"First, I need to know why Marlo should get a retrial of his case."
"Siya ang tanungin mo."
Binitawan ni Nicelle ang hawak niyang papel."Alam mo ang hirap mo kausap."
Kaziel sighed."Mamayang tanghali ang balik niya. Tanungin mo siya lahat tungkol sa kaso niya. Do'n mo mahahanap ang sagot. Maliban diyan kailangan ko ring malaman ang pangalan ng abogadong sinasabi mo."
"Para saan?"
"I should know about him. If he's not worth it you better find someone who's capable."
"Ba't ginagawa mo 'to? Hindi mo i-na-acknowledge na kaibigan si Marlo pero ibang klase ang mga demands mo. Kung nasaksak nga siya siguro naman nahiwalay na ng kulungan ang taong may gawa no'n."
"Malabong mangyari 'yon. Kahit sa mga oras na 'to magkasama rin sila sa iisang hospital."
Medyo naguluhan si Nicelle. "Bakit? Ibig sabihin gumanti ang kaibigan mo."
"I don't need to answer that."
Nicelle sighed. "Mahihirapang ilaban sa korte kung lumaban din si Marlo sa suspect niya kahit self-defense pa 'yon. Given their status now, pareho silang preso. Kung wala pang CCTV doon sa pinangyarihan at kung bali-baliktarin din ng witness ang mga nakita nila. Mas mapapahamak lang ang kaibigan mo."
"Kaya kailangan kong malaman kung sino'ng abogado ang tinutukoy mo."
"She... the lawyer I'm referring is a woman and her name is Alice. I will give you her contact and tell her to visit here para personal mo siyang makausap. Hindi rin ako pwedeng tumanggap ng bisita."
Tumayo na si Kaziel. Naroon sila sa pribadong visitation area kung saan sila unang nag-usap.
"Makikipag-cooperate lang ako kapag napalaya ninyo si Marlo. Kung hindi, tapos na rin ang usapan natin."
Biglang napatayo si Nicelle. "You can't do that! Zobel! Bumalik ka rito!"
Tanghali nang makabalik si Marlo sa Preso Toreros. Diniretso ito sa klinika upang maeksamina ang sugat. Sa labas naman nakaabang sina Nicelle. Paglabas ni Marlo sumalubong agad siya. Nagulat pa ito nang makita siya.
"O! Miss ganda! Ano'ng ginagawa mo rito?"
Awkward na ngumiti si Nicelle. "Pwede ba kitang makausap?"
Tiningnan ni Marlo ang dalawang alalay niyang pulis bago bumaling kay Nicelle.
"Tungkol saan?"
"Iyong tayong dalawa lang sana."
Nagdududang napatingin ang dalawang pulis kay Nicelle kaya bigla siyang kinabahan.
"'Wag kayong mag-alala, tungkol pa rin-
"Leave us," biglang pagdating ni Kaziel na siya namang paglisan ng mga pulis na kasama nila
"Heneral!"
Napayakap si Marlo kay Kaziel. Kaziel slightly pushed him.
"Sa visitation area nalang siguro tayo. That's the best place we can talk."
Nicelle led the way. Naririnig pa niya ang pangungulit ni Marlo sa lalaking si Kaziel.
"Boss, sinusundan yata ako ng babaeng 'yan. Hanggang dito ba naman gusto akong kausapin. Nga pala, magkakilala ba kayo?"
"Hindi."
Narating nila ang lugar kung saan pribadong nag-uusap sina Kaziel at Marlo. Paglingon ni Nicelle sa kanyang likod wala na si Kaziel. Dumiretso na siya pagpasok sa kaliwang pinto habang si Marlo naman ay sa kanan. Sabay din silang naupo.
"Tungkol ho saan ang pag-uusapan natin?"
"Hayaan mo munang pormal kong ipakilala ang sarili ko sa'yo pati na ang mga kasama ko. Ako si Nicelle Morgan, at sila naman ang mga kasama ko... si Ronald at Tim. Researchers kami na nanggaling sa PRI at gumagawa kami ngayon ng case study. Si Mr. Zobel ang tutulong sa'min dito."
Bahagyang umangat si Marlo sa upuan niya dahil sa pagkagulat. Iyon naman ang pagkirot ng sugat niyang ikinangiwi niya.
"Si Heneral?! Hindi lang makikipag-usap sa inyo, tutulungan din kayo?! Paano?!"
"Siya ang i-interview-hin namin. Magiging laman din siya ng videos namin."
Napanganga si Marlo. "P-Paano ninyo siya napapayag?"
"Iyan ang pag-uusapan natin. Sa totoo lang, Marlo ikaw ang dahilan. Hindi man niya sabihin pero alam kong kinikilala ka niyang malapit na kaibigan sa kanya."
Napangiti si Marlo sabay hawak sa pisngi niya.
"Si miss ganda naman pinapakilig ako."
"Gusto kong malaman ang tungkol sa kaso mo. Ba't ka napunta rito at napadpad sa Zone 5."
Biglang nawala ang sigla sa mukha ni Marlo. Tumayo ito saka nagsabi...
"Ito ba ang pakay mo sa'kin? Hindi kita matutulungan diyan. Ayaw kong maging parte ng eksperimento mo."
"Teka lang, Marlo!" natigil din ang lalaki sa tangkang pag-alis. "Gusto ko lang malaman dahil mag-re-request ako ng retrial sa kaso mo."
"Retrial? Sino'ng may sabing gusto ko niyan? Maayos na ako rito. Kung sino man ang nagpadala sa'yo-
"Si Mr. Zobel... si Mr. Zobel ang may gusto nito para sa'yo. May kilala akong abogado at alam kong matutulungan ka niya."
Natahimik si Marlo dahil hindi niya maintindihan kung bakit gagawin iyon ni Kaziel sa kanya. Palaging malamig ang turing nito sa kanya kaya hindi naman siya umaasa sa anumang tulong nito.
Nabasag ang katahimikan nang may pumasok sa pinto ni Marlo. It was Kaziel.
"Babalikan ka ni Toro at sigurado akong hindi ka na bubuhayin no'n."
Nicelle, Ronald, and Tim gulped. Pakiwari nila'y simpleng usapan nalang iyon para sa mga taong nasa harap nila.
"N-Nasaan si Toro ngayon?"
"Nasa kapareho mong hospital."
"Ikaw ba ang nagpabalik sa'kin dito?"
Hindi sumagot si Kaziel.
"T-Teka... bakit nasa hospital si Toro?" unti-unting nanlaki ang mga mata ni Marlo. "Huwag mong sabihing-
"Aprubahan mo na ang retrial sa kaso mo para makaalis ka na rito."
"Hindi nga ako nagkamali... naniwala ka nga nang sabihin kong wala akong kinalaman sa pagkamatay ng buong pamilya ko. Ikaw ang pinakaunang taong naniwala sa'kin. Hindi kita iiwan dito, Heneral."
"Hindi kita kailangan, Marlo," sagot ni Kaziel saka lumingon kay Nicelle. Then he left.
Walang buhay na napabalik si Marlo sa upuan niya.
"May mga tao talagang gano'n magpakita ng pagmamahal nila. Hindi nila direktang sasabihin at ipaparamdam sa'yo pero sa huli ma-re-realize mo pa rin na para sa'yo 'yong ginawa nila. Kaya huwag ka nang malungkot diyan."
"Nawala ang buong pamilya ko nang sabay-sabay. Nauna na akong nakatulog sa kanila dahil sa sobrang kalasingan. Hindi ko alam kung anong oras sila tumabi sa'kin dahil sa sahig lang naman kami natutulog. Malalim ang gabi nang magising ako dahil nararamdaman ko ang sobrang init sa paligid at hindi rin ako makahinga. Iyon pala ay malaking sunog na. Sobra ang kaba at takot ko dahil hindi ko makita ang asawa at tatlong anak ko. Pwera nalang nang mahulog ang ibang parte nang kisame namin. Doon ako napatingala at nakita silang apat, nakahanay at nakabitay."
Natigil si Marlo sa pagkukwento habang napayuko sa mesa.
"O-Okay lang kung hindi mo muna sabihin lahat-
"Nang mga oras na 'yon hindi ko alam kung ano'ng uunahin ko. Ililigtas ko ba ang sarili ko o sila. Paano ko ba sila maibababa sa kumakapal na apoy na 'yon. Puno ng luha ang mga mata ko nang lumabas ako sa bahay naming tinutupok na ng apoy. Walang makatulong sa'min dahil may kalayuan ang bahay namin sa iba. A-Akala ng lahat ako ang pumatay sa pamilya ko." He started to cry. "H-Hindi k-ko naman 'yon magagawa dahil mahal na mahal ko sila. Ginamit nila 'yong pagkalasing ko at pagiging bayolente ko raw na ama. H-Hindi nila alam dinidisplina ko lang naman ang mga anak ko. Hindi ko sila binubugbog. Hindi ako ganoong tao."
"Sino'ng nagsampa ng kaso laban sa'yo?"
"Ang pamilya ng asawa ko. May kaya sila sa buhay at ayaw nila sa'kin dahil hindi ko raw mabibigyan ng magandang kinabukasan ang asawa ko pati na magiging anak namin. Pinaglaban ako ng asawa ko. Nagsama kami at nagkaroon pa ng tatlong anak. Masaya naman ang buhay namin kaya hindi ko alam kung ba't humantong sa gano'n."
"Bukas sigurado akong pupunta na iyong kaibigan kong abogada. Sabihin mo sa kanya lahat pati ang pinaghihinalaan mong suspek. Pagkatapos pirmahan mo ang mga papel na ibibigay niya sa'yo para sa retrial ng kaso mo. Kapag okay na, iaakyat 'yon sa taas para buksan ulit ang kaso. Kapag naaprubahan nila papasok ka ulit ng korte at tutuloy ang kaso para ipawalang-sala ka."
"Ano na'ng mangyayari sa'kin kapag napatunayang hindi ako ang may sala?"
Ngumiti si Nicelle sapat na upang pagaanin ang loob ni Marlo. "Makakalaya ka na sa Preso Toreros. Mamumuhay kana ulit ng normal."
"Paano si Heneral? Wala rin siyang sala-
Kaziel entered the zone again. "Pwede na kayong umalis," he said to Nicelle
Pabagsak na nilatag ni Nicelle ang isang folder doon sa mesa nila.
"Here's your interview questions. Pag-aralan mong mabuti 'yan." Then she left with her team
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
Ficción General[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...