CHAPTER 11

95 5 0
                                    

Nicelle’s 5th day on Preso Toreros seem to be the worst. Pilit siyang hinihila ng isang lalaki patungo sa hanay ng mga selda. Nakasunod naman sa kanila ang tila mga malalapit nitong kasamahan sa loob. She was already crying as she tries to pull herself away from them.
 
Nakilala niya lang ang taong pilit humihila sa kanya dahil sa sigaw ng mga nakapaligid sa kanila.
 
“Toro! Toro! Toro!”
 
Mabilis niyang naalala ang pangalan ng lalaki kaya’t mas lalo siyang kinabahan.
 
“Bitawan mo nga ako!”
 
“Huwag kang magulo riyan. Kailangan kong makaganti sa hayop na pulis na ‘yon!”
 
“Hindi ko alam ang sinasabi mo! Please!” pagmamakaawa niya.

Ang tanda lamang niya’y kumukuha siya ng tubig na maiinom ngunit bigla nalang may pumalibot sa kanya at lumabas nga ang lalaking si Toro na hinila nalang siya sa kung saan.
 
Hindi niya mapindot ang beeper niya dahil natatakpan ng kamay nito na mahigpit na nakahawak sa kanya. Halos lahat din ng pulis ngayon ay nasa labas dahil sa aktibidad ng mga preso kung saan sila’y naglilinis at nagtatanim ng mga halaman at gulay.
 
“No!”
 
Patapon siyang binitawan ni Toro sa loob ng isang selda. Sumama ito sa kanya sa loob saka pinagsarhan sila ng mga kasama nito. Kinilabutan siya sa mga ngisi nito.
 
“A-Ano’ng gagawin mo?”
 
“Hmm… tayo nalang dalawa rito kaya palagay ko alam mo na.”
 
Tumawa pa ito at humarap sa mga kasama na masaya silang pinanonood.
 
“H-Hindi…”
 
 


---

“Ronald! Ronald!”
 
Halos mapaos na si Tim kakasigaw at tawag kay Ronald. Kasama niya si Nicelle na kumuha ng tubig sa canteen pero pinili niyang maghintay lamang sa may pintuan dahil natatakot pa rin siyang makisalamuha sa karamihan ng mga preso. Sa kanyang paghihintay natanaw niyang tila may isang grupo na dumidiskita kay Nicelle. Akmang pupuntahan niya na ito nang biglang hilahin ng lalaki kasunod ang ilan pa.
 
Dahil alam niyang hindi niya kaya, napagdesisyunan niyang bumalik nalang at humingi ng tulong. Sa patakbo-takbo niya wala siyang nakasalubong kahit ni isang pulis.
 
“Bakit?”
 
“S-Si ma’am Nicelle dala-dala siya ng mga lalaki!” umiiyak niyang sabi
 
“Ano?! Saan?! Nagsabi ka na ba sa mga pulis?”
 
Pababa ulit sila mula sa kanilang kwarto. Kapwa pagmamadali ang mga kilos nila.
 
“Hindi ko alam! Wala akong makitang mga pulis dito. Kanina pagbaba namin ni ma’am Nicelle ay iilan lang.”
 
“T-Teka ‘yong beeper mo?”
 
“Naiwan ko yata sa kwarto. Tinanggal ko kanina nang maligo ako.”
 
“Nando’n din sa’kin dahil katatapos ko lang din maligo.”
 
“Ano nang gagawin natin?!” Tim hysterically asked. “Baka kung mapano na si ma’am Nicelle, kailangan na natin siyang makita.”
 
“Bumalik ka sa kwarto at i-page mo agad ang mga pulis. Maghintay ka hanggang sa may dumating sa pwesto mo. Ako na muna ang maghahanap kay Ms. Morgan.”
 
“K-Kaya mo ba?”
 
“Sige na!”
 
“S-Sige. Jusko! Ano ba ‘to?!”
 
Ronald run as fast as he could. Sa kanyang pagmamadali nakabangga niya ang isang grupo ng preso na nagkakasiyahan ngunit nag-iba ang mukha nang mabundol niya ang mga ito at mahulog ang tray ng pagkain. Agad siyang kinuwelyuhan ng nasa gitna.
 
“Aba! Hindi ka nag-iingat ha!”
 
“P-Pasensya na. Nagmamadali kasi ako dahil kailangan kong iligtas ang kaibigan ko.”
 
“Wala akong pakialam! Alam mo bang ma-ba-bad shot ako kay Heneral kapag hindi ko siya nahatiran ng pagkain?!”
 
“Pasensya na talaga…”
 
“Teka… hindi ba siya ‘yong kasama ni miss ganda?”
 
Tumango-tango si Ronald.
 
“Hoy! Tabi!”
 
Isa pang lalaki ang nakabunggo sa kanila.
 
“O! Boss Chan! Ba’t hinihingal ka?”
 
“N-Nasaan si Heneral? Kailangan ko siyang makausap.”
 
“Bakit?”
 
Hinawi sila ng lalaking si Chan. Samantala nakawala naman si Ronald at nagpatuloy siya sa paghahanap kay Nicelle.
 
 


The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon