CHAPTER 18

180 5 0
                                        

“Nababaliktad ang mesa, Ciaran,” makahulugang sabi ni Kaziel. “Magsisimula pa lang ako.”
 
Katahimikan ang namagitan kina Ciaran at Kaziel nang bumukas ulit ang pinto. Ngumiti naman agad si Ciaran habang sinasalubong ang matanda.
 
“Hey, dad. Glad you’re here. Kaziel is in good condition now.”
 
Tumango-tango ito. “Okay, but I thought you’re in a business meeting.”
 
“Paalis na rin ako, Dad. I just cancelled it for half an hour.”
 
“Sige, mag-iingat ka pabalik mo.”
 
“Yes, Dad.” Tiningnan ni Ciaran si Kaziel. Bahagya siyang yumuko para mas malapitan si Kaziel na nakahiga sa hospital bed. “Pwede ka na ring magpaalam sa kanya. Malay mo ngayon na ang huli ninyong pagkikita.” He whispered
 
Gugom na gugom ang mga kamay ni Kaziel sa ilalim ng kumot niya. Ni hindi niya tiningnan ang kapatid hanggang sa makaalis ito. Humugot siya ng hininga bago nagsalita. Tanging silang mag-ama na lamang ang natira roon.
 
“The least you can do for me is make him pay.”
 
He looked at his father who’s utterly shocked about what he accidentally heard.
 
“I-I...”

“Narinig mo ang pag-amin niya. I hope you don’t make Ciaran worse.”
 
Sa pananahimik ng kanyang ama hikbi na pala ang mga sumunod dito.
 
“H-He killed her. Ciaran killed your m-mother.”
 
Umiwas ng tingin si Kaziel. He made a straight face towards the ceiling.
 
“It’s too late to mourn. It’s not like we’re a family.”
 
Patuloy ang pagluha ng matanda.
 
“No one knew about this but I loved your mother. We were tied from different worlds. Hindi namin maipaglaban ang bawat isa. When she met her husband I decided to marry someone else. But love don’t fall out that easy, that’s why you’re here.”
 
“And I wish I didn’t.”
 
“Even though, we stayed friends. Gustong-gusto niyang magkaanak pero hindi sila makabuo dahil baog ang asawa niya. I wanted to comfort her but I went overboard. Nabuo ka namin pero hindi pa rin siya pwedeng maging masaya dahil alam niya ang kalagayan ng kanyang asawa. Habang nagbubuntis siya sa’yo, pinalabas niya sa asawa niyang magbabakasyon lang siya sa ibang bansa. I visited her a few times and we were so happy. Pero nahuli kami ng asawa ko, ang nanay ni Ciaran. Nagmakaawa ako sa kanyang huwag ipaalam kahit kanino ang tungkol sa amin ng mama mo dahil ayaw ko siyang masira. I begged her.”
 
“That’s quite a love story.” Kaziel subtly remarked
 
“Nag-usap kami ng mama mo na hindi mawawala ang komunikasyon namin alang-alang sa’yo pero nang maipanganak ka niya binigay ka niya sa’kin. My wife accepted you kapalit ng pananatili ko sa tabi niya. Your mother stopped communicating to me. We lost connection. Binigay ka lang niya sa’kin. I was so mad. Everytime I see you, I’m reminded of her and her promises… our times together.”
 
Tumulo ang luha ni Kaziel.

“Big bullshit. Hindi ko kailangan ng nakakaawa mong rason. Hindi mo na mababawi lahat ng iniwan ninyong ala-ala sa’kin.”
 
“A-Alam ko, K-Kaziel. Gusto ko lang humingi ng tawad.”
 
“Hindi na kailangan. Katulad ng sinabi ko kanina ang kailangan ko lang gawin mo ay pagbayarin si Ciaran sa lahat ng ginawa niya.” Nilingon ni Kaziel ang ama. “Alam kong narinig mo kanina habang nasa pinto ka. Kung pagtatakpan mo pa rin ang anak mo—
 
“Ano ang kailangan kong gawin?”
 
Kaziel looked away and took a deep breath again. “I want a retrial on my case. Buksan ulit ninyo ang kaso ko. But for now… I want the people to know that I’m here.”
 
“Sige. Marami akong kilalang magagaling na abogado. Ipapakilala ko sila sa’yo.”
 
Pinagharian ulit sila ng katahimikan. Nang tingnan ni Kaziel ang ama papalapit ito sa kanya.
 
“Bakit?” tanong niya
 
“Nakasalubong ko kanina si Ms. Morgan. Galing ba siya rito?” Kinuha nito ang panyo na nasa bulsa ng kanyang pantalon saka iniabot kay Kaziel. “Nahulog niya ito kanina.”
 
Kinuha naman iyon ni Kaziel. Tiningnan niya lang iyon sa kanyang palad at kitang-kita niya ang nakaukit niyang pangalan doon.
 
“It’s a beautiful cursive writing of your name. You seemed special to her.”
 
Kaziel hid his hand. “Kailangan ko nang magpahinga.”
 
The old man nodded and smiled bitterly. Before going off he leaned to kiss Kaziel’s forehead.
 
“Alam ko huli na pero patawad pa rin sa lahat ng naidulot ko sa’yo.”
 
Hindi kumibo si Kaziel dahil sa nagbabadya niyang emosyon. Nang malapit na ang kanyang ama sa pinto bumoses siya.
 
“M-Mag-iingat ka.”
 
Ngumiti lang ang matanda saka lumisan.
 



The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon