“The letters are all prepared ma’am.” Jessy
“Heto na rin po ang ibang mga impormasyon tungkol sa Preso Toreros. I also included their history.” Ronald
“Yes, that’s very important.” Nicelle
“Ready na rin po ang interview questions.” Kris
They all put the papers down. They are gathered again in Nicelle’s office for a short meeting.
“Maraming salamat sa inyo. Bukas papipirmahan ko na ito kay Sir Fuentes and then babalik ulit kami ni Tim sa Preso Toreros.”
“Ma’am naman,” pag-angal ni Tim
“For now, pwede na kayong umuwi at magpahinga.”
Ngumiti ang kanyang mga kasama.
“Salamat po, Ms. Morgan. Happy birthday nga po pala.”
“Happy Birthday, Ms. Morgan.”
“Pagbati sa iyong kaarawan, Ms. Morgan.”
“Happy birthday po, ma’am.”
“Salamat sa inyong lahat.”
“Wala po bang team dinner diyan? Libre?” Tim
“Sa ibang araw nalang siguro, may ibang lakad ako ngayon,” Nicelle smiled
“Yiee, mukhang makikipagdate si Ms. Morgan ah. Sige po aalis na kami para makapaghanda na kayo,” ani Kris
“It’s not a date. I-memeet ko lang iyong friend ko.”
“Sus, sige na po ma’am.”
Nicelle’s team decided to go on separate ways. Palabas pa lang si Nicelle sa building nila nang may bumusinang sasakyan sa harap hindi kalayuan sa kanya. The window of the car opened and it revealed her bestfriend’s face smiling great at her.
She waved at him.
Eero glanced at the small box of necklace that is a gift for his bestfriend Nicelle. He hid it when she was nearing the car.
“Good evening. Hindi ka naman nagsabing susunduin mo pala ako. Hindi pa nga ako nakakabihis.”
He smiled. “It’s okay. Maganda ka naman kahit anong suot mo. Gwapo rin ang kasama mo, bawi na 'yan.”
“Syempre, ako ‘to e. Pero sayang naman, mas gaganda pa sana ang date mo kung maayos lang ang damit ko ‘di ba.”
“Tsk. Gusto mo magbihis?”
Nilingon ni Eero ang kaibigan na tumango bilang kasagutan sa tanong niya.
“Okay, dadaan na muna tayo sa apartment mo.”
“Aww. Ang bait talaga ng bestfriend ko.”
“Ano’ng mabait? Ikaw magbabayad ng dinner natin mamaya.”
“Not going to happen.”
Eero laughed. Dumaan nga sila sa apartment ni Nicelle. Nicelle wore a very simple dress but it has emphasized her angelic face. She put on light make up and made her lips glisten.
Nang makababa siya natanaw niya si Eero na nakasandal sa kotse. Umayos ito ng tayo at nang makalapit siya’y nginitian siya ng kaibigan.
“’Pag ako talaga ang kasama grabeng pagpapaganda ang ginagawa ah.”
Umirap si Nicelle. “Katulad ng sinabi mo kanina dati na akong maganda,” saka kumibit-balikat siya
Pinagbuksan siya ni Eero ng pinto. Pumasok siya sa kotse. Habang nasa byahe patuloy ang pag-uusap nilang dalawa. Palaging binabalikan ang kanilang mga nakaraan at kung paano nila narating ang buhay nila ngayon. Hanggang sa makarating sila sa pribado at eleganteng restaurant kung saan nagpareserba si Eero upang ipadiwang ang kaarawan ng kanyang kaibigan.
“Wow?” unang nasambit ni Nicelle nang makababa siya. “Paano mo nahanap ang lugar na ‘to?”
“Instinct lang ng mga gwapo,” kumindat si Eero
“Tsk. Halika na, baka gutom lang ‘yan. Ililibre mo pa naman ako.”
Naglakad sila patungo sa loob ng restaurant. Isang malumanay na musika ang sumalubong sa kanilang mga tainga. Nakapalibot ang kamay ni Nicelle sa braso ni Eero habang tinatahak nila ang lamesang para sa kanila.
“Good evening Ma’am and Sir.”
“Good evening. Reservation for Guzman.”
“We’ll check it Sir.”
Afterwards, they were led to their table. Pinaghila ni Eero ng upuan si Nicelle. Patingin-tingin pa rin ang dalaga sa kanyang paligid dahil hanggang ngayo’y namamangha pa rin siya roon. Mula sa mga disenyo, garden sa labas, at maging ng mga furnitures nila.
“Here’s our menu Sir… Ma’am.”
“I think I’ll choose for her,” Eero said laughing
The foods were served. They were having fun talking until Eero opened up the talk.
“Ano’ng ginawa mo sa Preso Toreros kanina?
“Another project.”
“About what?”
“Hmm…” pagdadalawang isip ni Nicelle na magsalita
Gamit ang kapirasong tisyu pinunasan ni Eero ang gilid ng kanyang mga labi saka muling nagsalita.
“Akala ko ba walang sekreto?”
“Eh kasi naman confidential pa iyon eh... pero sige. May research kasi kami ngayon at bago lang. Ang Preso Toreros ang napili naming lugar kung saan iyong mga preso ang magiging subject namin pati na ‘yong buhay nila sa loob. That’s why we prepared all the letters and we also talked to your Chief. Hindi simple ang gagawin namin.”
“What kind of research is that?”
“Case study.”
Napa-straight ng upo si Eero.
“Are you serious? Sinasabi mo bang mag-i-stay kayo sa lugar na ‘yon to study those people?”
Napatango si Nicelle. “Bakit?”
“That’s dangerous, Nicelle. Hindi simpleng mga tao ang naninirahan doon. They are criminals.”
“I know, that’s one of the reasons why we chose them. I’m sure there’s a safe place for us there, lalo na’t nandoon ang best friend kong pulis.”
“Don’t sweet talk me, Nicelle. Hindi naman 24 oras nasa paligid mo ako. Halos oras-oras may nagaganap na away sa loob ng presuhang ‘yon. Ang iba pa nga namamatay. Ano ang gugustuhin mong pag-aralan doon?”
Sandaling natigilan si Nicelle.
“What did you say? May mga namamatay sa away? Nabibigyan man lang ba sila ng hustisya?”
“That’s not important now. What I’m saying is, it’s too dangerous there for you and your team. Lalo na kung mag-i-stay kayo roon. It’s not that I don’t support you. I just don’t want anything bad to happen. Okay?”
“Eero, alam mo aalis naman kami roon kapag alam ko nang hindi na kami dapat doon. Sa ngayon, hayaan mo muna akong gawin ang dapat naming gawin. Besides, I’m planning something great kapag natapos ng matagumpay ang research naming ‘to. Please? Tsaka marami namang pulis doon at katulad ng sinabi ko kanina kampante pa rin ako dahil nandoon ka.”
Napabuntong-hininga na lamang si Eero. Tila hindi na niya mapipigilan pa ang kaibigan.
“Ano pa nga ba ang magagawa ng isang Eero na nilalambing?”
Malawak na napangiti si Nicelle.
“Sus! The best ka talaga. Buti nalang ‘di mo pa iniiwan ang best friend mong ‘to.”
“Best friend mo mukha mo,” bulong ni Eero
“Ano’ng sinasabi mo? Para kang tanga riyan.”
“Wala. Kumain ka na.”
BINABASA MO ANG
The Convict [COMPLETED]
General Fiction[Highest-ranking attained: #4 randomstories] Kaziel was convicted by the law following a murder case of his girlfriend. Little the people knew, he was only framed for brutally killing the woman of his own life. It was someone's doing. His family hat...
![The Convict [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/326964083-64-k418794.jpg)