CHAPTER 10

106 4 0
                                    

His dark eyes… Nicelle met them again.
 
“W-What’s happening... tama ba ang mga narinig ko?”
 
“I will deal with my own problems.”
 
“Binaril ka ni Eero at may sinaksak kang tao. Higit sa lahat ramdam kong may tinatago ang Chief ninyo… hindi lang ikaw ang may problema.”
 
Kaziel moved away from her.
 
“That doesn’t change the fact na hindi ka dapat makialam.”
 
“Kung gano’n, sagutin mo ang tanong ko… bakit binaril ka ni Eero?”
 
“All reasons doesn’t concern you, Morgan.”
 
“Hindi ako pwedeng magbulag-bulagan kung alam kong may mali! Eero is a good man… a good friend to me since we were young kaya hindi ko maintindihan ngayon kung bakit nagawa niyang mambaril ng tao!”
 
Kaziel fell into silence. Until two policemen came and whisphered to him. Muling tiningnan ni Kaziel ang babae bago ito umalis kasama ang dalawang pulis.
 
Naiwan si Nicelle sa corridor na gulo pa rin ang isipan. She returned back to her team.
 
“May problema po ba, Ms. Morgan?” tanong sa kanya ni Ronald
 
“Tingin ninyo weird dito?”
 
Unang napa-react si Tim.
 
“Ma’am, nang maisipan pa lang po ninyo na rito tayo magkakaroon ng project talagang weird na po.”
 
Tiningnan niya ito nang masama.
 
“You have to embrace such realities, Tim. Hindi lahat ng buhay komportable at puro pasarap lang.”
 
“Totoong nakakakilabot dito minsan, Ms. Morgan. Pero sa tuwing nakikita ko ang kalagayan nila, naaawa nalang ako minsan,” sagot naman ni Ronald
 
“Nakita n’yo naman ang sugat ni Mr. Zobel kanina, ‘di ba? Pulis pala ang may gawa niyon saka nakausap ko rin si Chief kanina. To conclude what he said, we should not do anything that will harm us.”
 
“Pinagbabantaan niya ba tayo?!” Tim
 
“Kung ganoon, kailangan ho nating mag-ingat, Ms. Morgan.”
 
“Oo nga. Okay na ba iyong mga pinapaayos kong files?”
 
“Opo, ma’am.”
 
“Sa’kin na muna ang laptop, i-ba-back up ko lang ang files natin.”
 
“Naayos na po namin, Ms. Morgan.”
 
“Mas okay na ang maraming kopya. Hindi natin alam ang mga bagay-bagay. Anyway, maghanda na ulit kayo. We’ll do another round.”
 
With that Nicelle left them. Pagdating niya sa kanyang kwarto’y napahinga siya nang malalim. They only have three weeks to accomplish everything but it seems like the time for her is too short to do what she needs to do.
 
There’s something that I must find out. Preso Toreros… ang dami mong misteryo.
 
Nicelled backed up their files with her extra flashdrives. She reviewed their interview questions, eliminated and added them. She finalized their statement of the problem and finally, she aimed for another goal.
 
After doing her things, she prepared herself again and went out. Ronald and Tim were waiting for her while holding their cameras.
 
“Sa canteen tayo ngayon. We’ll document and do some random interviews. I just hope na mga maayos ang makuha natin para makaalis tayo agad.”
 
“Opo, ma’am. Gusto po ba ninyo na ako nalang ang mag-interview?” Tim
 
“Tingnan nalang natin mamaya. If it does not go well, I guess you have to take the floor.”
 
“Noted, ma’am.”
 
 



Nakapagdokumento nga sina Nicelle ngunit katulad ng kanilang inaasahan maraming panggugulo na naman ang pumagitna. Nakailang tanong siya bago makakuha ng maayos na sagot sa isang tao. May ibang itinataas naman ang gitnang daliri nila habang nag-vi-video sila. Dahil doon dobleng trabaho ulit ang gagawin nila sa pag-e-edit. May mga nakikita rin silang pang-aapi habang kumakain ang ibang preso.
 
Gayunpaman, pinanatili nila ang distansya sa karamihan. Mas hinabaan din niya ang kanyang pasensya. Hanggang makalabas sila bakas sa kanilang mukha ang pagod.
 
“Saan po ba ang sunod, ma’am?”
 
“Kailangan ulit natin ma-document si Kaziel, pero this time doon na sa gym na para lang sa Zone 5.”
 
“Zone 5? Ano ho ba’ng meron diyan?” tanong ni Ronald na hanggang ngayo’y walang ideya kung tungkol saan ang bansag na iyon.
 
“Hay naku! ‘Wag mo nang alamin, Ronald. Kung malala ang mga presong nasa baba, siguro ‘yong nasa Zone 5 ikamamatay mo na.”
 
“Huwag mo nang pakinggan si Tim. Mauna na kayo sa kwarto tapos, back up agad ng files. Hahanapin ko lang muna si Mr. Zobel.”
 
“Kaya mo ma’am mag-isa?” Tim
 
“Oo, okay lang. May mga naglilibot naman na pulis tsaka…” she lifted her arm and waved her wrist. “I have this.”
 
“Okay po, ingat kayo ma’am.”
 
Nicelle was walking on the corridor taking turns to see if she can spot Kaziel but she did not. Yet, someone else did. Bumalik sa ala-ala niya ang narinig na pag-uusap nina Kaziel at Marlo.
 
“What are you doing here? Ba’t naglalakad ka rito nang mag-isa?” tanong ni Eero sa kanya. His voice was full of concern.
 
Nilagpasan lang ni Nicelle ang kaibigan pero hinarangan siya nito sa kanyang nilalakaran.
 
“Is this still about last time? I thought we’re fine.”
 
“Kailan ka hindi naging tapat sa’kin, Eero? Pwede ko bang marinig ang sagot ngayon.”
 
“I was always honest, Nicelle. I’m sorry if I confused you sa sinabi ko kanina. Wala akong masamang ibig sabihin do’n. You are always precious to me, sabi mo nga… best friends tayo.”
 
“Okay… salamat. Mauna na ako,” Nicelle respond coldly. She walked away and found herself at the exercise yard.
 
Hindi pa siya nakakalabas nang tuluyan nang makarinig nang tila isang gulo. Sumilip siya upang tingnan ang nangyayari. Napatakip siya ng kanyang bibig matapos makita ang isang lalaki na hinahampas ng matigas na tubo. Nakahiga na ito sa damuhan habang pinagkakatuwaan lang ng grupo.
 
“You like sticking your nose to someone’s business.”
 
Laking gulat niya nang may magsalita sa kanyang likod. Hinarap niya ang lalaki, it was Kaziel.
 
“Ano’ng ginagawa mo riyan?”
 
“Ako dapat ang nagtatanong niyan.”
 
“Hinahanap kita dahil kailangan ko ng sequel doon sa interview ko sa’yo sa exercise yard. I need to document you while you’re doing warm-ups, or better an exercise.”
 
“May activity ngayon sa exercise yard. Hindi ako pwede.”
 
“Hindi ko naman sinabing diyan… sa gym iyong sabi mo.”
 
“What—
 
“Kikitain nalang kita roon. Babalikan ko lang sina Ronald.”
 
Tumakbo si Nicelle pabalik sa mga kasama niya.
 
“Ma’am—
 
“There’s another you need to document, Ronald. May activity ngayon sa baba sa exercise yard. Magtitipon-tipon silang lahat doon. I think magandang opportunity ‘yon para makuhanan mo sila nang sabay-sabay while doing something for their welfare.”
 
“Opo, Ms. Morgan. Magandang chance nga ‘yon.”
 
“Kaya mo ba’ng mag-isa, Ronald?” Tim
 
“Kakayanin ko naman siguro tsaka paniguradong may mga bantay din sila roon. Kaso kailangan ko sana ng isang aalalay sa’kin para sa paglipat-lipat ko ng angle, at para na rin makuhanan ko agad ng opinyon.”
 
Napatingin ang dalawa kay Nicelle.
 
“Sinasabi ninyong mag-isa ako kasama si Mr. Zobel?”
 
“Parang gano’n na nga po, ma’am.”
 
“No way.”
 



The Convict [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon