“Babe it’s not what you think! Let’s talk okay?”
[Then how will you explain the picture? Hindi ako bulag!”]
“Come on babe. Not this time. We’re supposed to celebrate our anniversary, right?”
Mas naging malumanay pa ang boses ni Kaziel upang pakiusapan ang kanyang girlfriend. Narinig niya ang malalim na paghinga nito bago muling sumagot sa kanya.
[“Alright. I’ll see you later.”]
Ngayo’y nakangiti na si Kaziel. “Okay, thanks babe. I love you always, remember that.”
Binaba ni Kaziel ang cellphone niya. Naroon siya sa sala kasama ang kuya na abala rin sa sariling cellphone. Nang bumangon siya para sana’y umalis saka naman ito nagsalita.
“Where are you going this time?” tanong nito sa malalim na boses
Nilingon niya ang kapatid.
“Where I'm heading is not your concern.”
His brother stared at him and then stood. Lumapit ito sa kanya saka dinuro siya sa dibdib.
“Remember who you’re talking to. We’re not a family and I’ll never consider you as one.”
Pagkatapos ay umalis ito. Napailing na lamang si Kaziel. Sa tagal ng pagsasama nila sa iisang bahay magmula pa lamang ng mga bata sila, nasanay na siya sa pag-uugali nito. His older brother Ciaran never accepted him as a family. Hanggang ngayo’y masama ang loob nito sa kanya dahil bunga siya ng pangangabit ng kanilang ama.
Bumalik si Kaziel sa kanyang kwarto saka inihanda ang sarili para sa pinakamasayang araw ng kanyang buhay. He’s meeting his girlfriend to celebrate their 3rd anniversary. Kaya naman hindi dapat masira ang araw niya dahil lamang sa kanyang kuya.
***
At a fine dining hotel and restsurant, Kaziel and his girlfriend had a peaceful dinner. Ngiti ang nakaukit sa kanilang mga labi hanggang sa pagpasok nila sa inihandang kwarto ni Kaziel para sa kanilang dalawa.
“Thanks love. You’re always making my day. I'm sorry kung napagtaasan kita ng boses kanina,” malambing na wika ng kanyang kasintahan habang nakayapos ang mga braso sa leeg niya
Ngumiti naman si Kaziel.
“It's okay. I understand. I love you.”
They shared one passionate kiss before Kaziel felt an excruciating pain on his head. Umiikot ang kanyang paligid.
“Babe, what’s wrong?! Ano’ng nangyayari?”
Paliit nang paliit ang boses ng kasintahan ni Kaziel hanggang sa magdilim ang buong paligid niya, subalit bago iyon isang bagong pigura ang nakita niya.
“Jill—
Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tuluyan siyang bumagsak sa sahig.
***
After 7 hours…
Unti-unting namulat si Kaziel. Maingat siyang bumangon habang hinihilot-hilot ang ulo. Napatingin siya sa kaliwa niyang kamay na nakatukod sa sahig upang alalayan ang sariling bumangon. Naramdaman niyang tila malamig at malapot na likido ang dumidikit sa kanyang kamay kaya naman nang makatayo siya’y agad niyang binuksan ang ilaw.
Ngunit, nanigas ang buong katawan niya nang masilayan ang bumabahang dugo sa sahig. Sinundan niya ang pinagmumulan niyon hanggang sa makita ang kasintahang walang saplot, bali ang leeg, nakalaylay na ang mga kamay, at wala nang buhay.
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)