CHAPTER 17

104 5 0
                                    

“Bilisan mo, Heneral! Baka maubusan tayo. Hindi ko pa naman nasabihan sina Chan.”
 
Pinilit ni Marlo si Kaziel na bumaba at lumabas papunta sa harap na bahagi ng exercise yard kung saan may libreng ipinamimigay na hygiene kit. Ayaw sana sumama ni Kaziel nang hilahin siya ni Marlo. Napatingin si Kaziel sa malaking telebisyon na dinaanan nila kung saan balita ang pinapalabas.
 
Pagdating nila sa bungad hindi agad sila makalabas dahil sa siksikang tao.
 
“Hindi ako kukuha.”
 
Akmang pabalik na si Kaziel nang hilahin ulit siya ni Marlo.
 
“Ano ka ba, Heneral. Samahan mo na ako, balita ko pa naman nandito sina Toro.”
 
“Kaya mo na ‘yan.”
 
“Tsk. May sugat pa nga ako, e.”
 
Hindi nagtagal walang nagawa si Kaziel kun’di makisiksikan din sa kapwa niya mga preso. Subalit nang mapansin siya ng mga ito binigyan siya ng daan. Tuwang-tuwa naman si Marlo sa unahan niya.
 
“Gan’yan nga mga kosa.”
 
“Heneral!”
 
Their eyes landed on Chan and his group who were holding many kits on their hands.
 
“O! Sina Chan!”
 
Nakisiksikan din sina Chan para mapuntahan sila sa gitna.
 
“Heneral, kinuhanan na kita.” Inabot ni Chan ang isang maliit na kahon na hawak niya
 
“Sa’kin?” tanong ni Marlo
 
“Ha? Dapat ba kinuhanan kita? Hindi ka naman naliligo, e.”
 
Nanggigil si Marlo sa lalaking si Chan. “Sapakin kita riyan, e.”
 
“’Ayan, sa’yo na—
 
Biglang naputol ang sasabihin ni Kaziel. His jaw clenched and gritted his teeth. Nabitawan niya ang box na hawak na ibibigay sana niya kay Marlo. Habang nakangisi namang dumaan sa gilid niya si Toro at ang grupo nito.
 
“Heneral! Ano’ng nangyari sa’yo?!”
 
Nakahawak si Kaziel sa tagiliran niya. He tried to be calm although he can feel the hot liquid on his hand.
 
“W-Wala…”
 
Kaziel tried to get out of the bulk. Nakasunod lang sa kanya sina Marlo. Nang makaalis sila sa kumpulan doon lamang naging malinaw sa mga kasama niya ang daang iniiwan niya. Blood is dripping from his mid-lateral body.
 
“H-Heneral!” mabilis siyang inagapan nina Marlo nang muntik na siyang matumba
 
“May saksak ka!” Chan
 
“Ano?!”
 
The other men who were with them reacted.
 
“Dalhin na natin siya sa clinic!”
 
“Umalis ka riyan, Marlo. Bubuka iyang sugat mo!” saway sa kanya ni Chan ngunit hindi ito nagpapigil
 
They carried Kaziel on their shoulders. Other inmates watched them at awe upon seeing Kaziel on his state. They were assisted as soon as they reached the clinic.
 
“Lumabas na kayo,” the doctor instructed them
 
“Siguraduhin mong walang mangyayaring masama sa kanya,” seryosong sabi ni Marlo
 
Pinabayaan nga ito nina Marlo. Napansin nila na dumarami ang nakikitsismis sa labas ng clinic kaya binulyawan niya ang mga ito.
 
“Ano’ng tinitingin ninyo?! Umalis kayo rito!”
 
Inawat naman siya nina Chan. “’Wag na, Marlo. Baka may kumontra pa sa’yo riyan. Mahirap na, baka traydurin din nila si Heneral.”
 
Nang bigla’y lumabas ang doktor ngunit hindi patungo sa kanilang direksyon kun’di sa mesa nito. Kinuha nito ang telepono.
 
“Pakihanda ang ambulansya, may pasyenteng kailangang ilabas.”
 
Malalaki ang hakbang na lumapit sina Marlo rito.
 
“Ano’ng nangyari?”
 
“Kailangan malipat sa mas malaking hospital si Zobel. First aid lang ang naibigay namin… kailangan niya ng surgery.”
 
Napakuyom ng kamay si Marlo.
 
“Hayop ka Toro. Papatayin kita.”
 
 


---

“Bakit? Ano ba’ng nangyari, Nicelle?”
 
Sa lobby ng hospital hindi pa rin makapagsalita si Nicelle. Hanggang ngayon nanlalamig at nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Lumabas ang doktor sa emergency room. Tumayo si Nicelle at agad itong nilapitan.
 
“K-Kumusta siya?”
 
“I’m sorry. She was dead on the spot. Wala na kaming magagawa.”
 
Bumuhos ulit ang damdamin ni Nicelle. Iniwan sila ng doktor. Alice was left to comfort her.
 
“A-Ano’ng g-gagawin ko, A-Alice? P-Paano ko sasabihin sa k-kanya?”
 
“Hindi ko maintindihan kung bakit, Nicelle. Kumalma ka muna, mag-usap tayo ng maayos.”
 
“Where is my wife?!”
 
Napayuko si Nicelle nang makita ang taong dumating. It was the Vice-President with his bodyguards.
 
“U-Umalis na tayo, Alice.”
 
 



The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon