CHAPTER 9

98 5 0
                                    

“Ma’am, ilang araw na tayong nandito pero wala pa rin tayong nakukuhang matinong interview sa Zobel na ‘yon!” reklamo ni Tim
 
“Umagang-umaga, Tim ‘wag ka ngang magsisisigaw diyan.”
 
“Kasi naman! Kahit gwapo ang Zobel na ‘yan matatadyakan ko talaga ‘yan.”
 
Naglalakad silang tatlo upang tunguhin ang exercise yard. Naroon si Kaziel at iyon din ang sunod nilang kasunduan. It was 6 in the morning at minadali talaga nila ang pag-aagahan dahil gusto nilang abutan ang mga nag-eehersisyo sa labas, kabilang na roon si Kaziel.
 
Nicelle was reviewing the questions while walking. Lumiwanag nalang ang paligid niya. Pag-angat niya ng tingin ay naroon na pala sila sa labas. She was smiling at the sun when a T-shirt was thrown at her face. Basa rin iyon sa pawis.
 
Nag-ingay ang mga preso roon na nagkakabiruan habang si Nicelle ay hindi maipinta ang mukha.
 
“Sino ‘yon?!” she shouted in annoyance
 
Pinipigilan naman siya ni Tim pero lumapit pa rin siya sa grupong nagkakatuwaan.
 
“Oh, sabi sa inyo, e. Mas maganda siya sa malapitan.”
 
Nag-apir pa ang mga ito sa harap niya.
 
“Hindi n’yo ba  alam na nakakabastos kayo ng tao?” Nicelle
 
“Oh? Bastos ba ‘yon?”
 
Sasagot pa sana si Nicelle nang may dumating na mga lalaki.
 
“Miss ganda, pinapatawag po kayo ni Heneral. Naiinip na raw siya.”
 
Umalis ang mga taong nang-inis kay Nicelle na masama ang tingin sa panibagong grupong dumating.
 
“Nasaan ba siya?” Ronald
 
“Nando’n.”
 
Pumihit sila sa direksyon na itinuro ng lalaki. There, they saw Kaziel doing push-ups at the top of the bench with sun rays hitting his firm back.
 
“Saan ako pwedeng mag hilamos?”
 
“Doon, miss ganda sa gilid mayroong gripo ro’n.”
 
“Salamat, susunod nalang ako.”
 
Nicelle washed her face but her mind flashes what she saw early in the morning. She slightly slapped her face when someone got beside her and opened another faucet.
 
Saglit na binabad ni Kaziel ang mukha sa tubig na nakasalok sa kanyang mga palad. Nang matapos lumingon siya sa katabi. Nicelle’s face was full of droplets of water.
 
“Y-Yung braso mo… dumudugo.”
 
Napatingin si Kaziel sa kanyang sugat. Agad niya iyong pinadaanan ng tubig sa gripo.
 
“A-Ano’ng nangyari riyan?”
 
“Binaril.”
 
Nicelle was shocked. “Binaril? Nino?”
 
“You don’t need to know.”
 
Napansin ni Nicelle na hindi pa rin iyon tumitigil sa pagdurugo kaya kinuha niya ang panyo sa kanyang bulsa. Pamunas niya sana iyon sa kanyang mukha pero ibinigay nalang niya kay Kaziel.
 
“Heto, ipulupot mo muna riyan.”
 
Kaziel took it but he can hardly tie them. Nicelle did instead.
 
“You should not force your arm to do work. Sariwa pa ang sugat mo. Dudugo at dudugo iyan.”
 
“Magsimula na tayo.”
 
Nauna sa kanyang umalis si Kaziel. Habang nakatalikod ito at naglalakad palayo saka naman siya nagsalita.
 
“Hindi man lang nagpasalamat. Tsk. Pa’no na ‘tong mukha ko ngayon.”
 
Tukoy niya sa mukhang basa pa dahil sa paghihilamos.




-----


“Pwede bang ipakilala mo ang sarili mo sa kanila?”
 
Tim was on a stand-by for their video while Ronald roams around to document the surroundings and other jailed persons.

“I’m Kaziel.”
 
Nanahimik lang si Nicelle sa pag-aakalang may kasunod pa iyon pero wala na siyang narinig.
 
“Pwede dagdagan mo pa? Your age? Family?”
 
“That’s fucking awkward.”
 
“Kailangan ‘yon, Mr. Zobel.”
 
“Ano, magtatalo na naman ba kayong dalawa?” nawawalang pasensya na singit sa kanila ni Tim
 
Bumaling ang atensyon ni Kaziel at Nicelle sa harap nila. Parang nabigla din si Tim sa sinabi niya. Umiwas ito ng tingin saka yumuko.
 
“Sige na,” ani Nicelle
 
Kaziel sighed. “I’m Kaziel Angelo Zobel. I’m 29. I don’t have a family now.”
 
“Ilang taon ka nang nakakulong rito, Mr. Zobel?”
 
“I was jailed for 2 years and incarcerated here onwards… 7 years na.”
 
“Ibig sabihin nakulong ka 22 years old ka palang, tama ba?”
 
Kaziel nodded.
 
“Paano ka nag-adapt sa mga pagbabago rito kumpara sa unang dalawang taon mong pagkakakulong?”
 
“Sa una mahirap pero kailangan kong mabuhay. Nakipagsabayan ako… nagpalakas para hindi kalabanin o apihin.”
 
“May mga panahon ba na nasasangkot ka sa gulo?”
 
“Oo, hindi iyon maiiwasan dito.”
 
“Kapag may natatamo kang mga sugat, ginagamot ka ba rito at iba pang mga kasama mo?”
 
“May pagkakataon na hindi. Depende na rin sa lalim ng sugat mo.”
 
“Katulad niyang nasa braso mo… dahil ba sa pakikipag-away ‘yan?”
 
Umiling si Kaziel. “I got this… dahil hindi ko sila sinunod.”
 
Nicelle was distracted by his answer but she had to continue.
 
“Saan ba mas mahirap… doon sa una mong naging kulungan o rito?”
 
“Dito… people are much worse. Hindi malinis ang pamamalakad ng mga namamahala. Minsan may tubig, minsan wala. Minsan maayos ang pagkain, minsan hindi. Siksikan ang ibang selda lalo na ang nasa ibaba. Ang mga may pinakamabigat naman na kaso ay tinuturing nila na parang hayop. Hindi sila pwedeng basta nalang makisalamuha sa ibang tao... katulad ko.”
 
Tumingin-tingin si Nicelle sa paligid.
 
“Dito ba kayo palagiang nag-eehersisyo?”
 
Tumango si Kaziel. “May maliit ding gym sa loob… exclusive for Zone 5 inmates.”
 
Nagbalik ang ala-ala kay Nicelle nang una niyang makita ang lalaki. She signalled Tim to cut the video. As she was just about to go down her foot slipped on the bench. But it was because of Kaziel why she did not fall and hurt herself.
 
Sa anggulo ni Tim kitang-kita niya ang sinag ng araw na lumulusot sa pagitan ng mukha nina Kaziel at Nicelle. Kinuha niya ang camera saka pinindot ulit ang play button.
 
It took a while for Nicelle to notice her position.
 
“Nicelle.”
 
Until someone familiar called her from behind. Nilingon niya ang boses na iyon.
 
“E-Eero…”
 
The police marched on their place. Inalalayan siya nitong bumaba sa bench kung saan nakatayo pa rin si Kaziel. Doon napansin ni Eero ang panyong nakapulupot sa braso nito.
 
Eero untied the knot. “Malapit lang ang clinic para gamutin ‘yang sugat mo.”
 
“Eero, ano ba?! Dumurugo ‘yong sugat niya kanina kaya nilagyan ko niyan.”
 
Eero looked at her. “It’s not your job to nurse a criminal.”
 
Humakbang si Kaziel pababa hanggang makatapat niya si Eero.
 
“You must feel threatened now,” Kaziel meaningfully uttered. He patted Eero’s shoulder. “Don’t worry, I will play fair.” Then he left
 
Pagkaalis ni Kaziel nagsalita ulit si Nicelle na may halong inis sa kanyang boses.
 
“Ba’t mo ginawa ‘yon? I don’t understand. Bakit gagawin mo ‘yon sa sugatang tao?”
 
“Mag-re-request ako kay Chief na samahan kayo sa tuwing may interview kay Zobel.”
 
“Para ano? Anytime magbubugbugan kayong dalawa because you don’t know how to consider.”
 
“I consider a lot of things! I consider a lot of people, Nicelle… but except him. Hindi ko gagawin ‘yon.”
 
Huminga ng malalim si Nicelle. “Bakit parang ang init ng dugo ninyo sa isa’t isa? Bilang kaibigan mo, Eero at napagsasabihan mo ng lahat… may hindi ka ba sinasabi sa’kin?”
 
Umiwas ng tingin si Eero. “Marami, Nicelle… marami.”
 
 


The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon