Music plays inside Preso Toreros
“Ayusin mo pagmamasahe mo!”
“Pasensya boss.”
“Hoy, nasaan na ang pagkain ko?”
“Mahaba pa ang pila e, mamaya nalang.”
“Gago ka ba? Gusto mong ikaw ang ihawin ko mamaya?!”
“Bilisan ninyong kumilos! Naiinitan na ako tangina!”
“Oh! Paunahin nga ninyo si boss!”
Hinawi nito ang ibang preso na pumipila upang magbanyo at maligo. Dumaan naman ang isang pulis hawak ang batuta nito.
“Hoy, umayos kayo riyan.”
Sumaludo naman sa kanya ang mga nakahubad na preso.
“Yes boss, pasensya na.”
“Boss, pwede bang makahingi ng skin care mo? Nagiging lubak-lubak na kasi ang mukha ko.”
Nilampasan lang ito ni Eero. Nagpatuloy siya sa pagbabantay ng mga makakalat at maiingay na preso ng Preso Toreros. Lahat ay may kanya-kanyang gawain sa bawat grupo nila. Habang palakad-lakad may lumapit na isa pang pulis kay Eero.
“Sir nagkakagulo na naman ho yata sa Zone 5.”
Eero continued and went upstairs to Zone 5, the most dangerous area inside Preso Toreros. All detained criminals are ruled by their heavy crimes, sentenced to more than 20 years of prison.
Pagdating ni Eero may mga nauna nang pulis na sinusubukang pigilin ang gulo subalit mas marami ang bilang ng mga kasaling preso. Binunot ni Eero ang baril niya saka ikinasa iyon. Itinutok niya ang baril sa mga nagkakagulo saka hapit na ipinutok sa mga ito.
Natigil ang mga kalalakihan.
“Dapa,” mahinahon niyang panuto
Pinagpapalo ng mga pulis ang kasali sa gulo saka sapilitang pinadapa ang mga ito sa sahig.
Meanwhile, a man in his clean buzz cut hair with a lean body stood from his seat and walked towards the direction of the police, Eero. He bumped unto his shoulder. Eero’s gun fell on the floor. Nagpatuloy lang ang lalaki sa paglalakad habang nakapamulsa ito. Napailing nalang si Eero saka pinulot ang baril.
“Ibalik ang lahat ng ‘yan sa kulungan nila at huwag silang bibigyan ng anumang pagkain hanggang bukas.”
“Opo Sir.”
Samantala, bago makarating ng tuluyan sa labas nadaanan ng lalaki ang isang balita sa telebisyon.
“Isinugod sa hospital ang Major General of Philippine Army na si Philip Zobel matapos manikip ang dibdib nito. Agad naman itong nabigyan ng paunang lunas at kasalukuyang nagpapahinga na ngayon sa isang pribadong hospital. Ayon sa nakatatanda nitong anak na si Ciaran Angelo Zobel, maayos na raw ang lagay ng ama at maigi ang pagbabantay na ginagawa niya rito. Dagdag pa niya, simula nang mangyari ang trahedya sa kapatid na si Kaziel Angelo Zobel ay unti-unting nang napapabayaan ng ama ang kalusugan nito. Maaalalang si Kaziel Angelo Zobel ang naging suspek sa pagpatay sa mismo niyang girlfriend at hanggang ngayo’y nagbabayad pa rin siya ng kanyang kasalanan sa loob ng Preso Toreros.”
Kumuyom ang kamay ni Kaziel. Dumiretso siya sa labas saka naupo sa isa mga bench doon. Memories flashed back on his head.
“As the court’s final verdict that went a thorough investigation and discussion among judges and juries, Mr. Kaziel Angelo Zobel is hereby found guilty for multiple acts of heinous crimes. Under the Republic Act No. 8294 or the disposition or possession of firearms or ammunition as well as explosives. The Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act. And lastly, under the Revised Penal Code of the Republic Act No. 7659, Mr. Kaziel Angelo Zobel, of 22 years of age, is therefore sentenced to 25 years and 1 day of prison. Further, I hereby declare that this case is settled.”
Outside the Philippine Court people rallied and raised their banners saying that Kaziel should be punished to death for his crimes.
“Death penalty for Zobel!”
“Justice for Ms. Jillian!”
“Alisin ang mga Zobel sa industriya!”
“Shame on the Zobels!”
“Isa kang baliw na nararapat husgahan ng kamatayan! Wala kang damdamin!”
“Kill Zobel!”
Habang naiisip ni Kaziel ang mga senaryong iyon hindi niya mapigilang mapangisi ngayon.
“Heneral!”
Kilala na ni Kaziel kung sino ang boses na iyon. Hindi naman siya nag-aksaya ng panahon na lingunin ito. Pagkalapit sa kanya’y agad siya nitong inakbayan. Nakaupo na rin ito sa tabi niya.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Mabuti nalang bumanyo ako kanina kaya hindi ako nadamay sa gulo. Walang nakakalabas ngayon sa Zone 5.”
Inalis ni Kaziel ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.
“Si Guzman?” tanong ni Kaziel na ang tinutukoy ay ang pulis
“Boss Eero? Wala ‘tol nakita kong umalis na kanina.”
Tumayo na si Kaziel saka bumaba sa bench na tinatambayan niya.
“Saan ka pupunta?”
Nilingon niya ang lalaki. “To get what’s mine.”
“Hayan ka na naman sa Ingles mo, e! Ano ‘yon?!”
Hinabol siya ng lalaki na tinuturing niyang nag-iisa niyang kaibigan sa loob ng Preso Toreros. Inilingan niya lang ito. Dumaan sila sa canteen.
“Kumuha ka ng maiinom at pagkain mo para bukas. Walang ibibigay mamaya sa Zone 5,” ani Kaziel sa kaibigang si Marlo
“Sige. Hintayin mo ako.”
Taliwas sa bilin ng kaibigan iniwan niya ito roon. Dumiretso siya sa Zone 5 kung saan may dalawang pulis na nakabantay sa may pinto. Hindi niya sana ito papansinin nang tawagin siya nito sa kanyang pagpasok.
“Bakit nasa labas ka pa?”
Pinasadahan niya ng tingin ang pulis, tila nailang ito sa kanyang ginawa. Lumapit siya sa lalaki ngunit napaatras naman ito.
“Pwede na kayong umalis,” saad niya
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)