Sinalubong ni Eero si Nicelle sa labas matapos nitong malaman na wala itong kasama sa umagang iyon para pumasok sa Preso Toreros. Bumaba si Nicelle sa kotse niya saka nginitian ang kaibigan.
“Salamat sa pagsama. Hindi ba kita naaabala?”
“Hindi naman. Dala mo na ba ang mga gamit mo?”
“Hindi pa. Titingnan ko muna ang hinanda ni Chief na tutuluyan namin. Baka kasi alam mo na… hindi ko magustuhan.”
“Akala ko ba handa kana sa mga bagay-bagay dito sa loob?”
“I know but sanitation and my hygiene is also important.”
“Tsk. Arte.”
Nagkuwentuhan lang sila habang tinatahak ang daan papunta sa opisina ng kanilang Chief. The Chief was there when they reached his office.
“Are you ready, Ms. Morgan?”
“Yes, Sir.”
“Here’s your key. Hayaan mong samahan ko kayo at ipakita sa’yo ang silid na tutuluyan ninyo.”
“Salamat po, Sir.”
The Chief led the way. Dahil nasa ikalawang palapag na rin naman sila hindi na masyadong mahaba ang nilakad nila. Nakuha ng malaking pinto ang atensyon ni Nicelle. It was like s lion’s gate but with a closed barrier and glasses on each side.
Tumaas pa ang mga mata ni Nicelle and there she saw the huge door’s label.
‘Zone 5’
“Ano’ng tinitingnan mo?” tanong sa kanya ni Eero nang mapansin siya
“Ah, wala.”
“Nasa ikatlong palapag ang magiging kwarto ninyo. Iyon din ang palapag para sa iba pang kapulisan na namamalagi rito. Hindi masyadong delikado roon. Nandoon din ang kwarto ko.”
“Mabuti naman at puro pulis ang nakapalibot sa’min doon.”
“You can’t trust them all, Nicelle.”
“Alam ko, alam ko. I’m just saying.”
Pagkaakyat ng hagdan lumiko agad sila sa isang kwarto, may katabi rin iyong isa pang silid.
“This will be your room, Ms. Morgan. Sa katabi naman ay para sa dalawang kasama mo.”
Pinagmasdan maigi ni Nicelle ang magiging kwarto niya. Isa lang ang kama roon, may isa ring maliit na drawer at sa itaas ay salamin, sa gilid ay sampayan ng mga damit niya. May kaliitan lang ang kwarto ngunit para sa kanya sapat na iyon basta’t may banyo sa loob.
“Dito naman sa kabila ay para sa mga kasama mo. Pang-apatang tao ito kaya’t medyo malaki sa silid mo, iyon nga lang walang banyo rito,” saad ng Chief
“Opo, salamat Chief. Mamayang hapon kasama ko na sila. Dala na rin namin ang mga gamit.”
“Bago iyon kailangan muna ninyong dumaan sa opisina ko. May mga lilinawin din akong iba pang bagay. Dadaan din sa masusing inspeksyon ang mga gamit ninyo. And the rest, you know the rules, Ms. Morgan.”
“Yes, Chief. I’ve read your terms and conditions. I will abide by the rules.”
Before Nicelle left Preso Toreros Eero asked her again.
“Buo na ba talaga ang desisyon mo? I don’t feel good about this.”
“Bakit naman?”
Napabuntong hininga nalang si Eero. “Pumasok kana sa kotse mo. Ayusin mo na ‘yong mga gamit mo at siguraduhin mong wala kang maiiwang mahalaga. Hindi na kayo pwedeng lumabas pagpasok ninyo mamaya.”
“Yeah, alam ko. Salamat.”
***
Few hours have passed. Hindi pa rin nakakaalis si Nicelle sa apartment niya. She’s overthinking of what can possibly happen inside Preso Toreros while she’s there.
While securing her things on the car she called her friend Alice. Nagpaalam siya rito na aalis na. Pagkatapos ay nagmaneho na siya patungo sa kanilang opisina upang daanan sina Ronald at Tim at para na rin makausap ang kanyang boss.
It all went well not until they reached Preso Toreros. Nicelle parked her car but no one got out except for Ronald. Tumapat si Ronald sa bintana niya.
“Hindi pa po kayo bababa, ma’am?”
“Uh…” she turned to see Tim na parang wala pang balak bumaba sa kotse.
Nicelle got out of the car. She carried few of her things. Ronald brought her one luggage.
“Diretso na po ba tayo, ma’am sa tutuluyan natin?”
“No, dadaan muna tayo sa office ni Chief. He has some matters to discuss.”
“Magpapahatid din tayo, Ms. Morgan sa kwarto natin ‘di ba?”
“Yes, Tim. Stop worrying now, nadadamay ako.”
“Kasi naman!”
Their things went under contraband detection and control. Kasama sa mga ni-surrender na gamit nila ay ang kanilang mga cellphone, earphone, mga alahas ni Nicelle, at pati na ang mga pasiguro nilang gamot ay kinuha rin.
Nicelle’s eyes widened more when she saw some men opening her small bag and dropping all her undergarments.
“Hey, that’s my— personal na mga gamit ko ‘yan ba’t ninyo binubuka nang parang panyo lang?!” she reacted
Sakto namang dumating si Eero.
“That really happens, Nicelle. Walang exception dito. Gusto mo bang ako nalang ang gumawa para—
“Shut up! Eh di mas lalong awkward ‘yon!”
“Tsk. Walang malisya iyon, Nicelle. Ang trabaho ay trabaho.”
“Kahit na, hayaan mo nalang sila.”
“Pa’no nga ho pala, ma’am kung masakit ang ulo, ngipin, o katawan natin? Paano tayo iinom ng gamot, e kinuha nilang lahat.” Ronald
“’Wag kayong mag-alala, may clinic naman dito. Doon nalang kayo pumunta. I will show you later.” Eero
“Salamat ho, Sir.”
“Nga pala, siya si Ronald. Isa pa sa team ko,” pagpapakilala ni Nicelle roon. Ngumiti lang din naman si Eero.
Matapos mainspeksyon ang mga gamit nila nagtuloy naman sila sa opisina ng Chief ng Preso Toreros. Inabutan nila itong abala sa pagpipirma ng kung anong mga papeles.
“Magandang araw po, Chief,” bati ni Nicelle
“Magandang hapon po, Sir.” Ronald
“Aprubado na ho ang mga gamit nila, Chief,” Eero informed
“Mabuti naman. Maupo muna kayo. Nagpahanda ako ng kape para sa inyo.”
“Salamat po.”
“Here are the rules that you must follow while you are here.” The Chief police handed out the papers. “You can’t communicate outside. Kinuha namin ang devices ninyo for that purpose. If you have one prime subject for this research communicate only with that person. Wala kayong pakikialamang ibang preso rito.”
“Yes, Sir pero hindi pa rin maiiwasang maisama sila sa mga videos namin. The only thing I can do is blur their faces.”
“That’s also good. Third, sa permitted area lang kayo allowed pumasok. Others, you can’t go anywhere. We’ll give you beepers, wear it on your wrist. Kapag nasa panganib kayo just beep the station, darating agad ang mga pulis natin.”
Sinuot nina Nicelle iyon. Pabulong-bulong naman na nagpapasalamat si Tim dahil padagdag nang padagdag ang seguridad niya.
“Sa mga paglilibot din ninyo rito ay pasasamahan ko kayo sa mga pulis natin to ensure your safety. And most importantly, and the last one, I forbid any intimate action inside Preso Toreros. Kahit sa mga preso pa ‘yan at kapulisan dito.”
“No such thing will happen, Sir.”
Napangiwi naman si Tim dahil hinding-hindi iyon sumagi sa isip niya.
“Stay in your rooms kung wala naman kayong gagawin. Hindi magandang magpagala-gala rito dahil anumang oras ay may nagaganap na gulo. On the last page of that papers is the schedule of our daily activity. Make your own schedule and submit it to me. I need to know everything that happens which involve you and your team.”
“Yes, Sir.”
Sinamahan ni Eero sina Nicelle na makarating sa kanilang mga silid. Dalawang pulis pa ang umalalay sa likod nila. Agad na nagpasalamat ang mga ito nang makaabot sila.
“Salamat, Eero.”
“Narinig ko kanina, sino’ng main subject mo?”
“S-Si Mr. Zobel.”
Napapikit si Eero. “Are you fucking serious, Nicelle?!”
Kumunot ang noo ni Nicelle. “Did you just—
“Hindi kita minumura, Nicelle kung ‘yan ang iniisip mo. Pero bakit kailangang si Zobel pa?! Can’t you think of someone na hindi delikado?!”
“Ikaw na ang nagsabi na lahat ng nandito ay delikado. What difference would it make?”
“Big difference, Nicelle! He’s the most unsafe person you could ever meet. Zobel has a mental issue, hindi mo ba napanood ang mga balita sa kanya?”
Nicelle gasped. “Eero, I just can’t believe that these things are coming out of your mouth! How can you say that? How can you judge a person just because you heard and watched something about him?!”
“I’m not! I’m telling you facts, Nicelle!”
Lumabas sina Ronald at Tim sa kanilang silid nang makarinig nang mga lumalakas na boses.
“Hayaan mong matapos ako rito, Eero. I’ll show you that not all prisoners are devil criminals just like what you think of them.”
“Are you siding with that, Zobel?”
“Hindi! Ano ka ba?! Why would you think that?”
Eero heaved a sigh. “Fine, don’t shout. Ganito nalang, everytime that you’ll come face-to-face with him for what ever reason request my appearance. Sasamahan ko kayo.”
Sumang-ayon na lamang si Nicelle sa kaibigan. Eero left her room. Napaupo siya sa kama. Sumilip naman sa kanya sina Tim at Ronald.
“Ayos lang po ba kayo, Ms. Morgan?”
Nicelle nodded. “Prepare the camera. Mag-start na tayo sa pag-do-document.”
“Okay po.”
She glanced at her watch and saw that it was already quarter to 4.
“Oh my gosh.” She went to the other room. “Guys, bilisan na ninyo.”
Lumabas si Ronald. “Ms. Morgan, may problema ho yata tayo.”
“What? Ano ‘yon?”
“Kailangan natin ang laptop to transfer and back up our documents. Pwede ba nating makuha ‘yon?”
“I’ll see what I can do. Dito ka muna, magpapasama lang ako kay Tim.”
“Sige po, Ms. Morgan.”
“Tim, halika na.”
Bumalik sila sa opisina ng Chief ngunit wala ito roon.
“Ano’ng gagawin natin, ma’am?”
“Sunduin mo na si Ronald doon. Sabay na kayong bumaba, dito ko nalang kayo hihintayin.”
“Sige po.”
Wala namang reklamo si Tim dahil wala siyang daraanang mga selda paakyat ng ikatlong palapag dahil nasa dulo na rin naman ang opisina ng Chief ng Preso Toreros.
Nakatayo lang si Nicelle malapit sa pinto. Napapatingin sa kanya ang mga pumapasok na pulis doon.
“Excuse me, nasaan ang Chief?”
“Umalis ho ma’am, kani-kanina lang.”
“Ah, sige. Salamat.”
Nicelle walked on the hallway. Pagdating niya sa bukana niyon ay natanaw ulit niya ang malaking French door ng Zone 5. Sa pamamagitan ng salamin niyon ay bahagya niyang nasilip ang loob kung saan mga selda pa ang naroon.
She was so focused not until someone blocked her sight.
“Excuse—
Her eyes widened upon realizing the lean figure blocking her.
“Bawal ang tsismosa rito.”
“Hindi ako tsismosa. Tinitingnan ko lang.”
“Ano’ng ginagawa mo sa opisina ng Chief?”
“W-Wala, may ipapakiusap lang sana.”
“He’s not here.”
“Alam ko.”
“Ms. Mor—
Sabay silang napatingin kay Ronald na may bitbit na camera. Lihim na nagpasalamat si Nicelle.
“Tara na, Ronald.”
Nakahinga si Nicelle nang makaalis sila roon ni Ronald pero nag-alala siya para kay Tim dahil wala pa ito.
“Nasaan si Tim? Bakit hindi mo pa kasama?”
“Magbabanyo raw ho siya, Ms. Morgan.”
Nicelle and Ronald tour around Preso Toreros. They took videos on access corridors, cells, and the exercise yards. Inside Preso Toreros they found out different facilities where prisoners can indulge their selves everyday. Pinuntahan na rin nina Nicelle ang canteen kung saan kumakain ang mga preso at gym.
“Nakuhanan mo ba lahat, Ronald?”
“Yes, Ms. Morgan. Saan po ba ang sunod?”
“Bumalik na muna tayo kay Tim, baka kasi kanina pa niya tayo hinahanap.”
“Sige po.”
They went back to their rooms and they found Tim curled on the bed.
“What happened?” mabilis na paglapit ni Nicelle
“Ma’am, ang sakit po ng tiyan ko. Hindi ko alam kung bakit. May nakain ho siguro akong masama kanina bago tayo umalis o baka o nausog na ako rito.”
“Tsk. Kukuha lang ako ng gamot.” Lumingon siya kay Ronald na bitbit pa ang camera at stand nito. “Ronald, dito ka na muna. Samahan mo muna si Tim.”
Nagmamadaling bumaba si Nicelle. Hinanap niya ang clinic. Dumaan siya sa Zone 5 at umabot sa pangdinig niya ang ingay at kasiyahang nagaganap sa loob. Mas lalo pa siyang nahiwagaan sa likod ng malaking pintong iyon.
Nicelle found the clinic. She was huffing when she get there but paused when someone met her eyes. Lumipat ang tingin niya sa brasong ginagamot ng isang nurse.
“Hi, miss! Ano po ang maitutulong ko?” another guy nurse asked.
“Uh… m-may gamot ba kayo para sa sumasakit ang tiyan?”
Napansin niyang natapos ang panggagamot kay Kaziel.
“Kukuha lang ako,” sagot ng nurse
Nakatayo lang siya malapit kay Kaziel dahil malapit lang naman sa pinto ang inuupuang kama nito.
“Ano’ng nangyari sa sugat mo?”
“Hindi mo kailangang malaman.”
“Nagtatanong lang naman ako.”
“You want to know?”
Hindi sumagot si Nicelle.
“Ilan ba ang kailangan mo, miss?”
“Uh… dalawa lang po.”
“Heto.”
Binuka niya ang kanyang palad at nilagay doon ng nurse ang gamot na hiningi niya.
“Salamat,” muli niyang nilingon si Kaziel. “Gusto sana kitang makausap pero wala akong mahanap na maayos na lugar.
“For what?”
“Malinaw ang usapan natin, gagawin mo ang interview.”
“And before that you must do something. Mali ba ako?”
Kumunot ang noo ni Nicelle. “Kinuha lahat ng communicating devices namin. Bawal din kaming lumabas. How can I still contact her in that case?”
“That’s your problem,” Kaziel said before leaving
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)