CHAPTER 16

167 6 0
                                        

“I’m Ciaran Zobel.”
 
Hindi nakipagkamay si Nicelle sa lalaki. Pagdating niya kanina sa kanyang opisina isang bungkos ng bulaklak ang natanggap niya kasama ng isang address na dapat niyang puntahan. Una’y natuwa siya dahil akala niya si Eero iyon ngunit pagdating niya sa café ibang lalaki ang bumungad sa kanya.
 
“You’re quite rude for someone who gave you flowers and invited you on a date.”
 
Binalik din ni Nicelle ang bulaklak.
 
“You did not gave me good impression on our first meeting, Mr. Zobel.”
 
Ciaran smiled. “Oh, am I supposed to move you, Ms. Morgan?”
 
“Bakit gusto mo akong makausap?” diretsang tanong niya
 
“Nabalitaan kong ilang araw mong nakasama si Kaziel sa hawla niya. Gusto ko lang malaman kung ano ang mga pinaplano ni Kaziel. You know… we can be partners.”
 
Nicelle mockingly laughed. “Kaziel should be the one ungrateful for the family he has, not the otherwise.” Tumayo siya at handa ng umalis. “Busy akong tao, Mr. Zobel. Huwag mo na sana ulit aksayahin ang oras ko sa mga walang kwentang bagay. Hindi na rin ako magpapasalamat sa bulaklak dahil allergic ako sa roses.”
 
Tinalikuran ni Nicelle ang lalaki saka tuloy-tuloy na umalis sa café. Bumalik siya sa kanilang opisina. Pinagpatuloy niya ang case study patungkol sa Preso Toreros na balak niyang ipasa sa mas lalong madaling panahon.
 
 


 
A week has passed. Nicelle finally submitted her paper plus her documentary report. She was so happy while talking to her boss.
 
“May isa pa akong good news sa’yo, Ms. Morgan. WRUN has finally open the new batch for dissertation submission and your paper is a qualifier for that. Simulan mo na ang pag-asikaso ng ibang requirements para makapasa ka na agad. The earlier, the better.”
 
“Yes, Sir. Maraming salamat po sa opportunity na ‘to.”
 
“You’re welcome, Ms. Morgan. You deserve all this. I will read your case study later and we’ll have a meeting for your recent paper.”
 
“Yes, Sir.”
 
Masayang bumalik si Nicelle sa opisina niya nang bigla siyang salubungin ng team niya.
 
“Congratulations, Ms. Morgan!”
 
She laughed. “Ano ba ‘to?” she took the flowers they gave her. “Salamat naman sa pabulaklak, dahil diyan may dinner tayo mamaya! Sagot ko na!”
 
“Wooo!”
 
“Yes!”
 
“’Yan nga, ma’am!”
 
They were all excited. Nicelle and her team had a small talk before they left for another work. Natira si Nicelle sa opisina niya. She was just staring at the window when the door opened. Nilingon niya ang pumasok.
 
“Pupunta ako sa Preso Toreros to discuss some important things on Marlo about the final trial. I came to see if you’re available and maybe, can come with me?”
 
“Kumusta ang unang paglilitis ng kaso niya?”
 
“It went well. We’ll be summoning our witness on the next session.”
 
“Okay, I was planning to go tomorrow but I think this would be the perfect time.”
 
Alice raised an eyebrow. “Bakit ka pa babalik doon?”
 
“Malalaman mo mamaya.”
 
 
 


***

“Heneral, sige na naman! Pumayag ka na!” pagpipilit ni Marlo sa kaibigan. Sunod lang siya ng sunod sa mga ginagawa nito sa exercise yard.
 
“Umalis ka na, Marlo. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo.”
 
“Tsk! Hindi ko naman sinasadyang maikwento ‘yon, e! Nadala lang din ako tsaka mapagkakatiwalaang tao naman si miss ganda.”
 
Napalingon si Kaziel dito.
 
“O, bakit? Ano’ng tingin ‘yan?”
 
Naputol ang pag-uusap nila dahil sa pagdating ng pulis.
 
“Zobel, may dalaw ka.”
 
Hindi man lang ito tiningnan ni Kaziel. “Hindi ako tatanggap ng bisita mula ngayon. Umalis ka na.”
 
Tiningnan ng pulis si Marlo.

The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon