“Here’s your laptop, Ms. Morgan. I hope you had a wonderful time inside Preso Toreros. Sana marami ang nakasalamuha mong preso na nagbigay-aral sa’yo. I look forward on the success of your study.”
Nakipag-kamay si Nicelle sa Chief. “Salamat po, Chief. Despite all, I can still say that we had a good stay here. I can’t wait to be back and bring you the good news,” Nicelle smiled
Lumabas sila sa opisina nito. Bitbit na ulit nila ang kanilang mga gamit upang lisanin ang Preso Toreros. Alalay sila ng dalawang pulis sa kanilang paglalakad palabas. Sinamahan sila nito sa contraband section upang bawiin ang mga gamit nilang inimbargo sa kanilang unang pagpasok.
“Salamat naman at makakahawak na ulit ako ng cell phone.” Tim
Hindi naman mapakali si Nicelle. Lingon siya nang lingon sa likod sa pagbabakasakaling lumabas si Kaziel pero pagkabigo lamang ang kanyang natamo. Sa halip, si Marlo ang dumating sa harap niya.
“Mabuti naman at nahabol ko pa kayo,” Marlo extended his hand for a handshake. “Salamat po, miss ganda— ma’am Nicelle po pala, sa pagtutulong ninyo sa kaso ko. Hayaan mo, ma’am ako na ang bahala kay Heneral na ikumbinsing mag-retrial case rin siya.”
“Salamat, Marlo. Nasaan ba siya? Hindi ba siya lalabas?” Tumingin si Nicelle sa loob sa pinanggalingan ni Marlo
Napakamot si Marlo sa kanyang ulo. “Eh… hindi po, ma’am e. Nandoon natutulog sa selda niya.”
Napatango nalang si Nicelle. “Okay, sige. Salamat. Pasabi nalang sa kanya na umalis na kami. “
“Yes, ma’am! Ako na ang bahala.”
“Sige.”
Tuluyan ngang nakalabas si Nicelle sa building. Dumako siya sa kanilang sasakyan kung saan naghihintay ang dalawa niyang kasama. Ipinasok na rin niya ang ilang gamit na dala.
“Tara na.”
They all ride the car. Nabawi na rin nila ang kanilang ID. Finally, the gate opened for them to leave. Bigla siyang natigilan nang makita ang pulis na tumutulong upang pagbuksan sila ng malaking gate.
“Sandali lang, Ronald,” pigil niya sa kasamang nagmamaneho
Bumaba si Nicelle sa sasakyan. Nilapitan niya ang kaibigang si Eero.
“Eero… nag-request nga pala ako kanina sa canteen kung pwede akong tumulong sa pagluluto at pinayagan nila ako. Doon ka kumain mamaya, niluto ko ang paborito mong sisig.”
Wala pa ring emosyon ang mukha ng lalaki.
“Sige na… umalis na kayo bago pa bumuhos ang malakas na ulan.”
Makulimlim nga ang kalangitan at nagbabadya ito ng malakas na pag-ulan. Hindi pinansin ni Nicelle ang sinabi ng best friend niya, bagkus niyakap niya ito at umiyak.
“Sorry na, Eero. Kahit ano’ng mangyari kaibigan pa rin kita. Mag-iingat ka palagi rito.”
Nagharap sina Eero at Nicelle saka nagsalita ang lalaki.
“Mag-iingat kayo pauwi,” maikling sabi nito saka pumasok na sa loob. He ordered others to close the gate.
Nicelle wiped the tears falling out on her face. She moved to their car and went out.
On the other hand… two figures are standing behind the window of Preso Toreros, watching Nicelle leave the place.
“Bakit kasi hindi ka lumabas kanina? ‘Yan tuloy hanggang tingin ka nalang ngayon. Siya nayakap ikaw hindi.”
***
“Welcome back!”
“Oh my gosh! Salamat naman buo pa kayo!”
Jessy and Kris surprised the three of them when they got back at the office. Inabutan nga sila ng malakas na ulan sa daan ngunit mabuti na lamang at malapit na sila niyon sa kanilang opisina.
Napatingin si Nicelle sa relo niya.
“You can all go home for now para naman makapagpahinga kayo lalo na kayo Tim at Ronald. Salamat sa inyong dalawa. I know it wasn’t easy but thanks for helping me out.”
“Wala lang iyon, ma’am.” Tim
“Salamat din po, Ms. Morgan. Panigurado akong maganda ang kalalabasan ng lahat ng paghihirap ninyo.”
Nicelle just smiled.
Mag-isa na lamang siya ngayon sa kanyang opisina nang madesisyunang buksan ang malaking TV. Naghanap siya ng mga dokumentaryo at iba pang mga balita patungkol sa pamilya ni Kaziel. Pinanood niya ang mga iyon at dala ng pagod ay nakatulog siya sa couch sa kanyang opisina.
It was already in the evening when she woke up. The TV was still on. Bumangon siya saka pinatay iyon. She took her bag and suit from her table. Nicelle went down on the parking lot where her car was parked. Subalit pagdating palang niya sa pintuan sinalubong ulit siya ng bugabog ng ulan.
“Shoot, I forgot my umbrella.”
Pinakiramdaman niya ang ulan. Tanaw din naman niya ang sasakyan mula sa kanyang kinatatayuan. Kaya naman isinuklob niya ang bag sa ulo saka tumakbo papunta sa kotse niya. Nasa gitna siya ng kalsada nang makaramdam siya ng tao sa gilid at payong na pumigil sa kanyang mabasa.
A man in his suit appeared in front of her.
“S-Sino ka?”
Hindi sumagot ang lalaki hanggang sa dumating ang isang kotse. May lumabas pa ritong isang lalaki na binuka rin ang payong. May pinagbuksan itong tao sa passenger’s seat.
Hindi agad maaninag ni Nicelle kung sino ang iyon dahil sa malakas na ulan. Nakita niya lang ng malinaw ang mukha ng taong iyon nang makalapit sa kanya sa dalawang metro ang pagitan. She can’t say a word after seeing Kaziel’s father.
“Pwede ba kitang makausap?” tanong sa kanya ng matanda
“Tungkol ho saan?”
“About my son.”
Kaba ang pumanhik sa dibdib ni Nicelle.
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)