CHAPTER 19

183 5 0
                                        

“Bakit hinayaan mong makarating sa mga tao ang tungkol sa nangyari kay Kaziel?! You’re ruining our family again!” sigaw ni Ciaran sa ama
 
“Huwag mo akong sigawan, Ciaran! Since when did you become concern to our family?”
 
Ciaran walked to his father and talked in his gritted teeth. “Simula nang lokohin mo si mommy dahil sa pangangabit mo. Don’t fucking forget that. Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ‘to.”
 
“At ako rin ba ang dahilan kung bakit naging mamamatay tao ka?!” humihingal na tanong ng matanda
 
Saglit na natigilan si Ciaran ngunit nabawi rin nito saka humalakhak.
 
“Narinig mo nga kami kanina,” umiiling-iling niyang sabi. “Hay! Ang aga pa para mabuko.”
 
Nanginginig ang mga kamay ng matanda nang subukan siyang kwelyuhan nito. Subalit mahahalata sa mga kamay nito na walang sapat na lakas.
 
“Napakalaki ng naging pagkakamali ko. Ikaw dapat ang nasa kalagayan ngayon ni Kaziel! How could you trick me all this time!”
 
Ciaran pushed the old man. Bumangga ang likod nito sa dulo ng mesa kaya’t hindi agad nakatayo ang matanda. He was groaning in pain.
 
“Hindi ko kasalanan kung bakit tanga ka. I did it for my mother. Tama lang iyan sa inyo at sa panglolokong ginawa ninyo sa amin.”
 
“P-Pero bakit kailangang idamay mo ang kapatid mo? W-Wala siyang alam… w-wala siyang k-kasalanan. H-Hindi niya kasalanang nabuhay siya sa mundong ‘to at s-sa p-pamilyang ‘to.”
 
“Hindi ko siya kapatid.” Nagngingitngit sa galit si Ciaran
 
“C-Ciaran… anak…”
 
Sinusubukan ng matandang itaas ang kamay niya ngunit nanghihina ito. Bakas na bakas ang galit sa mukha ni Ciaran. Lumapit siya sa kanyang ama saka tinadyakan ito habang paulit-ulit na sinasabing hindi niya kapatid si Kaziel.
 
“Mamatay ka na! Hindi ko siya kapatid! Hindi! Hindi! Hindi!”
 
Huminga ng malalim si Ciaran sa kanyang pagtigil. Nang makita niya, duguan na ang kanyang ama habang nakahandusay sa sahig.
 
“D-Dad… f-fuck.”
 
Inilibot ni Ciaran ang kanyang paningin sa bahay. Nang mapansing walang tao dali-dali siyang tumakbo palabas ng. Dumiretso siya sa sasakyan saka humarurot ng takbo.
 



 
***

“How are you feeling, Mr. Zobel?” tanong ng doktor na nag-aasikaso ng sugat niya
 
“Better than the usual, I guess.”
 
Binaba niya ang T-Shirt matapos ang panggagamot nito. Tinanggal na rin niya ang kanyang swero.
 
“Mabuti naman at hindi gaanong mahigpit ang mga pulis na nagbabantay sa’yo,” saad ng doktor nang mapansing walang posas ang mga kamay niya at katulad ng iba’y nakagapos sa kama.
 
“Babalik na ako ng kulungan bukas. Hindi n’yo na kailangang matakot.”
 
“Don’t get me wrong—
 
“Pwede ka nang umalis kung wala ka nang kailangan.” He walked near the window to sight the whole city again. Napabuntong-hininga siya nang makaalis ang mga tao sa loob ng kanyang silid.
 
Kaziel was having a peaceful time when someone barged in the door. He turned to see who came and it was Nicelle in her pale face.
 
“Bakit?” he asked without any emotion
 
“N-Nakita mo na ang balita?”
 
Tumaas ang kilay ni Kaziel. Binuksan ni Nicelle ang telebisyon para sa kanya. Lumipat ang tingin niya roon sa balita.
 
“Duguan at patay na nang maabutan ang dating Major General na si Philip Zobel sa kanilang mansyon. Ayon sa witness, ang suspek ay walang iba kun’di ang panganay nitong anak na si Ciaran Angelo Zobel, isang tanyag na negosyante sa Pilipinas. Iprinesenta na rin sa kapulisan ang ebidensyang nakuha ng witness. Sumasailalim na rin sa proseso ang kaso at kasalukuyan nang pinaghahanap ang suspek.”
 
Bakas na bakas ang namumuong tensyon sa katawan ni Kaziel. Ang mga ugat niya sa kamay ay nagsilabasan dahil sa tindi nang pagkakakuyom nito.
 
“Kaziel…”
 
Hinarangan ni Nicelle ang lalaki nang magtangka itong umalis.
 
“Bitawan mo ako, Nicelle.”
 
“Bakit? Ano’ng gagawin mo? Lalabas at hahanapin ang kapatid mo? Ipaghihiganti ang nanay at tatay mo?!”
 
“Oo! ‘Yon lang ang dapat gawin!” sigaw ni Kaziel. Namumula na rin ang mga mata niya.
 
“Mali, Kaziel… mali. Your family is facing criticisms again because of what happened. Huwag mo sanang patutunayan sa kanila na totoo ang mga sinasabi nila. Prove them wrong! Hindi ka masamang tao.”
 
Napasabunot nalang si Kaziel sa buhok niya saka tinulikuran si Nicelle.
 
“Matagal na akong walang pakialam sa mga sinasabi nila. Hindi titigil si Ciaran hangga’t nakikita niya ako.” Lumapit siya kay Nicelle at hinawakan ang magkabilang balikat nito. “Kaya kung hindi ako, dapat siya ang mawala nang sa gano’n pareho kaming manahimik.”
 
Nilampasan niya si Nicelle ngunit natigil sa sinabi nito.
 
“Hindi ka rin diyan makakalabas.”
 
Hinarap ulit niya ang babae.
 
“Sa tingin mo ba mapipigilan nila ako?”
 
Dumiretso ulit si Kaziel palabas ngunit pagbukas niya ng pinto bumungad sa kanya si Eero. Tinulak siya nito pabalik sa loob. Sinara ulit ni Eero ang pinto ngunit agad siyang sinugod ni Kaziel saka kinuwelyuhan.
 
“You’ve got the very wrong time to show up. Baka ngayon ko na mapatunayan sa’yong kaya kong pumatay ng tao.”
 
“Kaziel! Tumigil ka na!” Nicelle shouted
 
“I came here because of your father…” dumako ang titig ni Eero kay Nicelle bago bumalik kay Kaziel. “And her.”
 
Unti-unting napabitaw si Kaziel sa lalaki. Pumagitna naman si Nicelle sa kanila. Nakaharap siya kay Kaziel at sinampal niya ito ng malakas.
 
“Wake up, Zobel! Stop being so impulsive! Mas lalo mo lang sinisira ang buhay mo! Akala mo ba ikaw lang ang may pinagdaraanang gan’yan? Paano ‘yong mga nakasama mo sa loob ng kulungan? Akala mo ba puro lang sila patawa-tawa sa harap mo? Ang tanga mo!” humihingal si Nicelle pakatapos ng mga sigaw niya. Her voice cracked. “I’ve been through the worse, too, Kaziel. Si Eero…” turo niya sa kaibigang nasa likod niya. “He’s heartless? Yes, maybe he can be rude sometimes pero katulad mo may pinagdaraanan din siya. May pinaglalaban din siya sa buhay at may rason kung bakit hindi rin siya makaalis sa impyernong ‘yon!”
 
Mabilis ang paghinga ni Kaziel dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ng puso niya ngayon.

“Magkaiba pa rin tayo ng nararamdaman, Nicelle. Pare-pareho man tayong nahihirapan pero magkakaiba ang sukat ng sakit na nararamdaman mo sa nararamdaman ko.”
 
“Alam ko. Kaya nga pinipigilan na kita kasi ayaw ko nang palalain ‘yang nararamdaman at nararanasan mo. Please… kahit man lang sa taong nagmamalasakit sa’yo magpakita ka man lang na gusto mo nang magbago at nang maayos na buhay.”
 
Nagkaroon ng mahabang katahimikan sa loob ng kwarto nila. Ilang sandali lang ay nagsalita si Eero.
 
“May dumating kagabi na abogado sa Preso Toreros. Sabi niya ipinadala siya ng Major General para sa kaso mo. Gusto ng tatay mo na buksan ulit ang kasong kinasangkutan mo noon sa girlfriend mo.”
 
Nanlalaki ang mga matang napatingin si Nicelle kay Kaziel.
 
“Kasama ko ngayon ang abogado mo. If you can present new and strong evidences that it was not your crime, there’s a huge possibility that your sentence will be reduced and best… you’ll get out of Preso Toreros.”
 
Bigla nalang gumaan ang puso ni Nicelle ngunit hindi niya lubusang maipakita dahil sa namuo ring tensyon kanina.
 
“T-This is it, Kaziel.”
 
Eero glance at his best friend. Nang makita niya kung gaano kasaya ang mga mata nito umiwas agad siya ng tingin. Pinagpatuloy niya ang pagsasalita.
 
“Tungkol naman sa kapatid mo, hinahanap na siya ng kapulisan. He’s on the Wanted List now and his company is close while the investigation runs.”
 
The door opened and it revealed a man in his suit and case.
 
“Good evening, gentlemen.”
 
“He’s the lawyer,” dagdag pa ni Eero. “Aalis na ako.” Tiningnan niya si Nicelle
 
“Susunod ako,” ani Nicelle
 
Eero left the room. Meanwhile the lawyer got a call from his phone and excused his self. Natira nalang ulit si Nicelle at Kaziel sa silid na iyon. Hindi maiwasan ni Nicelle na maging emosyonal.
 
“Finally… sana tanggapin mo ang retrial na ‘to. You don’t know how happy I am.”
 
Then she embraced him. Pigil na pigil naman si Kaziel na yakapin ang babae pabalik.
 
“I can’t promise anything.”
 
Nicelle faced the man again. “I know in your heart, you also want to be free. Tomorrow is our last chance to see each other. Bukas na ang presentation ko pero alam kong hindi ka makakapunta kaya dito ko nalang din sasabihin.” She held his hand. “I don’t know if our paths will cross again but I want you to know that I really liked and love you for who you are. Kung nakakagulat sa’yo gano’n din sa’kin. Kung ayaw mong maniwala hindi kita masisisi.”
 
“Bakit ngayon ka lang nagpakita sa’kin? Bakit ngayon ka lang lumabas? Siguro noon, kung mas maaga, baka masuklian ko rin lahat ng nararamdaman mo ng walang guilt dito.” Kaziel pointed his chest

Nicelle wiped the tears on her face. “Everything comes at the right time. All things happen for a reason. Lahat ng pinagdaanan mo may leksyon sa buhay mo ngayon and that’s what I wanted you to appreciate.”
 
Long silence hailed again. Until Kaziel leaned to reach her face and give her a deep kiss. Both of his hands are on the sides of her face.
 
After their long, passionate, and might… their farewell kiss, their eyes met again.
 
“And maybe one day if we meet again, I would still be allowed to love you. But I’m not stopping you if you’ll love somebody else. Just make sure that he’s better than me.”
 
Mahinang tumawa si Kaziel. Nicelle did nothing but embrace his waist again and this time, he returned the same amount of warmth.

The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon