Dalawang araw bago pinahintulutan si Nicelle na bumalik nang Preso Toreros. Katulad ng mga naunang gawi pagdating sa gwardiya, pinapakita at iniiwan niya ang ID doon. Makukuha niya lamang iyon kung siya’y lalabas na rin ng Preso Toreros.
Habang naglalakad tila naninibago si Nicelle dahil sa hindi gaanong maingay ang paligid. Nakarating ulit sila sa visitation area at doon naghintay sa lalaking pakay niyang kausapin. Hanggang sa may pumasok na pulis at lumapit sa kanya.
“Ma’am, hindi raw po makikipag-usap si Kaziel.”
“Hindi ba pwedeng laanan niya kami kahit trenta minutos lang?”
“Wala akong magagawa, ma’am. Desisyon niya iyon.”
Nicelle heaved a sigh. “Fine, ibigay mo nalang ito sa kanya. Basahin niya at babalik ako bukas to get his response.”
“Sige po.”
“Salamat. Kumusta na nga pala iyong kaibigan niyang nasaksak?”
“Maayos na ang lagay niya.”
“Saang hospital siya dinala? Gusto ko sana siyang makausap.”
“Hindi namin pwedeng sabihin.”
“Okay. Paabot nalang niyan kay Zobel.”
Umalis sina Nicelle sa Preso Toreros na wala na namang nakuha. Pagdating niya sa kanyang opisina’y parang pagod na pagod siya. Tumunog ang selpon niya at sinagot niya ang tawag.
[“Hey, there.”]
It was her friend, Alice.
“What’s up?”
[“Are you busy? Mag-lunch tayo together.”]
“Sounds good. May gusto rin akong sabihin sa’yo.”
[“Ano? Dapat ba akong kabahan?”]
“Hmm…baka? Slight, ganon. Small favor lang naman.”
[“Akala ko ba sasabihin lang? Ba’t may favor na?”]
“Kasi ikaw ang favorite kong abogado. Aren’t you happy?”
[“Tse. See you later nalang. Ilibre mo nalang ako.”]
“Mandurugas. Ang yaman-yaman mo na nga.”
[“Haha. Bye, love you babe.”]
-----
Nicelle had lunch with her best friend. Just right after she received a call from a strange number.
“Nicelle Morgan, speaking. Who is this?”
[“I have a deal.”]
Nicelle’s breathing seemed to stop upon hearing that dark and deep voice.
“Okay, I’m going back there.”
Naging mabilis ang kilos ni Nicelle. Hindi na siya bumalik ng opisina para kuhanin si Tim. Nagmaneho siyang mag-isa patungo sa Preso Toreros. Kalahating oras ang ginugol niya sa pagmamaneho bago marating ang lugar.
Pangamba ang nasa isip niya habang tinatahak ang visitation area kasama ang dalawang pulis sa likod niya. Ilang minuto lang ang tinagal dumating din si Kaziel. Labis niyang ipinagtaka kung bakit tila nadagdagan ang pagkakagapos nito. Hindi nalang posas ang naroon sa kamay ni Kaziel kun’di mayroon na ring kadena na nakagapos palibot sa kanyang mga braso at likod.
Tiningnan ni Nicelle ang dalawang pulis sa likod nito.
“Pwede bang kalagin ninyo ‘yang gapos niya sa katawan? Do you treat your prisoners here like animals?”
Walang imik ang dalawang pulis.
“Wow, you sound like a humanitarian,” Kaziel teased
“I’m just doing a favor for you pero parang ayaw mo naman.”
Tumayo si Kaziel saka lumapit sa dalawang pulis. He lifted his arms. Pagharap nito wala na ang posas at unti-unti nang nalaglag ang nakapalibot na kadena sa katawan nito.
“Sometimes you just need to be patient.”
“So, heto ang gagawin natin, Mr. Zobel. Since you’re our main subject, you will have the most interview and everything that we’ll document is connected to you. Umaasa akong nabasa mo na ang laman ng mga papel na ‘yan. We have there the terms and conditions. You will also sign the papers.”
“Nabasa ko nga. There’s nothing good and beneficial here like what you’re trying to say. Wala akong nahanap kun’di isang self-centered purpose of research. It’s for your own good, para sumikat ka. Gagamitin mo ‘yong mga kaawa-awang buhay dito to catch people interests and then what?”
“That’s right. Gagawin ko nga kayong kaawa-awa sa mata ng mga tao. May mapupulot silang aral dahil sa inyo.”
Nicelle noticed his sharp jaw clenching.
“I don’t like your eyes… and now your mouth.”
“It doesn’t matter, Mr. Zobel.” Lumingon si Nicelle sa dalawang pulis sa likod niya. “Pwede bang lumabas muna kayo? May pag-uusapan lang kami, that’s part of our study and it’s confidential.”
“Pero—
“Your Chief agreed to my rules. Please leave us.”
Walang nagawa ang dalawang pulis pati na ang mga sumama kay Kaziel. Sa labas na nagbantay ang mga ito. The room is soundproof. Nicelle and Kaziel can still talk safely.
“I will expose everything about Preso Toreros. Lahat ng hindi magagandang bagay na nangyayari rito lalo na ang pamamalakad sa taas. Your cooperation with me will not go to vain, Mr. Zobel.”
“And now you’re a hero.”
“Can you please stop those unnecessary words?! Talk like a damn human! Maayos akong nakikipag-usap sa’yo. Gusto kong matapos lahat ng ‘to nang mabilisan lang because I have other matters to do.”
Tinitigan lang siya ni Kaziel ng ilang minuto. Biglang nailang si Nicelle. Sa pamamagitan ng butas sa malaking salamin na nakaharang sa pagitan nila, idinaan doon ni Kaziel ang kwintas na hawak niya kasama ng isang maliit na papel.
“That’s the address of the hospital where Marlo is confined. He’s an inmate who got stabbed few days ago. Tanungin mo siya kung bakit nasa kanya ang kwintas ko nang mga oras na sinaksak siya ni Toro.”
Binuklat ni Nicelle ang maliit na rolyo ng papel. She read the address and looked at Kaziel again.
“Ano ako? Messenger ninyo?”
“I’m doing you a favor, you’ll do me a favor. It’s a win-win situation. Ikaw ang magiging koneksyon ko sa labas.”
“Excuse me? Once I got admitted here the only time I’ll leave is when I’m done with my objectives.”
Kaziel grinned. “So, you’re going to spend your time here with me? Hindi ba magagalit ang asawa mo niyan?”
Mahinang nagmumura si Nicelle.
“I don’t have a husband, neither a boyfriend, Zobel.”
Kaziel arched an eyebrow. “Oh, wala ba? You look old.”
Parang umakyat ang lahat ng dugo ni Nicelle sa mukha niya dahil sa pula niyon. Wala siyang mapagbuntungan ng galit at inis na nararamdaman ngayon.
“Mukha bang nandito ako para makipag-asaran sa’yo? Sabihin mo na ang gusto mong sabihin at ipagawa sa’kin, Mr. Zobel dahil kailangan ko nang umalis. This is your last chance.”
“Tss. At the back of that address is my personal number. Tawagan mo ako kung may kailangan ka pagdating mo roon.”
“Ito na ba ‘yong deal na sinasabi mo?”
Umiling si Kaziel. “Tell Marlo that he better have good answer. Kung hindi, ako mismo ang tatapos sa kanya, hindi si Toro.”
Umurong ang dila ni Nicelle.
“Pwede ka nang umalis.”
Tumayo si Nicelle. “Pagbalik ko dapat napirmahan mo na iyong kasunduan natin.”
Hindi naman sumagot si Kaziel. Naiwan siya sa loob kung saan sila nag-usap ni Nicelle. He’s still looking at the door where she left until he decided to go in his own way.
“May tatawag sa’kin mamaya, alam na ninyo ang gagawin,” sabi niya sa pulis na umalalay sa kanya saka tumango bilang pagtugon
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)