Kabanata 1

166 2 0
                                        


Bumuntong hininga ako at saka nag punas ng pawis pag katapos ay kinuha ang tray na nag lalaman ng order ng mga costumer na kumakain dito sa restaurant na pinag tatrabahuhan ko

"Here's your order sir" Linapag ko ang pagkain nila at yumuko pag katapos ay umalis at bumalik sa kusina

"Amore, sa table 13!"

"Yes, sir!" Sinerve ko 'yon sa table 13 at saka ulit bumalik

"That's for table 10"

"Copy!" Ganun lang ang ginawa ko sa bawat oras na nag daan
 

 
10:30 pm...

Marami ang mga costumer na kumain dito sa bawat oras na lumipas kaya anong oras na kami nakauwi. The restaurant that i'm working is not 24/7. It's an italian restaurant

"Amore, mauna na kami ah"

"Bye amore!"

"Bye!!" Kumaway ako sakanila at saka sila pinag masdan papasok sa jeep

Huminga ako ng malalim at saka sumakay sa motor na naka parada at saka 'yon pinaandar. Ganito lagi ang nang yayari sa bawat araw na nag daan. Papasok sa trabaho, uuwi ng anong oras, aantayin na makasakay ang mga katrabaho at saka uuwi

Hindi ako kagaya ng mga babae diyan na masayang nag aaral at gumigimik sa kung saan saan. I'm 20 years old and hindi ako nakapag tapos ng pag aaral. If i know, fourth year college na sana ako ngayon

Panganay ako sa limang mag kakapatid kaya grabe nalang ang pag kakayod ko sa buhay. Ang sumunod saakin na lalaki ay garde 12 senior high at nag aaral sa private school dahil walang public school sa lugar namin

Nag papasalamat ako dahil may katalinuhan siya at ginamit niya 'yon upang makakuha ng scholarship. Malaking ginhawa na 'yon saakin

Ang sumunod naman sakaniya na babae ay third year high school at ang natirang dalawa na parehang lalaki ay elementary at parehong grade 3

Kung pamilya ang pag uusapan, bagsak na kami. Mahirap pa kami sa mahirap. Ang ina ko ay nasa bahay at imbis na mag trabaho ay nag papakalulong sa bisyo niyang baraha. Ang ama ko naman ay lasenggero at masama ang takbo ng utak kapag nakaka inom. Kaya masasabi ko minsan na minalas talaga ako sa buhay
 

Nakarating ako sa bahay naming kahoy at hindi kalakihan. Binuksan ko ang pinto at isang yapak pa lamang ng paa ang gagawin ko ay isang malakas na sampal kaagad ang sumalubong saaking mukha

"Bakit ngayon ka lang nakauwi?! Anong oras na amore!! Uwi ba 'yan ng isang desenteng babae?! Nakipag kita ka ba sa nobyo mo o lumandi ka?!" Malakas na sigaw ng aking ina ang namutawi sa bawat sulok ng bahay

Namula na lamang ang mga mata ko at naluha pag katapos ay nag angat ng tingin. Sumalubong saakin ang matalim at nag pupuyos sa galit na tingin ng aking ina. Ang magulo niyang buhok at ang damit niya na baligtad

Maganda ang ina ko lalo na ng kabataan niya. Habulin siya ng mga lalaki at hindi ko alam kung nasaan ang lolo at lola namin na magulang niya

Wala siyang binabanggit about dun

"Anong oras na po kaming nagsara dahil dinagsa ang pinag tatrabahuhan ko ma" Malamig at kalmado na boses kong ani. Pinilit kong maging matatag kahit na gusto ko ng umiyak

My mother was a prostitute. Isa sa kilalang bar sa Marikina siya nag tatrabaho nuon. Dahil sa trabaho niya ay duon iniluwal ang mga kapatid ko. Ngunit kahit na kapatid ko sila sa Iba't ibang lalaki, mahal ko pa rin sila. Kami lang naman ang mag kakakampi dito sa bahay

Dinuro ako ng nanay ko habang nanlilisik pa ring naka tingin saakin "Siguraduhin mo amore. Tandaan mong ikaw ang panganay dito sa pamamahay na 'to!!"

"Malaman laman ko lang na may kinikita kang lalaki at linalandi, lumayas ka na lang sa bahay na 'to at ng maibenta ko na ang mga kapatid mo!! Walang silbi!!"

Sinampal niya pa ako ng isang beses at saka ako sinabunutan na ikinapikit ko

"Ouch, ma!" Nakapikit kong inda

"BWISIT!!" Binitawan niya ako ng pabalang at saka tumalikod saakin

Yumuko na lamang ako at lihim na napakuyom ng kamao. 'yan ang isa sa dahilan kung bakit hindi ako maka alis sa bahay na 'to

Ang walang sawa niyang pag babanta na ibenta ang mga kapatid ko.

Nakaka sama lang ng loob sa part na, anak niya ang pinag babantaan niya at anak niya ang binabanggit niyang ibebenta. Dugo't laman niya ang pinag uusapan dito. Hindi ba siya nakokonsensya o ito talaga ang isa sa dahilan ng pagiging prostitute niya at pag gahasa sakaniya ng minor de edad pa lamang siya

Yea. My mom was rape. She was 16 that time when she was rape by three men. She was walking back home when suddenly, three men approached her and did malicious things to her. And with that, i was born

It's too tragic to think that my mom experienced those horrible things. Minsan napapaisip ako na, kaya ba galit na galit saakin ang sarili kong ina, ay dahil sa tuwing tumitingin siya saakin ay nakikita niya ang sarili niyang ginagahasa at ako ang naging bunga

It's not my fault na ako ang naging dahilan ng masama niyang ala-ala pero sana naman, maalala niya na dugo't laman niya ako/kami. Na anak niya kami at hindi isang tao na nag papalaboy laboy lang sa daan

Nakita ko pa ang pag labas ng nanay ko ng isang sigarilyo at sinindihan 'yon bago siya nawala sa paningin ko. Unti unti akong bumagsak dahil sa pagod kasabay nun ang sunod sunod na pag bagsak ng mga luha ko

Gustong gusto ko ng sumuko sa buhay kong 'to pero sa tuwing naaalala ko ang mga kapatid ko e biglang nawawala ang pag ka uhaw ko na 'yon

Bakit ba panganay nalang lagi ang nag sa sakripisyo? Hindi ba nila alam na napapagod din ang tao?

Bigla akong napa balikwas at saka pumikit ng mariin ng marinig ko ang sunod sunod na tunog sa kuwarto ng magulang ko. Tunog ng mga gamit 'yon na nag sisiliparan

Tinakpan ko ang tainga ko at saka mabilis na tumayo at tumakbo habang nanginginig ang katawan. Dumeretso ako sa kuwarto at saka nag lock pag katapos ay dumausdos pababa sa pinto habang hawak hawak ang bibig para hindi maka gawa ng ingay. Pinikit ko pa ang mata ko ng mariin habang pilit na hindi pinapansin ang naninikip na dibdib at lalamunan

Patuloy pa ring nag sisibagsakan ang mga luha ko at patuloy pa rin sa panginginig ang buo kong katawan habang patuloy kong naririnig ang tunog ng mga gamit na nag sisiliparan

 
At sa buong gabi na 'yon. Sa madilim at nag gagandahang gabi. Sa maliwanag na buwan, hindi ako nakatulog ng maayos at patuloy na umiyak habang inaataki ng anxiety, depression, trauma, at insomnia...

---

Mistaken LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon