang makakuha ng pagkakataon si Boss Grey na makalapit kay Kaziel iniuntog niya ang ulo niya rito. Napaatras si Kaziel.
 
His eyes glared on him. Boss Grey cunningly smiled on Kaziel.
 
“Masakit? Simula palang—ackkk”
 
Kaziel grabbed his neck. He kept walking while gripping his neck, until Boss Grey jerked on the fence. Namumula na ang mukha ng lalaki at hindi na ito makapagsalita nang maayos dahil sa higpit ng pagkakasakal niya.
 
“Boooooo!”
 
“Heneral! Heneral!”
 
“Acckkk!” Boss Grey tapped on his hand. Nang hindi pa niya bitawan doon naman siya sa railings tumapik nang paulit-ulit.
 
Inawat nina Marlo at ibang preso si Kaziel. Habol ang hininga ni Boss Grey nang mabitawan ito.
 
“Gago ka. Gusto mo bang hindi na makalabas dito?!” saway sa kanya ni Marlo
 
Kaziel removed their hands from him.
 
“Tara na.”
 
Paalis na sana sina Kaziel nang muling sumugod si Boss Grey pero sa panahong ito’y may hawak nang patalim ang lalaki.
 
“Hayop ka!”
 
Nasagang ito ni Marlo kaya’t nasugatan ang kamay niya. Meanwhile, Kaziel grabbed his dagger. Sinabunot niya ang kamay sa buhok nito saka mula roon ay hinila ito sa gitna. Pinatingala niya ang lalaki saka tinutukan ng kutsilyo sa leeg.
 
“Tatlong segundo lang ang itatagal mo kapag dinaanan ka ng kutsilyong ‘to.”
 
“Hindi ako papayag na hindi ako makaganti.”
 
Kaziel snorted. “Masamang gumanti sa taong mas malakas sa’yo.”
 
BANG!
 
Natigil ang gulo at ingay dahil sa putok ng baril na iyon. Binitawan ni Kaziel ang lalaki saka patapong binalik ang kutsilyo rito. Tinalikuran niya si Boss Grey. Tuloy-tuloy na siya sa paglabas.
 
“Tama na ‘yan. Papasukin na ang lahat sa selda.”
 
 
 

The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon