CHAPTER 21

237 5 0
                                        

Nicelle is in a dinner gathering with her team and boss, as well as their visitors after her successful presentation. Naunang umalis ang mga bisita nila kaya't silang naiwan sa mesa ay nagkayayaan pang mag-inuman.

"Libre na 'to ni Sir, ah," ani Tim na yakap-yakap ang isang bote ng mamahaling alak

Sinaway siya ni Kris. "Hoy, mahiya ka naman kay Sir." Kris looked at their boss and smiled. "Sir, pwede po isang pulutan pa?" hirit niya

Tumawa ang boss nila saka nagtawag ng waiter.

"Okay, I got you guys."

"Tumigil nga kayong dalawa," Ronald interrupted

"Hay naku. Ikaw na muna ang bahala sa dalawang 'yan Ronald," Nicelle said and got off from her seat

"Sa'n ka pupunta, ma'am?" Jessy

"Restroom lang. Excuse me, Sir."

"Go on."

Iniwan ni Nicelle ang mesa nila saka nagpunta sa banyo. Humarap siya sa salamin nang nakangiti. Kumpara noong mga nakaraang araw ramdam niyang mas masaya ngayon ang puso niya.

After her thing, she returned to their table. Nabundol pa niya ang isang waiter na may dalang tray na walang laman.

"I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin ngunit yumuko lang ang lalaki at umalis na.

Pinagsawalang-bahala niya iyon. Nagpatuloy siya sa kanyang mesa kung saan nagtatawanan ang mga kasamahan niya.

"Guys, I need to go. Maiwan ko na muna kayo."

Tumayo ito at sakto naman ang pagdating ni Nicelle. Muli niyang kinamayan ang babae.

"Mag-iingat ka po, Sir pauwi."

"Yes, I will."

"Bye, Sir!"

"Ingat po, Sir!"

They waved at their boss who's going out.

"Oh, cheers na ulit tayo!" Tim lead their group

Kinuha nila ang kanya-kanyang baso na may lamang wine.

"Cheers!"

"Congratulations, ma'am Nicelle!"

They were all smiling as they drink their full shots.

"Let's go. Magpahinga na tayo. Maghahating-gabi na, o!" Nicelle glanced at her watch

Sumang-ayon naman sa kanya ang mga kasama. Magkakasama silang umakyat sa hotel at nagkahiwa-hiwalay lamang sa kwartong pinasukan.

Pagkapasok palang ni Nicelle sa silid niya nakaramdam na agad siya ng hilo. Napahawak siya sa kanyang ulo. She walked on the fridge and had a glass of cold water. Bumalik siya sa sala at agad na natigilan nang makakita ng isang nakatalikod na pigura. Nakaupo iyon sa couch habang pinaglalaruan ang kutsilyo sa kamay.

"S-Sino ka?" kinakabahan niyang tanong

Tumayo ang lalaki saka humarap sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang matanto kung sino ang nasa harap niya.

"Ciaran Zobel?"

Ngumiti ito ng nakakakilabot. "Hi? I'm very honored that you know me."

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?"

Nanginginig na ang mga kamay ni Nicelle pero sinubukan pa rin niyang kunin ang selpon sa purse niya. Bumaba roon ang tingin ni Ciaran.

"Don't even try. So... how was my brother?" nakangising tanong nito sa kanya

The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon