Pumunta si Nicelle sa clinic upang humingi ng gamot dahil sa pananakit ng ulo niya. Naisip niya ring tumuloy sa kwartong pinamamalagian ni Marlo. Hindi pa ito nakahalo sa mga preso sa selda dahil sariwa pa rin ang sugat nito.
“Marlo, kumusta na ang pakiramdam mo?”
Inabutan niya itong nakatulala sa ceiling.
“O, miss ganda? Ano pong ginagawa ninyo rito?”
“Dinadalaw ka. Itatanong ko rin kung kumusta na ang pag-uusap ninyo ni Alice. Hindi ko naman siya makausap dahil bawal.”
Nginitian siya nito. “Maayos na, miss ganda. Naituro ko na sa kanya ang bagong ebidensya. Naghahanap nalang kami ngayon ng witness.”
“Ebidensya? May hawak kang ebidensya na hindi ikaw ‘yong suspek? How come na ngayon mo lang nilabas ‘yon?”
Napabuntong hininga ang lalaki. “Katulad po ng sinabi ko, ma’am. Sinukuan ko na ang buhay ko nang mawala ang aking pamilya. Lahat sila ako ang dinidiin sa pagkamatay nila. Kung mamumuhay ako sa labas aapi-apihin din nila ako, pandidirihan at katatakutan. Mas mabuting pumasok nalang dito sa loob.”
“Hindi mo ba naisip na pwedeng mas maging malala ang lagay mo rito? Wala ka nang kalayaan dito.”
“Minsan pinagsisisihan kong nagpakulong ako pero nang makilala ko si Heneral hindi ko na naisip ‘yon. Dahil tulad ko, iyon din pala ang pinagdaanan ni Heneral. Na-frame up din siya sa pagpatay ng girlfriend niya at ginamit ng mga tao ang kondisyon niya raw sa utak na kung tutuusin wala naman talaga.
Nicelle’s chest continued to pound.
“A-Ano’ng s-sinasabi mo, Marlo?”
Lumingon ang lalaki sa kanya.
“Hindi ba sa’yo nakuwento ni Heneral?” ngumiti ito. “Kung gano’n ako pa rin pala ang best friend niya.”
“A-Anong ibig mong sabihin na na-frame up siya?”
“Kilala ni Heneral kung sino ang totoong pumatay sa girlfriend niya. Naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para balikan ang taong ‘yon. Pero alam mo ba, miss ganda ang nakakapagtaka rin?”
“A-Ano?”
“Hindi ko alam kung hahangaan ko o isang katangahan ba ang naging desisyon ni Heneral na pumasok dito. Kung ako hindi nagsalita sa harap ng camera, si Heneral harap-harapan niyang sinabi at inako ang pagpatay sa girlfriend niya. Iyon ay dahil gusto niyang sirain ang pangalan ng kanyang pamilya. May isang lalaking buwanang dumadalaw kay Heneral dito… iyon ang kapatid niyang mas demonyo pa sa kanya.”
Gulong-gulo na si Nicelle sa kanyang mga naririnig. Tumayo siya saka nagpaalam kay Marlo.
“Kailangan ko siyang makausap.”
“Teka lang, miss ganda!”
Lumingon ulit si Nicelle. “Bakit?”
“Pwede bang ipalipat mo ako ng kwarto? Baka kasi matuluyan na ako sa sunod na dalaw ni Heneral.”
“Hindi niya ‘yon gagawin.”
Nagmamadaling umalis si Nicelle sa clinic. Hinanap niya nang hinanap si Kaziel ngunit hindi ito matagpuan. Dalawang lugar na lamang ang hindi napupuntahan… ang Zone 5 at ang private visitation area.
Nagpumilit si Nicelle sa Zone 5 pero ayaw siyang payagan ng dalawang pulis na nagbabantay.
“Sige na, please! Kailangan ko lang makausap si Mr. Zobel.”
“Kung si Mr. Zobel ang pakay ninyo, wala siya.”
“Saan siya nagpunta?”
“May dalaw ngayon si Mr. Zobel.”
Tumakbo ulit si Nicelle patungong visitation area. Pagdating niya roon ay ang saktong paglabas ni Kaziel at ng matandang lalaki. She was sweating so much and gasping for breath.
“P-Pwede b-ba kitang m-makausap, Z-Zobel?”
Narinig ni Nicelle ang pagmumura ng matanda. “Pati sa loob ay nagdadala ka ng babae, Kaziel?!”
Kaziel’s jaw hardened. Pinakita naman ni Nicelle ang ID niya.
“I’m not just a woman. I’m a researcher from PRI and we’re currently affiliated with your son, Kaziel Angelo Zobel.”
Dumako ang tingin ni Kaziel sa babae.
“I don’t care who you are. Stop bothering this ungrateful criminal, at huwag na huwag ninyong idadamay ang pangalan ko.”
“Dapat mas kilala ninyo ang anak n’yo, Sirb. May mga bagay na hindi pa ninyo alam, and I hope one time you’ll be exposed to the truth. Mahihiya kayo sa kung anuman ang mga pinagsasabi ninyo ngayon.”
Hinila ni Kaziel ang babae palayo sa kanyang ama. Nang mawala ang matanda sa paningin niya saka niya ito binitawan.
“Who are you to speak like that to my father?”
Nicelle laughed lowly. “Wow, pinagtatanggol mo pa ang tatay mong ang turing sa’yo ay mamamatay tao. If only I could tell him the truth, I will.”
Kumunot ang noo ni Kaziel. “Ano’ng pinagsasabi mo?”
“Alam ko na ang totoo, Zobel… you did not kill anyone.”
Kaziel slowly moved towards her until Nicelle’s back touched the wall. Naglalaban ang nagkakatitigan nilang mga mata.
“I’m going to kill that fucking Marlo.”
Hindi maintindihan ni Nicelle kung ano ang mararamdaman niya nang sabihin iyon ng lalaki.
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)