“Nasaan si Marlo?” tanong ni Kaziel sa mga kasama.
They were exercising at the outyard. Kaziel was doing push-ups while the others started to sit on the grass, panting. Kaziel was topless. His sweating firm back is glistening on the sun’s ray.
“Nasa loob, Heneral. Kahapon pa ‘yon hindi nalabas sa selda nila.”
“Bakit?”
“Hindi rin namin alam.”
“Sino nga pala Heneral ‘yong babaeng nangulit sa’yo kahapon?”
Kaziel stopped on his execise. Tumayo siya. Pinasahan siya ng isang towel. Pinunasan niya ang mga kamay.
“Dapat ko bang sagutin ‘yan?”
“Uh…”
“Tawagin ninyo si Marlo.”
“Opo, Heneral.”
Umalis ang limang lalaki. Nasalubong ng mga ito si Eero. Samantala, muling sinuot ni Kaziel ang damit niya.
“Ano’ng ginawa mo kay Nicelle kahapon?” bungad na tanong ni Eero. Wala itong kasamang ibang pulis
“Wala pa akong ginagawa.”
Eero grabbed Kaziel’s shoulder and made the man face him.
“I’m warning you, Zobel. Don’t lay a hand on Nicelle.”
Tinabig ni Kaziel ang kamay ni Eero na nasa kanyang damit.
“Nakakatawa ka, Guzman.”
“Binalaan na kita. Sa oras na galawin mo siya ako ang makakalaban mo.”
“That’s quite interesting, huh.”
“Mark my words.”
Paalis na sana si Eero nang magsalita si Kaziel.
“Nicelle Morgan, that’s her name. Maybe she can fill up my needs… as a man?” Kaziel smirked dangerously
Hindi nakapagpigil si Eero. Sinuntok niya ito gamit ang nakakuyom at nanggigigil niyang kamao. Dumugo naman ang gilid ng labi ni Kaziel. He spit it on the grass.
Muling dumating ang mga kasama ni Kaziel na nakita ang huling pangyayari.
“Heneral!”
“Huwag mong kalimutan ang kinalalagyan mo ngayon, Zobel. I’m a policeman, you’re a criminal. I have much more power and control of things. Habang ikaw walang magagawa. Maghihintay lang kung kailan bibigyan ng pagkain at maliligo lang kung kailan may tubig. Mananatili kang kaawa-awang kriminal sa loob ng impyernong ito.”
“Boss, araw-araw ‘yan naliligo si Heneral. Kahit kami hindi na, basta siya hindi pwedeng hindi,” sabat ng isang preso
“Hindi kita kinakausap.”
“Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Guzman. Batuta lang naman ang hawak mo.”
Nagtawanan ang mga presong nakapalibot sa kanila.
“Wait until I trap a bullet on your sick head.”
Kaziel’s jaw clenched.
“Umalis ka na habang hindi pa nagdidilim ang paningin ko sa’yo,” malalim ang boses at seryosong banta ni Kaziel
Tumunog ang radyo ni Eero.
[“Proceed to bathing area. Inmate 701 was stabbed. Status: In critical condition.”]
“Papunta na ako.” Nagmamadaling umalis si Eero
“Heneral, hindi naman nakita si Marlo, e. Wala na siya ro’n sa selda nila.”
“Tinanong namin ‘yung mga kasamahan niya, hindi rin daw nila alam.”
Nagdesisyon na lamang si Kaziel na pumasok. Nasa bungad palang siya papasok nang may humarang sa kanyang tatlong preso. Hinihingal ang mga ito.
“Hoy! Umalis kayo riyan sa daanan!”
“H-Heneral…si…s-si Marlo sinaksak.”
Tinabig ni Kaziel ang lalaki saka tumakbo patungo sa paliguan ng mga preso. Nagkukumpulan pa rin ang mga preso roon habang may mga nakaharang na pulis na pinipigilan silang pumasok. Kaziel saw the flooded blood on the floor. Aalis na dapat siya nang matanaw ang isang kumikintab na bagay. Kumunot ang kanyang noo.
He fiercely break the hands that impedes him to go in. He crouched and picked the necklace that was his property. Kaziel enclosed it in his fists.
Kaziel walked out from the scene. Sinundan pa rin siya ng mga kasama. Tinungo niya ang seldang tinutuluyan ni Marlo. He grabbed one of the inmate’s shirt.
“Sino'ng sumaksak sa kanya?”
“H-Hindi namin alam, Heneral. Nandito lang kami sa loob nang mangyari ‘yon.”
“Ang alam lang namin may nag-iinteres sa kanya kaya bihira rin siyang lumabas ng selda. Kanina parang may nakita siya kaya nagmamadali siyang tumakbo palabas. Hindi namin alam kung saan siya pumunta.”
“Sino?”
“A-Ang grupo ni Talak ang alam naming kumukontra sa kanya.”
“Nasaan siya?”
“H-Hindi namin alam. Baka hinila na ng mga pulis.”
Marahas na binitawan ni Kaziel ang lalaki. Lumabas ulit siya sa Zone 5.
“Alamin ninyo kung nasaan ang taong ‘yon.”
Naghiwalay ang mga kasama ni Kaziel upang hanapin ang lalaking tinutukoy ng mga kasamahan ni Marlo. Dumaraan si Kaziel sa isang kumpulan nang marinig ang pag-uusap ng mga ito.
“Ba’t kaya ginawa ni Toro ‘yon?”
“Akala ko sila ni Heneral ang magkakatodasan sa loob ng Zone 5. Hindi ko inasahang si Marlo ang uunahin niya,” tumatawang sabi ng isang lalaki nang higitin ito ni Kaziel sa kumpulan.
“Ano’ng sinabi mo? Sino’ng may gawa no’n kay Marlo?”
“H-Heneral… h-hindi a-ak-o m-makahinga.”
“Hindi ko na uulitin ang tanong ko.”
“S-Si T-T-Toro.”
Patapong binitawan ni Kaziel ang lalaki na ngayo’y ubo nang ubo.
“Nakaalis siya kanina bago pa dumating ang mga pulis. Palagay ko pupunta sila sa lugar kung saan tahimik at walang maghihinala na kasangkot sila.”
A loud whistle made the guys spread out. Then the intercom was turned on.
[“Inuutusan ang lahat na bumalik sa kani-kanilang selda. Ang sinumang matagpuan sa labas sa palugit ng ibinigay na oras ay magkakaroon ng karampatang parusa. Ang oras ninyo’y nagsisimula na ngayon.”]
Kanya-kanyang takbo ang mga preso habang si Kaziel ay nanatili sa kanyang kinatatayuan.
“Ano pa’ng hinihintay mo, Zobel? Gusto mong lumapat ‘tong batuta ko riyan sa likod mo? Ha?!”
“Ba’t hindi mo subukan?”
“Ako na ang bahala sa kanya,” ani Eero sa kasamahan niyang pulis. Nang makaalis iyon bumaling siya sa lalaking si Kaziel na ngayo’y madilim na madilim ang awra. “Bilisan mo, Zobel. Hindi kita sasantuhin ngayon.”
Bumaba ang tingin ni Kaziel sa kinasang baril ni Eero. Mahina siyang tumawa.
“Funny how I’m not moved from any threats you make. Wala na bang mas nakakatakot?”
But the next thing happen…
Eero pulled the trigger of his gun. His bullet grazed on Kaziel’s left arm. Napahawak doon si Kaziel. Nakita niya nalang na umaagos na ang dugo sa kanyang kamay.
“I just don’t make threats. I do them.”
“F-Fuck you.”
Tatlong pulis ang lumapit sa kanila na kapwa nakanganga ang mga bibig.
“Boss, ano’ng nangyari?” tanong ng isa kay Eero
“Ibalik n’yo ‘yan sa lungga niya,” saad ni Eero saka umalis
Meanwhile Kaziel groaned in pain.
“Dalhin muna natin ‘to sa clinic.”
Hindi umalma si Kaziel dahil sa mga oras na ‘yon ay may namumuong plano sa kanyang utak.
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
Ficción General[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)