Epilogue

375 9 2
                                        

After almost 6 years…
 



“With a strong evidence presented in the court and the presence of witness in the crime of Ms. Jillian Mercado, on January 7, 20** at Acassia Hotel around 10 in the evening, Kaziel Angelo Zobel’s case of murder, illegal drugs act, and illegal possession of firearms are now denied by the ruling of the court. Mr. Kaziel Angelo Zobel will therefore serve his sentence for not more than 3 months of this year.”
 
Hanggang ngayon napapangiti pa rin ako sa tuwing pinapanood ko ang naging retrial sa kaso ni Kaziel. Laya na siya. Mag-aanim na taon na nang iiwan ko ang Pilipinas. Sa paglabas niya wala na akong naging balita. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, kung ano’ng ginagawa niya, kung masaya ba siya… at kung may minamahal na ba siya.
 
“Good morning, Ms. Morgan. Here’s the file you’re requesting.”
 
Kinuha ko ang folder na inabot ng officemate ko. Our case study at Preso Toreros was a success. Aside from presenting them in the Philippines, I also discussed it in Switzerland and here in New York. Because of that, I was given a chance to work here. Nagustuhan nila pati ibang mga gawa ko. Some professors of Standford collaborated with me for a research and it was one of the experiences that I will never forget. Isa rin iyon sa mga naging dahilan kung bakit naging matagumpay ako.
 
But then, as I think of the people whom I started my life with I can’t help but miss them and reminisce our times together— our struggles and happiness. Kaya ngayon pinag-iisipan kong bumalik na ng Pilipinas. I can still work here though pero hindi na iyong pangmatagalan. I just miss everything in my country. Marami mang mapait na karanasan pero mas marami pa rin ‘yong magaganda. I just learned that I don’t have to look at life so negatively. ‘Cause everything that happen brings me into a meaningful learning and appreciation of what I truly have.
 
This evening will be my flight to Italy. I will have my presentation there for my new research that I just finished a month ago. From the window of my office I was staring at the wide city of New York. Nakakagaan ng sobra sa tuwing nagmumuni-muni ako rito. And then my silent time was interrupted of a phone call.
 
“Yes? Bakit iniistorbo mo ang tahimik at maganda kong oras ngayon?” pagbibiro kong bungad sa bestfriend ko, si Eero. We're okay now.
 
[“Tsk. Happy Birthday.”]
 
Napatingin ako sa planner ko sa lamesa.
 
“Bukas pa ang birthday ko. Hindi ko nakakalimutan.”
 
Narinig ko ang pagtawa niya.
 
[“Still, advance happy birthday. Baka kasi late na kitang mabati bukas at magtampo ka pa.”]
 
“Sus. Hindi ako matampuhin ‘no.”
 
[“Tss. Umuwi ka na rito para maibigay ko na ‘yong regalo ko.”]
 
I smiled kahit hindi niya nakikita. “You know what… I’m thinking about it.”
 
[“Talaga?!”]
 
“Just kidding,” pagbibiro ko sa kanya
 
[“What ever. I gotta go, duty on call.”]
 
“Yes. Ingat ka, Sir.”
 
Natapos ang pag-uusap namin ni Eero. Sa nakalipas na mga taon nasa Preso Toreros pa rin siya. I adviced him to find a better place where he can still work as a police but he turned me down. Ang sabi niya lang, hindi pwede hangga’t hindi nabubulok sa kulungan ang Zobel na ‘yon. This time he’s pertaining to Ciaran. Bantay-sarado niya raw ang lalaki kaya’t minsan hindi ko rin maiwasang mag-alala para sa kanya. I’ve seen how dangerous Ciaran is. With his crimes, Eero told me that Ciaran has the smallest group in Preso Toreros.
 
I finally got up from my seat and went back to my apartment. Kailangan ko pang asikasuhin ang maletang dadalhin ko mamaya patungo ng Italya. Hindi naman iyon marami dahil tatlong araw lang naman ako roon.
 
 



---

 
The next day, I came in Rome, Italy with two of my workmates in New York. The presentation went smooth and I can tell that they were interested on it. I just can’t wait to hear their final decision on publishing it here.
 
“Let’s grab a coffee?” aya ng isa kong kasama
 
“Yeah, sure,” I agreed
 
Bale dalawa kaming babae at isang lalaki ang magkasamang pumunta rito sa Italya. We all came from the same company in New York.
 
“I looked for their recommendations and it showed here number 1, Time Café.”
 
Napadungaw din ako sa cellphone ni Neil. Tiningnan ko ang location niyon at malapit lang kami.
 
“Maybe we should go for it.”
 
“Yeah, we’re really here.”
 
We walked for 5 minutes straight looking for it and at last, we found it. A cute ring of bell resonated at the café when we got in. Dumiretso lang kami sa counter saka umorder. We also had a slice of cake and we’re asked to find our seats.
 
Sa mesang nahanap namin naghintay kami ng aming order.
 
“I can already tell that this is such a good place. I hope their coffees are good too,” said my Amyrra
 
“I bet it is. I love this place. It’s so peaceful and elegant.” Neil
 
“I agree.”
 
Masaya kaming nag-uusap-usap nina Neil at Amyrra nang dumating ang order namin. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari bigla nalang akong natapunan ng mainit na kape. Napatayo ako sa gulat lalo nang mapaso ako. Mabuti nalang at medyo makapal ang skirt ko
 
“Oh mio dio! Sono così dispaciuto!” [Oh my gosh! I’m so sorry!]
 
I can’t understand what the waitress said but I’m sure she’s saying sorry based on her face.
 
“No, it’s okay.”
 
Ngumiti at nag-thumbs up pa ako para kahit papaano maintindihan niya ako.
 
“Are you okay, Nicelle?” tanong ni Amyrra
 
Pinupunasan ko pa rin iyong skirt ko at bahagi ng legs ko na natapunan. We got some attention because of the glass of coffee that is now on the floor.
 
Sono così dispaciuto! S-Sorry... non lo intendevo.” [I’m so sorry! Sorry… I didn’t mean it.]
 
May dumating pang isa na tila manager nila rito. Agad niya akong nilapitan at humingi rin ng sorry. Pinagalitan niya rin iyong waitress.
 
“Per favor stai più attento la prossima volta! E se le facessi del male?” [Please be more careful next time! What if you hurt her?]
 
She turned to me.
 
“I’m really sorry, ma’am. We’ll be more careful next time.”
 
“It’s okay. I’m not that hurt. Don’t make her feel worse. I understand.” I gave her a reassuring smile
 
“What’s happening here?”
 
But that immediately went down when I saw the face in front of me. Nang dumako ang tingin niya sa’kin halata rin ang pagkagulat sa mukha niya ngunit agad din iyong nabawi.
 
Pinulot niya ang mga basag na baso. Why does he look so good on that apron, loosened tie, and folded sleeve of his polo… just why.
 
Tumayo ulit siya saka nilagay ang mga basag na baso sa tray.
 
“Fix everything from here,” he said to the manager before looking at me who is still dumbfounded. “Come on, titingnan ko ang paso mo.”
 
Wala akong nagawa nang kunin niya ang kamay ko at hilahin ako patungo sa kung saan. Lumilipad ang isip ko. I just can’t believe that I would be seeing him here.
 
“Sit here.”
 
Pinagkabig niya ako ng upuan. Nang makaupo ako bumaba naman siya para tingnan ang paso ko sa aking hita. I was so nervous when his hands landed on the tip of my skirt. I flinched a little from my seat and because of that, his eyes went on me.
 
“Masakit ba?”
 
Oh my gosh! Bakit hindi ako nagsasalita!
 
“Nicelle… I’m asking you.”
 
Oh my gosh! Why is he calling my name!
 
“H-Hindi n-naman gaanong m-masakit.”
 
Akala ko mananatili lang siya roong nakatingin sa’kin. Baka hindi ko na kayanin. Mabuti nalang tumayo siya at naghanap ng first aid kit. Pagkatapos bumaba ulit siya saka nilahiran ng ointment ang mapulang bahagi ng hita ko. Ramdam ko pa rin ang hapdi ng paso pero mabuti nalang hindi ako nalapnos.
 
“N-Naaalala mo pa p-pala a-ako?” nauutal kong tanong
 
Natawa siya. My goodness! Bakit palala nang palala ang kagwapuhan niya.
 
“Silly. Of course I remember you. Sino ba ang makakalimot sa’yo?”
 
Hindi ko alam pero natutuwa ang puso ko sa sinabi niya.
 
“K-Kumusta ka?”
 
He finished putting ointment on my leg. He returned the kit to the cabinet.
 
“I’m doing good.”
 
I’m relieved, pero unti-unting nauubos ang saya ko dahil parang ang lamig niya pa ring makitungo sa’kin.
 
“A-Ano’ng ginagawa mo rito sa Italy?”
 
“Uh, business. This café is mine.”
 
My eyes widened. “Talaga?”
 
“What about you? Akala ko nasa Amerika ka.”
 
“Yeah. I just came here for a presentation. Babalik na rin ako sa susunod na araw.”
 
Tumango-tango siya. Dumako ang tingin niya sa mga kamay ko na nakalapat sa aking palda.
 
“You should change.”
 
“Hindi na, sa apartment nalang.”
 
Saglit siyang umalis, nang bumalik siya isang black leather jacket ang dala niya.
 
“Here, wear this. I’m sorry about what happened a while ago. Baguhan kasi iyong empleyado—
 
“Okay lang.”
 
Tumaas ang kilay niya, marahil dahil sa pagpuputol ko sa sinabi niya.
 
“So… uh… you’re married?”
 
He glanced on my hand and I did the same. I saw the rings that I always wear.
 
“Uh, no. This is just a front to tell them to back off.”
 
Hindi ko alam kung ano’ng nakakatawa sa sinabi ko pero tumatawa siya ngayon.
 
Dang it.
 
“Bakit?” tanong ko
 
Umiling siya. “Let’s go.”
 
“Sandali lang,” pigil ko sa kanya. May gustong-gusto akong itanong sa kanya pero hindi ko alam kung saan sisimulan.
 
Nakatayo na kami pareho at magkaharap.
 
“Bakit?”
 
“B-Bakit parang hindi ka masaya na nakita mo ulit ako?”
 
Hindi siya makasagot sa’kin. Hindi ba talaga siya masaya na makita ulit ako? Napabuntong-hininga siya.
 
“Let’s talk over a coffee. Your hand is freezing cold. Ipagpapaalam lang kita sa mga kasama mo.”
 
“Hindi, ako na.”
 
Lumabas kaming dalawa sa kitchen. Pinuntahan ko sina Neil at Amyrra. Pinauna ko na sila sa apartment na tinutuluyan namin. Ngayon kaming dalawa nalang ni Kaziel sa mesa. Sa pagitan namin ay dalawang tasa ng kape na umuusok pa sa init.
 
“Be careful of your coffee.”
 
“Y-Yeah.”
 
“How have you been?”
 
“Okay naman.”
 
He keep bitting his bottom lip and looking away. Bakit?
 
“Ilang taon ka na rito sa Italy?”
 
“Five years.”
 
Wala pala siyang inaksayang oras nang makalaya siya. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa naging proseso ng kaso niya pati na sa nangyari sa kapatid niya pero ayaw ko nang ungkatin ang nakaraan. Ang mahalaga naman na ngayon ay laya na siya at masaya.
 
“Uh… m-may girlfriend ka na?”
 
Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Although that’s not the question I badly want to ask him.
 
“Wala. Hindi ko rin alam kung handa na siya.”
 
Parang tinapon ‘yong puso ko sa pader at bumagsak sa lupa ng wasak. May hinihintay na pala siya.
 
“Uh… m-magpapakasal na kayo?”
 
“Siguro, kung gusto na niya why not? Gusto ko na rin namang magkapamilya na.”
 
Damn it.
 
Dapat hindi na ako nagtanong. Pasakit nang pasakit ang mga sagot niya.
 
“O-Okay, nasaan ba siya ngayon?”
 
“Nandito rin sa Italy.”
 
Fuck. I have to stop asking. Uminom ako sa kape ko kahit ramdam ko pa na mainit pa ‘yon. I need to wake up!
 
“Careful,” dinig kong sabi niya
 
Pagbaba ko ng baso maluha-luha ang mata ko. Parang nag-iba naman ang hitsura ni Kaziel.
 
“Are you crying?”
 
Umiling ako saka kumuha ng tissue. “Napaso ‘yong dila ko.”
 
Umalis siya sa pagkakaupo saka hinawakan ang baba ko at bahagyang inangat ang aking mukha.
 
“Patingin.”
 
Why is he acting like this? Bigla akong nainis. Tinapik ko ang kamay niya.
 
“Stop doing things like that if your girlfriend is here, o kahit nga wala.”
 
Kumunot ang noo niya. “Nicelle…”
 
“Aalis na ako.”
 
Siguro hindi niya talaga ako mahal kahit noon pa man. I need to get away from here… from him.
 
Pinigilan niya ang braso ko upang hindi ako makaalis.
 
“You're wearing the necklace, saad niya habang nakatingin sa may dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ka,” sabi niya sabay punas sa luha kong tumulo
 
“Nasasaktan kasi ako, Kaziel. Pagkatapos ng limang taon pakiramdam ko hindi mo man lang ako hinanap kahit isang beses. You did not miss me. At ngayon malalaman ko nalang na may tao ka na palang handa mo nang pakasalan. Gusto kong magalit sa’yo pero wala naman akong karapatan dahil wala lang naman sa’yo.”
 
Hindi ko na talaga mapigilan. I need to let it out.
 
Sa halip na damayan ako sa nararamdaman ko he just chuckled while wiping the remains of my tears.
 
“I was referring to you though. Why can’t you pick up?”
 
Bigla akong natigilan.
 
“A-Ano’ng sabi mo?”
 
Instead of answering he gave me a soft kiss.
 
“Ano pa?! Umuwi na tayo ng Pinas!”
 
Nagulat ako at napatingin sa lalaking iyon na si Marlo pala.
 
“Marlo?!”
 
“Ako nga, miss ganda. Galing, ah! Hindi pa rin kumukupas ang ganda.”
 
I was flattered but when I faced Kaziel again my smiled faded.
 
“You break the kiss to see him?”
 
Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya.
 
“Salamat sa pagtupad ng pangako mo.”
 
He hugged me back and kissed the top of my head. “I missed you really bad,” he softly said
 
I closed my eyes as I felt his warmth and addicting scent.

“Na-miss din kita.”
 
With him I feel complete.

 



_________________________________________

THE END

The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon