Masama ang tinging ipinupukol ni Kaziel sa camera nina Nicelle.
“Don’t stare at the camera. Magbungkal ka lang diyan ng lupa na para bang wala kami rito,” Nicelle instructed
Nasa labas nga sila para sa isang dokumentaryo na naman nina Nicelle. May mga kasabay rin silang ibang preso at mga nagbabantay na pulis. Hindi maka-focus ang iba dahil sa nakikita nilang si Kaziel na ngayon lamang nagbungkal ng lupa. Hindi ito dumadalo sa ganoong aktibidad ng mga preso sa loob ng Preso Toreros.
“Ang ganda ng katawan, ano ba ‘yan!” pabulong na sabi ni Tim habang nakatitig sa camera. Siniko siya ni Nicelle.
“Pagsisisihan mo ‘to, Morgan,” sambit ni Kaziel
“Lagyan mo ng lakas, Mr. Zobel para mas malalim at malaking lupa ang mabungkal mo.”
Kaziel did his thing and just after, Nicelle asked him to plant.
“Ano’ng gagawin ko rito?” tanong niya nang bigyan ng pananim ni Nicelle
“Itatanim mo, Mr. Zobel. Marunong ka ba?”
Tumingin si Kaziel sa paligid niya. Nakita niya kung paano ginagawa ang pagtatanim niyon. He found it simple. He spotted a location for his plant and worked on the soil. Pinalalim niya ng kaunti ang lupang binungkal kanina saka nilagay doon ang pananim. Pagkatapos ay tinabunan niya ito ng lupa sa madiing paraan.
“Ano’ng ginagawa mo? Hindi niyan makakahinga ang pananim mo.”
Lumapit si Nicelle saka tinulungan ang lalaki. Tim documented the two of them. Nicelle demonstrated and gently covered the roots of the plants with soil.
“Diligin mo na.”
Inabot ni Kaziel ang tubig na nasa sprinkler saka dinilig ang halaman.
“O, tama na,” pigil ni Nicelle sa kanyang kamay
Nagkatitigan silang dalawa sa ilalim ng sikat ng araw.
“Dadako na po ba tayo sa sunod?” Ronald
“Uh… akin na ‘yong—
“Maghugas ka ng kamay mo,” saad ni Kaziel.
Nakita nga ni Nicelle ang mga naiwang lupa sa kamay niya. Gamit ang natirang tubig sa sprinkler hinugas niya iyon. Ang problema naman niya ngayo’y kung paano niya pupunasan ang kamay.
Kinuha ni Kaziel ang T-shirt niya na nakasabit sa bulsa ng pantalon niya sa kanyang likod.
“Here.”
Nicelle’s mouth hanged open. Naglakad si Kaziel palayo sa kanila upang sumilong habang siya’y nakatingin pa rin sa T-shirt sa kanyang kamay.
“Ma’am, punasan mo na ‘yan. Hay… I smell something fishy, ha.” Tim
Matapos ang kanilang community service papasok na ulit sa loob ang mga preso, kabilang na roon si Kaziel. Natanaw pa ito ni Nicelle kaya’t hinabol niya ito. Natigil sila pareho sa corridor.
“May ibibigay lang ako, heto…”
Inabot niya ang T-shirt nito. Kinuha ‘yon ni Kaziel saka akmang aalis na nang magsalita ulit si Nicelle.
“Sandali lang… heto nalaglag mo rin—
Agad na hinablot ni Kaziel ang kwintas niyang hindi niya namalayang nawala pala.
“Salamat,” he answered and left
Tumaas ang kilay ni Nicelle nang makaalis ito. Inabutan ulit siya nina Tim at Ronald.
“Mainit na naman ang ulo niya,” she mumbled
“Hayaan mo na po. Mamaya okay na ulit iyon.”
“Ano na ang sunod nating gagawin?” tanong niya sa mga kasama
“Interview po.”
They arrive at their rooms. Saglit silang nagpahinga bago napagdesisyunan ni Nicelle na lumabas ulit bitbit ang kanyang folder at sukbit na camera. Palakad-lakad lang siya hanggang tumigil ang mga paa niya sa tapat ng Zone 5. Sa magkabilang gilid ng malaking pinto ay may nakabantay namang dalawang pulis.
Kinuhanan niya ng larawan ang anggulong iyon. She pictured every corner of her view. Sinubukan din niyang sumilip sa malaking pinto ngunit hinarangan siya ng pulis.
“Bawal ho rito, ma’am.”
“Hindi naman ako papasok.”
Hindi na siya pinansin nito. She just stood there gazing at the label above the door.
‘Zone 5’
Ano kaya’ng nandito? Tanong niya sa kanyang isip hanggang sa bumukas ang pinto at iluwa niyon ang taong gumugulo sa kanyang isip ngayon.
Muling nagtama ang mga mata nila.
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“G-Gusto sana kitang makausap.” Napansin ni Nicelle na napasulyap sa kanyang ang dalawang pulis. “Tungkol pa rin sa pag-aaral namin,” she showed the folder
Sumang-ayon naman si Kaziel. Pumunta sila sa gym kung saan tahimik ang paligid at kakaunti lamang ang taong naroon.
“Interview?”
“Oo. Last time hindi kita natanong kung ano’ng favorite sport mo rito or kind of exercise. Pwede ko na bang marinig ang sagot ngayon?”
Kaziel nodded. Naupo lang siya sa isang exercise machine doon habang si Nicelle nama’y nakatayo lang at inaayos ang camera.
“Okay, you may answer the question now.”
“Boxing. Sa loob ng pitong taon boxing ang kinahiligan ko rito. It helped me focus and organize my thoughts.”
Nicelle paused the video. “That’s okay. Now… I’m going to ask different questions. This is more about your experiences and views as someone who has been imprisoned for a long time.”
“Do I have to answer honestly?”
“Kailangan, Mr. Zobel.”
Kaziel wetted and bit his lips. “Fine.”
“I’ll begin,” Nicelle played the video again and she started with the first question. “Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon, Mr. Zobel?”
Umangat ang tingin ni Kaziel kay Nicelle. Kaziel didn’t expect that it would be Nicelle’s first question.
“Maayos naman… pagod.”
“Pagod saan?”
“Physically and mentally? I guess.”
Nicelle can’t utter a word. Though she knows the answer.
“Maraming ginagawa ang mga taong nakakulong sa Preso Toreros. Mayroong buwan na subsob na subsob kami sa trabaho sa labas maghapon. Minsan walang maayos na pagkain at pahinga pero kailangan mong magpatuloy para hindi ka maparusahan. Nakakapagod din isipin ang mga problema rito. Kung hindi ka sanay maaaring ikasira ng bait mo.”
“Paano ka nag-aadjust sa mga kasama mo? May mga bayolente bang tao na nakakasama mo, o may mababait naman?”
“Kung kaibigan mo sila pwedeng mabait sila sa’yo, pero kung hindi… kontra ka rin nila.”
Palalim nang palalim ang kanilang mga tinginan.
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)